Skip to main content
Skip to main content.

Hukuman para sa Mga Juvenile

Nakatuon ang Hukuman para sa Mga Juvenile sa dalawang magkaibang uri ng mga kaso na kinasasangkutan ng mga batang wala pang 18 taong gulang (menor de edad).Ang mga usapin kaugnay ng Juvenile Dependency ay kinabibilangan ng mga kasong nauugnay sa pang-aabuso at/o kapabayaan sa isang menor de edad, habang patungkol naman ang mga usapin sa Juvenile Delinquency sa mga paglabag ng menor de edad sa mga batas kaugnay ng krimen. 

Mga Abiso

Bisitahin ang nakalaang webpage ng COVID-19 ng Hukuman para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga available na serbisyo ng hukuman. 

Mga Menor de Edad at ang Batas

Maraming uri ng kaso ang kinasasangkutan ng mga bata, hindi lang juvenile dependency at juvenile delinquency. Tinatalakay ang mga kaso ng kustodiya at suporta sa bata sa seksyong Pampamilyang Batas ng website.

Tinatalakay ang mga guardianship sa seksyong Probate , at ang mga pagpapalit ng pangalan sa seksyong Self-Help .

Juvenile Delinquency

Mag-click sa mga paksa at FAQ sa ibaba para sa higit pang impormasyon tungkol sa Juvenile Delinquency.

Ang puwede mong matutunan dito:

Nagbibigay ang site na ito ng impormasyon tungkol sa Dibisyon ng Juvenile Delinquency ng Superior Court ng California, County ng Alameda.

Puwede kang makakuha ng impormasyon tungkol sa:

  • Proseso ng Hukuman at Mga Paglilitis para sa Juvenile Delinquency
  • Mga Hukumang May Espesyalisasyong Makakatulong sa Mga Menor de Edad (Mga batang wala pang 18 taong gulang)
  • Mga Programang Available sa Mga Menor de Edad Bago at Matapos ang Disposition ng Kaso
  • Mga Resource ng Komunidad na Available sa Mga Menor de Edad na Nasa Panganib

Mga puwede mong gawin dito:

  • Sumuri ng diagram tungkol sa proseso ng kaso ng delinquency sa Hukuman.
  • Mag-link sa iba pang resource na available na makakatulong sa mga menor de edad at kanilang mga magulang.

Mga hindi mo puwedeng gawin dito:

  • Humingi ng legal na payo
  • Sumagot o mag-file ng mga dokumento, sa electronic na paraan, sa Hukuman para sa Juvenile Delinquency

Ang seksyong ito ay may impormasyon tungkol sa: 

  • Kung sino kami
  • Layunin ng Hukuman para sa Delinquency
  • Sino ang May Appearance sa Hukuman para sa Delinquency

1. Ano ang Hukuman para sa Juvenile Delinquency?

Ang Hukuman para sa Juvenile Delinquency ay isang dibisyon ng Superior Court ng California, County ng Alameda, na binigyan ng estado ng responsibilidad na dinigin ang mga kasong nauugnay sa mga menor de edad na gumawa ng krimen. Inilalarawan ang mga legal na pagkilos sa hukumang ito sa Kodigo ng Kapakanan at Mga Institusyon na nagsisimula sa Seksyon 602.

2. Ano ang layunin ng Hukuman para sa Juvenile Delinquency?

Ang layunin ng Hukuman para sa Juvenile Delinquency ay inilarawan ng batas ng estado sa Seksyon 202 ng Kodigo ng Kapakanan at Mga Institusyon. Dapat bigyang-daan ng batas na nakasaad sa seksyong ito ng kodigo tungkol sa mga pagkilos ng Hukuman para sa Delinquency ang proteksyon at kaligtasan ng publiko at menor de edad na nakipag-ugnayan sa Hukuman. Inaasahang babalansehin ng mga hukom ng Hukumang ito ang mga interes sa kaligtasan at proteksyon ng publiko, kahalagahan ng pagwawasto ng mga pinsala sa isang biktima, at pinakamakakabuti sa menor de edad. Kapag napagpasyahan na iyon ng hukom, ang Hukuman na ang kokontrol sa hinaharap ng menor de edad. Sa pasya kaugnay ng uri ng pangangalaga, treatment, at gabay na matatanggap ng menor de edad, dapat isaalang-alang ang pinakamakakabuti sa menor de edad, papanagutin siya para sa kanyang ginawa, at dapat ay naaangkop ito sa sitwasyon ng paglabag. Ang gabay ay posibleng may kasamang parusa na naaayon sa rehabilitasyon para matulungan ang menor de edad na maging produktibong miyembrong sumusunov sa batas para sa kanyang pamilya at komunidad.

3. Sino ang may appearance sa Hukuman para sa Juvenile Delinquency?

Sa pangkalahatan, ang menor de edad na may appearance sa Hukuman para sa Delinquency ay isang taong wala pang 18 taong gulang sa panahon kung kailan niya ginawa ang krimen, ayon sa paglalarawan ng batas. Sa mga nakalipas na taon, binago ang batas para isaad na ang isang taong may edad na 14 na taon pataas na gumawa ng ilang partikular na matinding krimen ay puwedeng hatulan sa isang pang-nasa hustong gulang na pangkrimeng hukuman, sa halip na kasuhan sa Hukuman para sa Delinquency.

Ang seksyong ito ay may impormasyon tungkol sa:

  • Mga opisyal at staff ng hukuman
  • District Attorney
  • Abugado para sa menor de edad/mga magulang
  • Mga interpreter
  • Mga Probation Officer ng juvenile
  • Mga magulang o tagapangalaga
  • Pampublikong access sa mga paglilitis at talaan

Sinong mga tauhan ng hukuman ang nauugnay sa isang Kaso ng Juvenile Delinquency? 

Ang mga staff sa courtroom ay binubuo ng:

  • Bailiff, na nagpapanatili ng kaayusan sa courtroom sa panahon ng mga paglilitis
  • Clerk sa Courtroom, na naghahanda ng nakasulat na buod ng nangyari sa hukuman at nagpapanatili rin sa mga papel na file
  • Tagapag-ulat sa hukuman, na nag-uulat ng word-for-word na talaan ng mga sinabi sa hukuman

Sino ang naghahatol sa Mga Kaso ng Juvenile Delinquency? 

Sa Hukuman para sa Delinquency, kinakatawan ng District Attorney at ng kanyang mga deputy attorney ang mga tao sa Estado ng California. Pinepresenta ng mga abugadong ito ang kaso sa menor de edad na inaakusahang gumawa ng krimen.

Tanggapan ng Dibisyon ng Delinquency ng District Attorney:

2500 Fairmont Drive, 3rd Floor, San Leandro, California 94578
Telepono: (510) 667-4470.

Sino ang kumakatawan sa menor de edad at kanyang pamilya?

May karapatang maikatawan ng abugado ang menor de edad at kanyang mga magulang. Kung walang kakayahan ang menor de edad na magbayad ng abugado, magtatalaga ang Hukuman ng abugado. Sa County ng Alameda, kadalasan ay ang Tanggapan ng Tagapagtanggol ng Publiko ang itinatalaga para ikatawan ang menor de edad. Kung hindi maikakatawan ng Tagapagtanggol ng Publiko ang menor de edad dahil sa salungatan ng interes (halimbawa, mahigit sa isang menor de edad ang inaakusahan para sa isang krimen sa parehong insidente), magtatalaga ng pribadong abugado. Kung matutukoy ng Hukuman, anumang oras, na may kakayahan ang magulang ng menor de edad na magbayad ng abugado, puwedeng atasan ng Hukuman ang mga magulang na sagutin ang mga bayarin sa abugado. Makikita ang Tanggapan ng Dibisyon ng Delinquency ng Tagapagtanggol ng Publiko sa Juvenile Justice Center sa 2500 Fairmont Drive, San Leandro 94578.

May mga available bang interpreter sa Hukuman para sa Juvenile Delinquency?

Ang Hukuman ay inaatasan ng batas na magbigay ng interpreter para sa menor de edad na hindi nagsasalita ng Ingles o may problema sa pandinig. Kailangang malaman kaagad ng Hukuman kung kinakailangan ng interpreter.

Ano ang papel ng Mga Probation Officer ng Juvenile?

Maraming papel ang mga probation officer ng juvenile sa Hukuman para sa Delinquency. Kapag inilagay ng isang opisyal na tagapagpatupad ng batas ang isang menor de edad sa kustodiya, probation officer ang magpapasya kung ire-release na ang menor de edad. Batay sa ulat ng pulisya o isang ulat ng krimen, probation officer din ang magrerekomenda kung ifa-file sa hukuman ang mga kaso ng krimen (na tinatawag na petisyon).

May probation officer sa lahat ng pagdinig para tulungan ang hukuman sa impormasyon tungkol sa isang kaso kapag hiniling ng hukuman. Kung mapag-aalamang gumawa ng krimen ang menor de edad, maghahanda ang probation officer ng social study ng menor de edad, pati ng mga rekomendasyon para sa pangagalaga, treatment, at gabay ng menor de edad.

Sinusubaybayan ng isang probation officer ang lahat ng menor de edad na inilalagay sa probation, sila man ay nasa tahanan, panggrupong tirahan, ranch, o iba pang residensyal na pasilidad. Pinapatakbo at pinapamahalaan din ng departamento para sa probation ang lahat ng lokal na pasilidad para sa pag-detain ng mga menor de edad. Bilang bahagi ng tungkuling ito, maraming ginawang programa ang departamento para sa probation ng juvenile ng County ng Alameda para tumulong sa pangangalaga, treatment, at gabay ng menor de edad na nasa kanilang kontrol.

Makikita ang departamento para sa probation ng juvenile sa Juvenile Hall, 2500 Fairmont Drive sa San Leandro. Ang pangkalahatang numero ng telepono ng departamento para sa probation ng juvenile ay (510) 667-4970. Makakakita ka roon ng karagdagang impormasyon tungkol sa pangalan ng probation officer na itinalagang subaybayan ang isang partikular na menor de edad.  Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Probation sa County ng Alameda, mag-click dito.

Departamento para sa Probation ng County ng Alameda

Pumupunta ba ang mga magulang o tagapangalaga sa Mga Pagdinig ng Hukuman para sa Juvenile Delinquency?

Kinakailangan ng mga magulang o tagapangalaga na pumunta sa pagdinig ng hukuman para sa juvenile delinquency. Puwedeng gumamit ang Hukuman ng mga naaangkop na paraan para matiyak na darating ang mga magulang o tagapangalaga. Gayunpaman, kung sa palagay ng hukom ay pinakamakakabuti sa menor de edad na hindi dumating ang kanyang mga magulang/tagapangalaga, o kung may matinding pagsubok na kinakaharap ang mga magulang o tagapangalaga at tatalakayin ito sa Hukuman, puwedeng hindi sila pumunta sa ilan sa o lahat ng pagdinig ng hukuman.

Mayroon bang access ang publiko sa Mga Pagdinig para sa Juvenile Delinquency at Talaan sa Hukuman ng Menor de Edad?

Sa pangkalahatan, hindi kasama ang publiko sa mga pagdinig para sa juvenile. Gayunpaman, puwedeng gumawa ng mga pagbubukod ang Hukuman, kung may direkta at makatuwirang interes ang mga panig sa isang partikular na kaso. Kung kakasuhan ang isang menor de edad ng ilang partikular na matinding felony na krimen sa Hukuman para sa Delinquency, puwedeng payagan ang publiko sa courtroom. Tingnan ang WIC 707(b) para sa higit pang partikular na impormasyon.

Bagama't pinapayagan ng batas ang pampublikong access sa sitwasyon sa itaas, puwedeng hilingin ng menor de edad na huwag isama ang publiko at press kung may makatuwirang posibilidad na hindi makatanggap ang menor de edad ng patas at walang kinikilingang paglilitis ang access na iyon. Puwede ring hilingin ng isang biktima na huwag isama ang publiko at press kapag tumestigo siya, lalo na kung biktima ng sekswal na krimen at wala pang 16 na taong gulang ang indibidwal. Sa kabilang banda, puwedeng hilingin ng isang saksi na magbigay sa mga indibidwal ng access sa pagdinig para makapagbigay sila ng suporta sa panahon ng pagtestigo ng saksi

Mahigpit na inililista ng batas sa access sa mga talaan ng hukuman ng menor de edad ang mga taong may karapatang tumingin sa ilang partikular na dokumento. Puwedeng hilingin ng ibang taong hindi partikular na pinangalanan sa listahan ang mga talaan; gayunpaman, dapat ipakita ng kahilingan na mas matimbang ang kapakinabangan sa publiko kaysa sa pinsalang idinulot sa menor de edad, mga biktima, saksi, o publiko sa pangkalahatan. Para sa ilang partikular na matinding felony na paglabag, posibleng ihayag ng pulisya ang pangalan ng menor de edad kung siya ay edad 14 na taon pataas.

Ang seksyong ito ay may impormasyon tungkol sa:

  • Proseso ng menor de edad sa Hukuman para sa Delinquency
  • Iba't ibang paglilitis
  • Mga disposition na available sa hukuman sa pangangalaga, treatment, at gabay ng menor de edad
  • Kaibahan ng Hukuman para sa Delinquency mula sa pang-nasa hustong gulang na pangkrimeng hukuman
  • Mga sitwasyon kung kailan puwedeng ituring na nasa hustong gulaang ang isang menor de edad

1. Paano dumaraan ang Kaso ng Juvenile Delinquency sa sistema ng katarungan?

Makakakita sa ibaba ng flow chart ng kung paano dumaraan ang isang menor de edad sa sistema ng Delinquency. Makakakita ka ng ilang punto sa pasya at ng mga opsyong available sa mga puntong ito. 

2. Paano nagsisimula ng Kaso ng Juvenile Delinquency?

Kapag nakipag-ugnayan ang isang pulisya sa isang menor de edad na sa palagay niya ay gumawa ng krimen, may ilang opsyon ang pulisya sa gagawin sa menor de edad depende sa kung ano sa palagay ng pulisya ang pinakamakakabuti sa menor de edad at komunidad:

  • I-release nang may reprimand sa lugar, sa istasyon, o sa Juvenile Hall Intake Unit
  • Dalhin ang menor de edad sa isang programa sa komunidad o sa Children’s Shelter para sa mga inabuso at pinabayaang bata
  • Magsulat ng citation at palagdaan ang menor de edad o ang kanyang magulang ng pangakong humarap sa isang probation officer sa Juvenile Hall
  • Dalhin ang menor de edad sa Juvenile Hall Intake Unit

3. Pag-intake at imbestigasyon

 Kung dinala ang menor de edad sa Juvenile Hall Intake Unit, dapat imbestigahan ng probation officer ang mga sitwasyon at detalye kaugnay ng pakikipag-ugnayan ng menor de edad sa officer. Maliban sa mga sitwasyon kung saan may mandatoryong referral para sa pag-file ng mga pormal na kaso, mayroon ding ilang opsyon ang probation officer kaugnay ng gagawing pagkilos sa menor de edad. Magagawa ng probation officer na:

  • Ayusin ang usapin sa Pag-intake -- i-release at i-reprimand. Kung mapagpapasyahan ng probation officer na wala nang iba pang gawin maliban sa  i-reprimand ang menor de edad o i-refer ang menor de edad sa iba pang ahensya at programa sa komunidad, may ilang isinaalang-alang na salik ang officer tungkol sa insidente at menor de edad, at kung naaangkop bang solusyon sa menor de edad ang sistema ng Delinquency.
  • Ilagay ang menor de edad sa hindi pormal na pagsubaybay. Ang isa pang opsyon sa Pag-intake ay ang ilagay ang menor de edad sa hindi pormal na probation. Kapag may napagkasunduan sa menor de edad at kanyang mga magulang, puwedeng maglagay ang probation officer ng mga kundisyon sa mga aktibidad ng menor de edad. Posibleng kasama sa mga kundisyon ang pagpasok sa paaralan, pakikibahagi sa mga programa sa komunidad para mapaganda ang asal, pag-uugali, at mga ugnayan, paghihigpit sa mga aktibidad sa lipunan, at pagpapayo. Sa pangkalahatan, tumatagal ang hindi pormal na probation nang 6 na buwan. Kung matagumpay na makukumpleto ng menor de edad ang mga kinakailangan sa pagtatapos ng panahong iyon, tatapusin na ang hindi pormal na probation. Kung hindi magtatagumpay ang menor de edad sa loob ng 6 na buwan, puwedeng magpatuloy ang probation officer sa pag-file ng petisyon.
  • I-refer ang usapin para sa pag-file ng mga pormal na kaso. Ang huling opsyon ay ang magpatuloy sa pag-file ng mga pormal na kaso, na tinatawag na "petisyon." Ire-refer ang usapin sa Tanggapan ng District Attorney para mag-file ng petisyon sa hukuman.

4. Bakit dine-detain ang menor de edad sa Juvenile Center? 

Habang pinag-iisipan ang gagawing hakbang, kailangan din ng probation officer na pagpasyahan kung ire-release o papanatilihin ang menor de edad sa Juvenile Center. Inaatasan ng batas ang probation officer na i-release ang menor de edad sa kustodiya ng kanyang mga magulang, tagapangalaga, o responsableng kamag-anak maliban sa isa o higit pa sa mga sumusunod na dahilan:

  • Walang magulang, tagapangalaga, o responsableng nasa hustong gulang ang menor de edad na may kakayahan o handaang alagaan o pangasiwaan ang menor de edad
  • Walang tirahan o suporta ang menor de edad
  • Hindi naaangkop ang tirahan ng menor de edad at pinapabayaan o inaabuso ang menor de edad
  • Mahalaga na ipagpatuloy ang kustodiya para maprotektahan ang menor de edad o maprotektahan ang iba pang tao o ari-arian
  • Tatakas ang menor de edad
  • May nilabag na kautusan sa hukuman para sa mga juvenile ang menor de edad
  • Pisikal na mapanganib sa publiko ang menor de edad

Kahit mapagpasyahan ng probation officer na i-refer ang usapin sa District Attorney, mayroon pa ring opsyon ang officer na i-release o i-detain ang menor de edad. Kung napagpasyahan ng probation officer na i-release ang menor de edad sa pagsubaybay sa tahanan, dapat ding lumagda ang menor de edad at mga magulang, tagapangalaga, o responsableng nasa hustong gulang ng nakasulat na pangako na magkaroon ng appearance at sundin ang anumang kundisyon para sa release. Ang mga kundisyong ito ay tulad sa hindi pormal na pagsubaybay, pero puwedeng mas mahigpit. Puwedeng payagan ng kasunduan sa pagsubaybay sa tahanan ang probation officer na bisitahin ang tirahan, maghanap sa tirahan at kuwarto ng menor de edad, at manguha ng ari-arian bilang ebidensya sa kaso.

Kung ang pasya ay hindi i-release, puwedeng i-hold ang menor de edad nang hindi hihigit sa 48 oras, hindi kasama ang mga araw na walang session ang hukuman (mga weekend at holiday). Gayunpaman, puwedeng i-hold nang mas matagal ang menor de edad kung nag-file ng petisyon sa Hukuman para sa Delinquency o kung may mga na-file na kaso (reklamo) sa pang-nasa hustong gulang na hukuman.

5. Ano ang Petisyon sa Juvenile Delinquency?

Gaya ng nauna nang nabanggit, kung matutukoy ng probation officer na dapat mag-file ng mga kaso laban sa menor de edad, gagawa ng rekomendasyon sa Tanggapan ng District Attorney, na magfa-file sa mga pormal na kaso. Ang petisyon ay isang dokumentong naglalaman, sa pangkalahatan, ng pangalan, edad, at address ng menor de edad. mga nilabag na seksyon ng kodigo, kung felony o misdemeanor ang mga kaso, pangalan at address ng mga magulang o tagapangalaga, maikling pahayag ng mga detalye. at kung nasa kustodiya o na-release na ang menor de edad.

Kung ide-detain ang menor de edad, dapat i-file ang petisyon sa loob ng 48 oras pagkatapos ma-detain.

6. Ano ang Pagdinig para sa Detention?

Dapat magsagawa ng pagdinig sa isyu ng kung dapat bang alisin ang menor de edad sa tahanan kapag na-file na ang petisyon. Para sa mga naka-detain nang menor de edad, sa pangkalahatan, iniiskedyul ang pagdinig sa susunod na araw ng hukuman pagkatapos i-file ang petisyon.

Puwedeng simulan ng hukuman ang pagdinig sa pamamagitan ng pagsasabi sa menor de edad ng mga dahilan kung bakit siya dinala sa kustodiya, uri at mga resulta ng mga paglilitis sa Delinquency Court, at karapatang maikatawan ng abugado. Kung wala bang abugado ang menor de edad, magtatalaga ang hukuman ng isa, may kakayahan man ang menor de edad na bayaran ang abugado o wala. Kung matutukoy, sa ibang pagkakataon, na may kakayahan ang mga magulang na magbayad ng abugado, puwedeng atasan ang mga magulang na i-reimburse ang county para sa representasyon.

May karapatan ang menor de edad na i-contest ang mga dahilan ng detention sa ilang paraan. Puwedeng tanungin ng menor de edad ang mga indibidwal na naghanda sa ebidensya para suportahan ang paunang detention at ang mga nagbigay ng impormasyon sa panahon ng pagdinig para sa detention. Puwede ring magpatawag ang menor de edad ng mga pansuportang saksi, at magpresenta ng nauugnay na ebidensya nang mag-isa. Para lang sa mga layunin ng pagdinig na ito, ipagpapalagay ng hukuman na totoo ang mga kaso sa petisyon.

Dapat isaalang-alang ng hukuman ang pinakanaaangkop na placement para sa menor de edad, na puwedeng mangahulugan na ilalagay ang menor de edad sa pagsubaybay sa tahanan o sa Juvenile Center. Kung magpapasya ang hukuman na alisin ang menor de edad sa tahanan, dapat gawin ang pasya batay sa mga sumusunod:

  • May nilabag na nakaraang kautusan sa hukuman ang menor de edad
  • Tumakas ang menor de edad sa isang pasilidad para sa detention
  • Tatakas ang menor de edad kapag ni-release
  • Kailangang protektahan ang menor de edad dahil hindi ligtas sa tahanan ng menor de edad, lulong sa droga o posibleng malulong ang menor de edad, o may problema sa pag-iisip o pangangatawan ang menor de edad, at kailangan ng detention sa sitwasyong nauugnay sa pinaghihinalaang paglabag.
  • Pangangailangang protektahan ang ibang tao at ari-arian.
  • Posibleng humiling ng muling pagdinig ang menor de edad o ang kanyang abugado. Papayagan ito kung ginawa ang kahilingan para magpresenta ng bagong ebidensyang nauugnay sa mga dahilan ng detention.

7. Ano ang Pagdinig para sa Hurisdiksyon?

Dapat mag-iskedyul ng pagdinig sa mga pinaghihinalaang kaso sa loob ng 15 araw ng hukuman pagkatapos ng pagdinig para sa detention kung na-detain ang menor de edad o sa loob ng 30 araw ng kalendaryo pagkatapos ng pagdinig para sa detention kung ire-release ang menor de edad, maliban na lang kung papalawigin ang panahon sa pamamagitan ng pag-waive sa pag-aatas na ito. Puwedeng magpatuloy ng pagdinig; gayunpaman, dapat magbigay ang panig na humihiling ng pagpapatuloy ng magandang dahilan para sa pagpapatuloy. Sa pangkalahatan, hindi hinihikayat ang mga pagpapatuloy at kung papayagan ang mga ito, itatada ang susunod na petsa ng pagdinig sa loob ng maikling tagal ng panahon. Sa pagpapasyang ito, isasaalang-alang ng huko ang pangangailangan ng menor de edad at kanyang mga magulang na magkaroon ng sapat na panahon para maghandang ipresenta ang kanilang kaso.

Sa simula ng pagdinig para sa hurisdiksyon, puwedeng basahin ng hukom ang mga nilalaman ng petisyon at ipaliwanag ang mga ito. Ilalarawan ulit ng hukom ang uri ng pagdinig, ang mga procedure nito, at ang mga posibleng resulta. Aabisuhan ang mga magulang o tagapangalaga na puwede silang papanagutin para sa pagbabayad ng anumang restitution at multa kung inaatasan ang menor de edad na gawin ito. Tatanungin ng hukom ang menor de edad kung inaamin o itinatanggi niya ang katotohanan ng mga kaso.

Posibleng magpasya ang menor de edad na hindi i-contest ang mga pinaghihinalaang kaso. Kung ito ang pasya, magpi-plea ang menor de edad sa mga kaso, na ituturing na pag-amin sa katotohanan ng mga kaso. Sa pagsasagawa nito, dapat tukuyin ng hukom kung ganap na nauunawaan ng menor de edad ang uri ng mga kaso at kahihinatnan kung aamin siya sa mga kaso.

Kung itatanggi ng menor de edad ang mga kaso, posibleng i-contest ng menor de edad ang mga fact na ipinasok sa ebidensya ng District Attorney. Tulad sa pagdinig para sa detention, magpepresenta ang District Attorney ng ebidensya para suportahan ang kanyang kaso, at magagawa ng menor de edad, sa pamamagitan ng kanyang abugado, na i-cross examine ang mga saksi, magpresenta ng mga sarili niyang saksi at ebidensya, at i-argue ang kaso sa hukuman. Tulad sa pang-nasa hustong gulang na hukuman, may karapatan ang menor de edad na manahimik.

Pagpapasyahan ng hukom kung totoo ang mga alegasyon sa petisyon. Ang mga paglilitis ng jury ay hindi bahagi ng sistema ng delinquency. Kung matutukoy na totoo (masu-sustain) ang mga kaso, magtatakda ang hukuman ng pagdinig para matukoy ang mga naaangkop na pagkilos na dapat gawin para sa pangangalaga, paggamot, at gabay ng menor de edad. Kunf matutukoy ng hukom na hindi totoo ang mga kaso, idi-dismiss ang petisyon.

 8. Ano ang Pagdinig para sa Disposition?

Itatakda ang pagdinig na ito kung masu-sustain ang mga kaso, at puwede itong isagawa kaagad. O puwedeng magtakda ng pagdinig sa loob ng 10 araw kung made-detain ang menor de edad o 30 araw mula sa pag-file ng petisyon, maliban na lang kung mapapalawig ito sa pamamagitan ng kasunduan.

Sa Pagdinig para sa Disposition, tutukuyin ng hukom ang naaangkop na disposition o pagkilos na dapat gawin para sa pangangalaga, treatment, at gabay ng menor de edad, na kinabibilangan ng parusa. Bago ang pagdinig, inaatasan ang probation officer na maghanda ng social study ng menor de edad para sa hukuman. Tatalakayin ng social study na ito ang anumang impormasyong naaangkop sa disposition, kasama ang kasaysayan ng pamilya at paaralan, mga dating naging krimen, pahayag mula sa biktima, at mga rekomendasyon. Dapat gawing available ang panlipunang kasaysayang ito sa lahat ng sangkot na indibidwal bago ang Pagdinig para sa Disposition.

Sa pagdinig, magpepresenta ng ebidensya ayon sa naaangkop na disposition. Ang social study at iba pang nauugnay na impormasyon ay iaalok ng District Attorney o menor de edad sa pamamagitan ng kanyang abugado para matulungan ang hukom na gawin ang naaangkop na pasya. Puwede ring magpresenta ang biktima ng nakasulat o pasalitang pahayag sa pagdinig.

Sa pagpapasya sa gagawing pagkilos, dapat isaalang-alang ng hukom ang:

  • Kaligtasan at proteksyon ng komunidad
  •  Kahalagahan ng pagwawasto ng mga pinsala sa biktima
  • Pinakamakakabuti sa menor de edad

Kapag napresenta na ang lahat ng ebidensya at impormasyon, puwedeng piliin ng hukuman na:

  • Isantabi ang mga napag-alaman sa Pagdinig para sa Hurisdiksyon at i-dismiss ang kaso, kung matutukoy ng hukom na nangangailangan ng dismissal ang interes sa katarungan at kapakanan ng menor de edad, o matutukoy na nangangailangan ang menor de edad ng treatment o rehabilitasyon.
  • Ilagay ang menor de edad sa 6 na buwang hindi pormal na pagsubaybay ng departamento para sa probation
  • Gawing ward ng hukuman ang menor de edad, na magbibigay-daan sa hukuman na palitan ang mga magulang bilang mga tagapagpasya sa pangangalaga, treatment, at gabay para sa menor de edad. Sa sitwasyong ito, puwedeng ganap na kontrolin ng hukom ang menor de edad o puwede nitong limitahan ang kontrol ng magulang o tagapangalaga sa menor de edad.

Kung magiging ward ng hukuman ang menor de edad, may mga sumusunod na opsyon ang hukom bilang mga dispositions (na nakalista ayon sa kalalaan):

  • Ilagay sa probation ang menor de edad nang walang pagsubaybay ng probation officer
  •  Pauwiin ang menor de edad na naka-probation nang may pagsubaybay
  • Ilagay ang menor de edad na nasa probation sa pagsubaybay sa tirahan ng isang kamag-anak
  • Ilagay ang menor de edad sa foster na pangangalaga, lisensyadong panggrupong tirahan, o pribadong institusyon
  •  Ipadala ang menor de edad sa isang lokal na pasilidad para sa detention, ranch, o boot camp sa county
  • Ipadala ang menor de edad sa California Youth Authority

Kung aalisin ang menor de edad sa tahanan at ilalagay siya sa tirahan ng isang kamag-anak, foster na pangangalaga, o panggrupong tirahan, hindi ituturing na parusa ang placement, at gagawa ng plano ng kaso para sa hinaharap ng menor de edad at kakailanganing pana-panahong suriin ang placement. Kung ilalagay ang menor de edad sa secure na pasilidad, dapat magsaad ang hukom ng maximum na tagal ng detention. Kung may ipapadalang menor de edad ang isang hukom sa Youth Authority ng California, natukoy ng hukom na posibleng makinabang ang kalagayan ng pag-iisip at pangangatawan ng menor de edad sa reformatory na pagdidisiplina sa edukasyon o iba pang programang iniaalok ng Youth Authority.

Kung ilalagay ang menor de edad sa probation, puwedeng magtakda ang hukom ng ilang partikular na tuntunin at kundisyon sa menor de edad. Puwedeng maglimita ang mga kundisyong ito, at puwede ring atasan ng mga ito ang menor de edad na isuko ang ilang partikular na karapatan sa ilalim ng saligang-batas, basta't makatuwiran at nakatuon ang mga ito sa pagtugon sa mga pangangailangan ng menor de edad. Puwedeng atasan ang menor de edad na:

  • Pumasok sa paaralan nang walang excused na pagliban
  • Makibahagi sa counseling kasama ng kanyang mga magulang o tagapangalaga
  • Magpanatili ng curfew
  • Sumunod sa lahat ng batas
  • Sumailalim sa pagsusuri para sa droga at alak
  • Magserbisyo sa komunidad
  • Makibahagi sa programa ng trababo nang walang bayad
  • Limitahan ang mga taong puwede niyang makita
  • Suspindihin o limitahan ang mga pribilehiyo sa pagmamaneho
  • Magbayad ng restitution sa biktima o magbayad ng multa
  • Pumayag na magpa-search nang walang warrant

Kapag inatasan ang isang menor de edad na magbayad ng restitution o multa, ipagpapalagay na ang taong may joint o mag-isang legal at pisikal na kustodiya at kontrol sa menor de edad ang magiging responsable sa pagbabayad ng menor de edad sa restitution at multa.

9. Anong puwedeng mangyari pagkatapos ng Pagdinig para sa Disposition?

Puwedeng mag-iskedyul ng ilang iba pang paglilitis para sa menor de edad pagkatapos ng kaso.

  • Apela:
    Kung hindi makukuntento ang menor de edad sa mga resulta ng proseso o kung sa palagay niya ay nalabag ang kanyang mga karapatan, magagawa ng menor de edad, sa pamamagitan ng kanyang abugado, na iapela ang kaso sa Hukuman ng Apela. Kung gustong magpatuloy ng menor de edad, dapat i-file ang Abiso ng Apela sa loob ng 60 araw pagkatapos ilabas ang kautusan o pagkalipas ng petsa ng pagdinig para sa disposition. Puwede ring mag-apela ng pasya ang District sa mga partikular na sitwasyon.
  • Hilinging Isantabi ang Kautusan ng Hukuman:
    Puwede ring hilingin ng menor de edad sa hukuman na baguhin o isantabi ang isang kautusan. Dapat ibatay ang kahilingang ito sa pagbabago ng sitwasyon o bagong ebidensya.
  • Mas Mahigpit na Disposition
    Kung hindi magtatagumpay ang menor de edad sa iniatas na disposition, puwedeng pabalikin ang menor de edad sa hukuman at humiling ng mas mahigpit na disposition. Sa pangkalahatan, nangyayari ito kapag hindi sumusunod ang menor de edad sa mga tuntunin at kundisyon ng isang probation.
  • Kahilingang I-seal ang Mga Talaan sa Hukuman ng Juvenile:
    Puwedeng hilingin ng menor de edad sa hukuman na i-seal ang kanyang mga talaan bilang juvenile. Puwedeng gawin ang kahilingang ito 5 taon pagkatapos ng insidente o anumang oras pagkatungtong ng indibidwal sa edad na 18 taon. Sa ilang partikular na sitwasyon, puwedeng magpetisyon ang menor de edad o isang probation officer sa hukuman na i-seal ang mga talaan ng pagkakaaresto, file ng hukuman, talaan ng probation, at puwede silang magdagdag ng mga talaan ng iba pang ahensya na posibleng may mga talaan tungkol sa isang kaso.
    Dapat gawin ang kahilingan sa departamento para sa probation. Tutukuyin ng probation officer kung kwalipikado ba ang indibidwal na magpetisyon sa hukuman, ihahanda at ifa-file niya ang petisyon, maghahanda siya ng ulat para sa hukuman, itatakda niya ang usapin para sa pagdinig, at aabisuhan niya ang Tanggapan ng District Attorney. Susuriin ng hukom ang petisyon at ulat, at magpapasya siya sa kahilingan batay sa mga partikular na salik, kasama ang uri ng kaso, kung nakumpleto na ng menor de edad ang disposition at kung na-rehabilitate na siya, at kung may anumang nakabinbing sibil na litigasyon batay sa insidente.

 10. Ano ang Kaibahan ng Hukuman para sa Juvenile Delinquency sa Pang-nasa Hustong Gulang na Pangkrimeng Hukuman?

Para maging pamilya sa proseso, nagbibigay ang sumusunod na talahanayan ng pangkalahatang-ideya ng kaibahan ng Hukuman para sa Delinquency sa pang-nasa hustong gulang na Pangkrimeng Hukuman.

  Pangkrimeng Hukuman Hukuman para sa Delinquency
Pangkalahatang layunin ng mga paglilitis Para tukuyin kung guilty o inosente ang isang tao.
Para parusahan ang guilty at protektahan ang lipunan.
Para tukuyin ang katotohanan sa mga kaso sa petisyon. Ang kautusang ideklara ang menor de edad bilang ward ay hindi hatol ng krimen.
Para pangalagaan at isulong ang kapakanan ng menor de edad.
Para magpataw ng parusa at pananagutang naaayon sa rehabilitasyon.
Taong paksa ng mga paglilitis Defendant Menor de edad
Dokumentong nagsisimula sa paglilitis Reklamo Petisyon
Unang pagdinig Arraignment (para sa mga defendant na nasa o wala sa kustodiya) Pagdinig para sa detention (para sa menor de edad na nasa kustodiya); unang paunang pagdinig para sa mga wala sa kustodiya.
Piyansa Posibleng naaangkop Hindi naangkop
Pag-bargain ng Plea Madalas gawin Madalas gawin
Pangangalap ng mga fact Paglilitis Pagdinig para sa huridiksyon
Karapatan sa paglilitis ng jury Oo sa maraming sitwasyon Hindi
Karapatan sa itinalagang counsel Oo, para sa indigent na defendant Oo, para sa indigent na menor de edad o para sa mga magulang na ayaw magbayad
Pasya Hatol na guilty o not guilty Na-sustain o hindi nasustain ang kaso
Resulta Sentensya Disposition
Pagkakakulong Ilang resource na nakadirekta sa rehabilitasyon Mas maraming resource na nakadirekta sa rehabilitasyon
Credit para sa oras na na-serve sa hindi secure na detention o detention sa bahay Oo Oo

11. Kailan itinuturing na mga nasa hustong gulang ang mga menor de edad?

 Ibinabalangkas ng prosesong inilarawan sa itaas, sa pangkalahatan, kung paano umuusad ang mga menor de edad sa Hukuman para sa Delinquency. Gayunpaman, may dalawang kapansin-pansing pagbubukod sa pakikitungo ng sistema sa mga menor de edad na nakasuhan para sa krimen. Sa parehong sitwasyon, hindi ipoproseso ang menor de edad sa sistema para sa delinquency, pero dadalhin siya sa pang-nasa hustong gulang na hukuman.

• Direktang Pag-file

Noong 2000, binago ng lehislatura ng estado at mga botante ng California ang paraan ng pangangasiwa ng sistema sa ilang partikular na menor de edad. Pagkatapos ng pag-intake at screening, iimbestigahan ng probation officer ang sitwasyon ng menor de edad na inaakusahan ng mga kaso at ire-refer niya ang kaso para sa pag-file, puwedeng piliin ng Tanggapan ng District Attorney na direktang i-file ang mga kaso sa pang-nasa hustong gulang na pangkrimeng hukuman.

Sa mga salik na dapat isaalang-alang ng hahatol na abugado sa pasyang ito, kasama ang kung ang menor de edad ay:

  1. Dati nang naideklara nang ward ng hukuman para sa isang felony na krimen
  2. Hindi bababa sa 14 na taong gulang nang gawin ang krimen
  3. May dati nang talaan at hindi bababa sa 16 na taong gulang pero hindi hihigit sa 18 taong gulang sa panahon ng bagong insidente
  4. Ang kasalukuyang kaso ay:
  • First degree murder
  • Attempted na premeditated murder
  • Aggravated kidnapping na may parusang habambuhay na pagkakakulong
  • Ilang partikular na malalang felony kung saan nag-discharge ng firearm ang menor de edad
  • Ilang partikular na sapilitang krimeng nauugnay sa pakikipagtalik

Kung ifa-file ang kaso sa pang-nasa hustong gulang na hukuman, mapapailalim ang menor de edad sa lahat ng batas, procedure, at karapatan ng isang nasa hustong gulang. Ksama rito ang iba't ibang kahihinatnan na puwedeng matanggap ng isang nasa hustong gulang kapag nahatulan siya para sa parehong krimen. Gayunpaman, sa konklusyon ng kaso, puwedeng magpasya ang hukom na dapat makatanggap ang menor de edad ng juvenile disposition kung mainam ang nasabing disposition sa interes sa katarungan, at mapoprotektahan ang komunidad kapag sinentensyahan ang menor de edad.

• Pagdinig para sa Kaangkupan

Pagkatapos ng pagdinig para sa detention at bago ang pagdinig para sa hurisdiksyon, puwedeng humiling ang District Attorney ng pagdinig para matukoy kung fit at naaangkop na kalahok ang menor de edad sa Hukuman para sa Delinquency. Ang kahilingang tugunan ang isyung ito ay batay sa kalalaan ng kaso at edad ng menor de edad sa panahon ng paglabag.

Dapat mag-imbestiga ang probation officer, at dapat siyang magbigay sa hukuman ng ulat tungkol sa mga behavioral pattern at kasaysayan ng pakikisalamuha ng menor de edad na isasaalang-alang sa pagtukoy kung tutugon ang menor de edad sa pangangalaga, treatment, at mga programang iniaalok sa sistema para sa delinquency. Dapat ding magsama ang probation officer ng rekomendasyon sa hukuman kaugnay ng kaangkupan ng menor de edad. Dapat ding ipakita ang ulat na ito sa lahat ng panig na nauugnay sa kaso.

Sa pagdinig, dapat isaalang-alang ng hukom ang ulat sa probation pati ang anumang karagdagang ebidensya o impormasyong iprinesenta ng District Attorney at abugado ng menor de edad. Magpapasya ang hukuman batay sa kung tutugon ang menor de edad sa pangangalaga, treatment, at mga programang iniaalok sa sistema para sa delinquency. Sa pagpapasyang ito, dapat isaalang-alang ng hukuman ang mga sumusunod na pamantayan:

  • Antas ng pagiging sopistikado ng krimen
  • Kung puwede bang i-rehabilitate ang menor de edad bago matapos ang hurisdiksyon ng Hukuman para sa Delinquency
  • Kasaysayan ng mga nakaraang krimen ng menor de edad
  • Mga resulta ng mga nakaraang pagsubok na i-rehabilitate ang menor de edad
  • Sitwasyon at kalalaan ng mga kasalukuyang kaso

Kung matutukoy ng hukom na fit ang menor de edad sa Hukuman para sa Delinquency, magpapatuloy ang proseso sa Pagdinig para sa Hurisdiksyon. Kung matutukoy ng hukom na hindi fit ang menor de edad sa Hukuman para sa Delinquency, idi-dismiss ng hukuman ang petisyon at ire-remand nito ang menor de edad sa pang-nasa hustong gulang na hukuman. Sisimulan ng District Attorney ang proseso sa pang-nasa hustong gulang na pangkrimeng hukuman sa pamamagitan ng pag-file ng reklamo. Mapapailalim ang menor de edad sa lahat ng kautusan, procedure, at karapatan sa pang-nasa hustong gulang na pangkrimeng hukuman. Puwede ring makatanggap ang menor de edad nf sentensyang pareho sa matatanggap ng isang nasa hustong gulang para sa parehong krimen. Sa ilang sitwasyon, posibleng maging kwalipikado ang menor de edad na mag-serve ng sentensya sa California Youth Authority.

• Puwede Bang Ihinto ang Isang Kautusan para sa Pagdinig ng Kaangkupan?

Hindi puwedeng iapela ang isang kautusan mula sa pagdinig ng kaangkupan. Para makatanggap ng pagsusuri ng appellate, dapat humiling ang panig ng writ para ihinto ang proseso ng pagpapatuloy. Para simulan ang proseso ng writ, dapat sumagot ang menor de edad ng aplikasyon para sa writ hindi hihigit sa 20 araw pagkatapos ng unang appearance ng menor de edad sa reklamo. Puwede ring mag-apply ang District Attorney para sa isang writ para hamunin ang pasya ng hukom na fit ang menor de edad.

Paano ko malalaman kung kwalipikado ako para sa mga libreng legal na serbisyo?

May mga available na libreng legal na serbisyo para sa mga kwalipikadong tao sa National Legal Services Corporation (hal., Legal Aid Society at Legal Services Foundation). Magagawa ng mga taong inaakusahan ng isang krimen na walang kakayahang magbayad ng abugado na humiling ng o mag-apply para sa libreng tulong mula sa Tanggapan ng Tagapagtanggol ng Publiko. Kung sa palagay mo ay kwalipikado ka, puwede kang humiling ng referral sa Tanggapan ng Tagapagtanggol ng Publiko sa una mong appearance sa hukuman. Para sa higit pang impormasyon, puwede kang makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Tagapagtanggol ng Publiko sa County ng Alameda sa: (510) 670-5086 sa South County o (510) 268-7474 sa North County.

Mga lokal na link ng legal na tulong

Iba pang kapaki-pakinabang na link 

  1. Konseho ng Hukuman
  2. Pampangasiwaang Tanggapan ng Mga Hukuman ng California - Dogbook
  3. Pampangasiwaang Tanggapan ng Mga Hukuman ng California, Center para sa Mga Pamilya, Mga Bata at Hukuman
  4. Find Law - Libreng legal na pananaliksik sa iba't ibang legal na isyu.
  5. CASA (Mga Espesyal na Tagapagsulong na Itinatalaga ng Hukuman) ng Tanggapan ng Edukasyon ng County ng Alameda
  6. ng County ng Alameda
  7. Mga Programa sa Mga Independiyenteng Kakayahan sa Pamumuhay ng County ng Alameda

1. Mga Pambuong-estadong Panuntunan at Form: Konseho ng Hukuman ng California

Sa website ng Konseho ng Hukuman ng California, makikita mo ang :

2. Mga Lokal na Panuntunan at Form: Superior Court ng California, County ng Alameda

Unless authorized by statue, persons must petition the court to inspect a Juvenile Record. The Juvenile Court limits access to juvenile court records in accordance with California Rule of Court 5.552, and Welfare and Institution Code section 827. Juvenile court records may not be obtained or inspected by civil or criminal subpoena. Therefore, no information can be released over the telephone because photo identification cannot be verified, and this would include acknowledging that a juvenile case matter or file is on record.

If you are not authorized by Welfare and Institutions Code sections 828 and California Rule of Court 5.552, you must Petition the Presiding Judge of the Juvenile Court for access to police reports.

The required forms are: Petition to Obtain Report of Law Enforcement Agency (JV-575) and Notice to Child and Parent/Guardian re: Release of Juvenile Police Records and Objection (JV-580).

Fill out form JV-575, Petition to Obtain Report of Law Enforcement Agency. Print legibly and complete all relevant fields of the form. Indicate the name of the police department from whom you are requesting the report and the report number. Describe in detail the reason why you believe the records exist, how you intend to use them and why the records are relevant to your intended purpose.

Submit the original and two copies of forms JV-575, and JV-580 to the court. You may do this in person at the Juvenile Court Clerk’s Office, 2500 Fairmont Drive, Suite 3013, San Leandro CA 94578 on the 3rd Floor of the Juvenile Justice Center. You may mail your request to the address mentioned herewith.

The court will contact you by mail or phone as to the status of your request within ten to twelve weeks. The court may either deny or grant your request or ask for additional information. In some cases, the court may set your request for a hearing. If your request is granted, you will receive a certified copy of the order in the mail with instructions. Take the order to the policy agency and a valid identification card with you to obtain your copy of the police report.

Was this helpful?

This question is for testing whether or not you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.