Pangkrimeng Hukuman
Ang mga kaso ng krimen ay kinabibilangan ng mga infraction hanggang misdemeanor hanggang felony.
Pangkalahatang-ideya
Ang Superior Court ng California ay may hurisdiksyon sa mga kaso ng infraction, misdemeanor, at felony na nangyayari sa county kung nasaan ang superior court. Ang Pangkrimeng Dibisyon ay ang bahagi ng Tanggapan ng Clerk ng County kung saan nagfa-file ng reklamo ang nagpo-prosecute na ahensya, na kinabibilangan ng pero hindi limitado sa District Attorney ng County ng Alameda.
Para sa impormasyon tungkol sa proseso ng mga kaso ng krimen, tingnan ang Paano ang Proseso ng Mga Kaso ng Krimen.
Mga Abiso
Puwede na ngayong tingnan ng publiko ang mga piling impormasyon ng kaso ng krimen online sa pamamagitan ng ODYSSEY PORTAL. Libre ang serbisyong ito, at hindi kailangang magparehistro ng mga miyembro ng publiko. Mag-click dito para magsimula.
Bisitahin ang nakalaang webpage ng COVID-19 ng Hukuman para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga available na serbisyo ng hukuman.
Ang Ginagawa ng Mga Pangkrimeng Hukuman
Ang mga pangkrimeng hukuman ay nagsasagawa ng mga arraignment, pagdinig bago ang paglilitis, pagdinig para sa paunang eksaminasyon, pagdinig para sa pretrial law at motion, pagdinig sa kahandaan, paglilitis, pagsesentensya, pagdinig na nauugnay sa probation, at pagdinig kaugnay ng kalusugan ng pag-iisip sa katarungan sa krimen.
Kadalasan, ang arraignment ang unang appearance sa hukuman.
Sa pagdinig na ito, ipapaalam sa defendant ang kanyang mga charge, kanyang mga karapatan sa ilalim ng batas, magtatalaga sa kanya ng abugado kung wala siyang pambayad, at mag-e-enter siya ng plea (not guilty, guilty, o contest).
Sa pagdinig para sa arraignment, susuriin din ang status ng kustodiya: puwedeng magtakda ng piyansa, puwedeng i-remand ang mga defendant sa kustodiya, o puwede silang i-release sa sarili nilang recognizance.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga arraignment o system ng pangkrimeng hukuman sa pangkalahatan, bisitahin ang Resource Center ng Hukuman.
Criminal Court Services
-
Find Your Court Date
Search calendars to find your court date.
-
Search or Request Criminal Court Records
Register to search or request criminal court records.
-
Criminal and Juvenile e-Filing
Our Criminal and Juvenile Divisions are now accepting electronic filings.
-
Inmate Locator
Locate inmates arrested and booked by Alameda agencies.
Higit Pang Impormasyon at Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions, FAQ) Tungkol sa Pangkrimeng Dibisyon
Mag-click sa mga paksa at tanong sa ibaba para maka-access ng higit pang impormasyon tungkol sa Pangkrimeng Hukuman at Dibisyon.
Pag-appear sa Hukuman
Mandatoryo ang mga appearance sa hukuman.
Kung wala kang appearance, puwedeng mag-isyu ng bench warrant para sa iyong arrest. Kung ire-release ka sa pamamagitan ng piyansa, puwedeng ma-forfeit mo ang iyong piyansa o bond. Puwedeng magpataw ang Hukuman ng $300 na bayarin sa sibil na assessment alinsunod sa seksyon 1214.1 ng Kodigo Penal.
Pagdaragdag o Pagbabago ng Court Date
Kung gusto mong magdagdag o magbago ng court date, makipag-ugnayan sa iyong abugado. Kung wala kang abugado, tumawag sa Tanggapan ng Clerk ng Pangkrimeng Dibisyon sa naaangkop na lokasyon ng clerk para sa tulong. Kung nagpiyansa ka, mainam na makipag-ugnayan ka rin sa kumpanya para sa piyansa.
Ang Dapat Isuot sa Courtroom
Para sa mga appearance sa courtroom, ipinapatupad ang mga sumusunod na panuntunan:
- Sa pagpasok sa courthouse, dapat dumaan ang lahat sa metal detection/weapon screening.
- Magsuot ng damit na para bang pupunta ka sa isang pangnegosyong meeting. Kailangang magsuot ng shirt at sapatos.
- Dapat mag-alis ng sumbrero sa pagpasok at habang nasa courtroom.
- Dapat i-off ang mga cell phone at electronic communications device sa courtroom.
Mga Dokumentong Dapat Dalhin sa Hukuman
Pakidala ang mga sumusunod na item kapag pumunta ka sa hukuman:
- Naaangkop na Pagkakakilanlan (lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, o iba pang photo identification)
- Kopya ng citation
- Abiso ng Pagdinig o courtesy copy ng liham ng pagdinig
- Resibo ng Bond, resibo ng cash na bond, et cetera
- Dokumento ng pagkaka-release sa kulungan
- Kautusan sa pagsesentensya, kautusan sa probation
- Perang pambayad ng mga multa, bayarin, at restitution
Kung may inisyung warrant para sa pag-aresto sa iyo, puwede kang makipag-ugnayan sa courthouse na nag-isyu sa warrant para sa mga tagubilin sa kung paano i-clear ang warrant o puwede kang makipag-ugnayan sa naaangkop na ahensya na tagapagpatupad ng batas.
Pangalan | Numero ng Telepono |
---|---|
Wiley W. Manuel Courthouse - Oakland | (510) 627-4702 |
Rene C. Davidson Courthouse - Oakland | (510) 891-6009 |
Hayward Hall of Justice |
(510) 690-2703 |
Fremont Hall of Justice | (510) 818-7501 |
East County Hall of Justice - Dublin | (925) 227-6792 |
Kung isa kang biktima ng o saksi sa isang krimen, at may dahilan para hilingin mong hindi makipag-ugnayan sa iyo ang defendant, puwede kang humiling ng pangkrimeng protective order sa hukuman.
Susuriin ng hukom ang mga naaangkop na dokumento at kung matutukoy na may magandang hangarin, iaatas ng hukom, sa sarili niyang motion at/o ayon sa kahilingan ng Tanggapan ng District Attorney , na mag-isyu ng protective order para maprotektahan ang (mga) biktima at/o saksi sa kaso.
Aabisuhan ang nang-aarestong ahensya tungkol sa pag-isyu ng protective order at ia-update ang naka-automate na warrant system sa pamamagitan ng impormasyon mula sa protective order.
Kung mayroon ka pang mga tanong tungkol sa mga pangkrimeng protective order, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng District Attorney ng County ng Alameda.
Nakatakdang bayaran ang mga multa, kasama ang mga bayarin sa restitution, sa petsang itinakda ng Hukuman.
Puwede kang atasan ng hukom na bayaran ang iyong multa bago lumipas ang isang partikular na petsa, o puwedeng may pabayaran sa iyo buwan-buwan. Direktang babayaran sa Central Collections ang mga multang binabayaran sa pamamagitan ng mga buwanang installment. Dapat mabayaran nang nasa oras ang mga multa.
Kung aatasan ka ng hukuman na bayaran ang iyong multa, dapat mong bayaran ang multa nang personal o sa pamamagitan ng koreo sa pasilidad ng hukuman kung saan mo ginawa ang iyong appearance. Puwede kang magbayad sa pamamagitan ng cash, tseke, money order, o cashier check. Huwag magpadala ng cash sa pamamagitan ng koreo. Ipangalan ang mga tseke sa Clerk ng Superior Court at isama ang numero ng iyong court case na nasa tseke mo.
Kung mayroon kang mga tanong, makipag-ugnayan sa iyong abugado, probation officer, o Tanggapan ng Criminal Clerk.
Puwedeng may karapatan ang mga biktima ng krimen na makatanggap ng restitution sa ilang partikular na sitwasyon.
Kung isa kang biktima ng krimen kung saan kailangang magbayad sa iyo ng restitution, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng District Attorney ng County ng Alameda para matukoy ang iyong mga opsyon.
Kung isa kang biktima ng krimen kung saan nag-atas ng restitution, puwede kang makipag-ugnayan sa Tanggapan ng District Attorney ng County ng Alameda o sa sarili mong abugado para sa tulong.
Kung inatasan kang magbayad ng restitution sa biktima at mayroon kang mga tanong, makipag-ugnayan sa iyong abugado o probation officer bago ka makipag-ugnayan sa Hukuman.
Pinapayagan ng Kodigo Penal ng California ang ilang defendant na nakakatugon sa ilang partikular na kinakailangan na mag-file ng petisyon para sa dismissal/expungement.
Pakitandaang kahit mag-atas ng dismissal/expungement ang Hukuman, posible pa rin itong ituring na dating felony na offense.
Makukuha ang lokal na form na Petisyon para sa Dismissal alinsunod sa 1203.4 sa kahit saang lokasyon ng hukuman. Puwedeng atasan ang petisyoner na bayaran ito. Kung mayroon kang mga tanong, makipag-usap sa iyong abugado.
Magkasamang pino-promote ng pamahalaan ng pederal at estado ng California ang expansion ng "mga hukuman para sa paggamot ng droga." Pinagsasama ng mga drug court ang malapitang pagsubaybay ng proseso ng hukuman at ang mga resource na available sa pamamagitan ng mga serbisyo sa paggamot ng alak at droga. Ang mga layunin ay bawasan ang recidivism ng mga offense na nauugnay sa droga at gumawa ng mga opsyon sa system ng katarungan sa krimen para maiangkop ang mga epektibo at naaayong resource sa mga offender na may problema sa droga.
Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Mga Serbisyo ng Drug Court ng Hukuman ng Superior Court ng County sa (510) 272-1216.
Tingnan ang page ng Mga Talaan sa site na ito.
Dapat maningil ang clerk para sa pagbibigay ng mga kopya at paghahanap ng talaan para mabayaran ang nagastos ng Hukuman sa pagnenegosyo alinsunod sa seksyon 680 ng Kodigo ng Pamahalaan. Nakadetalye ang mga bayarin para sa mga serbisyong ito sa Iskedyul ng Bayad.
Para sa impormasyon sa bayarin tungkol sa mga motion na isantabi ang forfeiture ng piyansa/motion para sa isantabi ang summary judgment, tingnan ang Iskedyul ng Bayad ng Hukuman.
- Konseho ng Hukuman ng California
Website ng Konseho ng Hukuman ng California. Dadalhin ka ng link na ito sa website ng sangay ng hukuman ng California. Doon, piliin ang "Self Help Center" sa pangunahing menu para sa mga pambuong-estadong panuntunan at form. - Superior Court ng California County ng Alameda Mga Lokal na Panuntunan
Mga kasalukuyang lokal na panuntunan para sa Superior Court ng County ng Alameda.
New Forms Adopted for Petitioning to Reduce a Felony to a Misdemeanor.
For persons who have already completed their sentences: CRM-051; New Form Adopted for Petitioning to Reduce a Felony to a Misdemeanor Under Penal Code Section 1170.18 (aka "Proposition 47"). For more information and to obtain the new form, click here.
Prop 47 classifies certain crimes as misdemeanor reduced from a felony, unless the defendant has prior convictions for murder, rape, and certain sex offenses or certain gun crimes.
Orders regarding Genetic Marker Typing
Defendants in criminal cases may be ordered to submit two (2) blood samples and one (1) saliva sample for the purpose of Genetic Marker Typing pursuant to Section 296 of the Penal Code. Samples will be obtained in a medically approved manner. If the defendant is in custody, samples will usually be taken before the defendant is released.
If the defendant is out of custody, the defendant should report to the Alameda County Sheriff's Criminalistics Laboratory (2901 Peralta Oaks Court, 3rd Floor, Oakland) with a copy of the order from the judge on Tuesdays or Thursdays from 1:00 PM - 4:00 PM. Please note that you must arrive by 3:00 PM to ensure time for sampling. The Sheriff's Office will conduct the prescribed sample collection for all qualifying out of custody defendants.
For more information, please contact the Alameda County Sheriff's Office at (510) 382-3300 (main).
Prop. 64: The Adult Use of Marijuana Act
Effective November 9, 2016, Proposition 64 (the Adult Use of Marijuana Act) legalizes specific personal use and cultivation of marijuana for adults 21 years of age and older.
The Act also:
-
reduces criminal penalties for specific marijuana-related offenses for adults and juveniles;
-
authorizes resentencing or dismissal and sealing of prior, eligible marijuana-related convictions; and
-
provides for the regulation, licensing, and taxation of the legalized use and cultivation of non-medical marijuana.
Forms
The Judicial Council of California is developing forms for Prop. 64-related applications, including petitions and applications for:
-
dismissal and sealing,
-
re-sentencing, and
-
re-designating specific marijuana-related offenses.
See Form CR-403
See also: Overview of Proposition 64: The Adult Use of Marijuana Act.
Bisitahin ang page ng Batas sa Krimen ng Mga Hukuman ng California para sa higit pang impormasyon.