Outreach sa Komunidad
Mga Programa ng Hukuman para sa Outreach sa Komunidad
Mahalaga ang outreach sa komunidad sa Superior Court ng Alameda; pinagsisikapan naming magkaroon at magpanatili ng matatag na ugnayan sa aming komunidad. Pinapatatag ang mga koneksyong ito sa pamamagitan ng iba't ibang pagsisikap sa outreach na sinisimulan at aktibong sinusuportahan ng Hukuman.
Nakatuon ang aming mga hukom, komisyoner, at staff ng hukuman sa pagkakaroon ng aktibong diyalogo sa komunidad tungkol sa mga paksa kasama ang tungkulin ng mga hukuman at hukom at ang legal na propesyon. Sa ganitong paraan, layunin naming mas maunawaan at mas madaling ma-access ang katarungan para sa lahat. Maraming sinusubaybayan ang Hukuman na serbisyo at programa sa buong County ng Alameda na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga panig habang dumaraan sila sa sistema ng hukuman. Mula sa mga waiting room para sa mga bata, hanggang sa mga Self-Help Center para sa mga litigant na kumakatawan ng kanilang sarili, hanggang sa mga mock na programa ng paglilitis sa high school, pinagsisikapan ng Superior Court na makuha ang tiwala at kumpiyansa ng mga constituent na pinagseserbisyuhan nito. Ang mga programang idinedetalye sa ibaba ay mga halimbawa ng mga inisyatiba sa county na naglalayong palawakin at pahusayin ang mga ugnayan sa hukuman at komunidad.
Mga Programa ng Outreach sa Komunidad
I-click ang mga programa sa ibaba para sa higit pang impormasyon.
Ang Nobyembre ay ang Buwan ng Pag-ampon at Pagiging Permanente sa California, na isang panahon kung saan itinutuon ang atensyon sa mga pagsisikap na gumawa ng mga permanteng tahahan para sa mga batang naghihintay na maampon. Ipinagdiriwang din ang Pambansang Araw ng Pag-ampon tuwing Nobyembre, at nagdaraos ang mga hukuman at komunidad sa buong bansa ng mga espesyal na event at espesyal na seremonya ng pag-ampon para sa mga pamilya. Ikinalulugod ng Superior Court ng County ng Alameda na makibahagi sa mga taunang pagsisikap na ito.
Pinapalawak ng Bench Speakers Bureau ang pag-unawa at kaalaman ng publiko sa sistema ng hukuman. Ang programa ay binubuo ng mga hukom, komisyoner, at staff ng hukuman ng County ng Alameda na nakikipag-usap sa mga organisasyon batay sa komunidad, edukasyon, pananampalataya, ahensya ng pamahalaan, at iba pang uri ng organisasyon. Sa paggamit sa Bench Speakers Bureau, puwedeng hilingin ng mga grupo sa komunidad na kausapin sila ng mga hukom tungkol sa mga isyung mahalaga sa komunidad, pati sa proseso ng sistema ng hukuman. Isa itong sikat na programa na nagbibigay ng oportunidad sa mga grupo sa paaralan at komunidad na makipagpulong sa isang hukom para magtanong at matuto pa tungkol sa sistema ng paglilitis sa hukuman. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-iiskedyul ng tagapagsalita, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Tagapagpaganap ng Hukuman .
Ang Waiting Room para sa Mga Bata ay isang libreng serbisyo para sa mga magulang at tagapangalaga na may gagawin sa hukuman sa Hayward Hall of Justice. Ang waiting room ay isang ligtas na lugar kung saan puwedeng manatili ang iyong mga anak habang ikaw ay nasa Hukuman. Tingnan ang impormasyon sa ibaba para sa mga detalye tungkol sa mga serbisyong ibinibigay ng Waiting Room para sa Mga Bata.
Makakakita ng higit pang impormasyon sa page na Waiting Room para sa Mga Bata.
May mga available na self-guided na tour sa hukuman sa halos lahat ng pasilidad ng hukuman sa buong County ng Alameda. Nagbibigay ang mga tour ng natatanging pagkakataon para mag-obserba ng maraming paglilitis sa hukuman. Available ang mga tour anim na linggo bago ang appointment at sa limitadong batayan. Sa kasamaang-palad, hindi makakapag-alok ang hukuman ng transportasyon papunta sa courthouse para sa mga aktibidad kaugnay ng tour sa hukuman. Gayunpaman, accessible ang karamihan ng mga lokasyon ng hukuman sa pamamagitan ng BART o AC transit. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Tagapagpaganap ng Hukuman.
Sa kasalukuyan, ang Superior Court ay may mga information center para sa boluntaryo sa limang lokasyon ng hukuman - sa René C. Davidson at Wiley W. Manuel Courthouse sa Oakland, Hayward Hall of Justice, Fremont Hall of Justice, at Gale-Schenone Courthouse sa Pleasanton. Kung interesado kang magserbisyo bilang boluntaryo sa hukuman, makipag-ugnayan sa Coordinator ng Programa ng Boluntaryo sa Hukuman sa (510) 891-6209. Sasailalim ang lahat ng boluntaryo sa orientation program, at susuportahan sila ng mga staff ng hukuman.
Bisitahin ang aming page na Mga Opisyal ng Impormasyon para sa Boluntaryo.
Mula pa noong 1999 at dalawang beses sa isang taon, tumutulong na ang East Bay Stand Down sa mga nangangailangan at walang matirhang beterano na makatanggap ng tulong sa pabahay, trabaho, medikal na pangangalaga at pangangalaga ng ngipin, mga serbisyo sa hukuman at legal na serbisyo, damit, at iba pang uri ng tulong. Ang Stand Down ay isang terminong ginagamit sa giyera na naglalarawan sa pagpapaatras ng mga combat troop sa field at pagtugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa isang ligtas na lugar. Bilang ganap na boluntaryong operasyon, ang pangunahing layunin ng East Bay Stand Down ay pagserbisyuhan at suportahan ang mga beteranong nangangailangan ng paggalang at dignidad.
Kasama ang East Bay Stand Down, nag-aalok ang Superior Court ng County ng Alameda ng Stand Down Court sa encampment para matulungan ang mga beteranong lutasin ang mga partikular na kaso ng infraction at misdemeanor. Bisitahin ang mga programa at event ng East Bay Stand Down.
Layunin ng Hukuman para sa Walang Matirhan at Pangangalaga na tugunan ang ilan sa mga legal na balakid na kinakaharap ng mga indibidwal na walang matirhan. Nagsasagawa ang Hukuman ng mga session sa hukuman nang dalawang beses sa isang buwan sa mga shelter para sa walang matirhan at lugar sa komunidad sa County ng Alameda. Sa karaniwan, ang mga kalahok ay na-cite para sa iba't ibang minor na hindi marahas na paglabag. Madalas ay nae-escalate ang mga usaping ito kapag hindi pumupunta ang mga walang matirhang defendant sa hukuman at nagbibigay ng mga warrant sa pag-aresto, na gumagawa ng mga bago o karagdagang sanction at pumipigil sa mga defendant na ito na makakuha ng pabahay at iba pang tulong sa social welfare. Dapat maipakita ng mga kalahok na indibidwal na handa silang pumunta sa hukuman sa iba't ibang paraan depende sa kanilang mga partikular na sitwasyon, kasama ang trabaho, edukasyon, pagiging sober, at pangkalahatang stability sa kanilang buhay. Tinutukoy ang mga defendant bilang maiinam na kandidato para sa Hukuman para sa Walang Matirhan sa pamamagitan ng iba't ibang lokal na provider ng serbisyo. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa
Kathie Barkow, ang Coordinator ng Hukuman para sa Walang Matirhan at Pangangalaga ng County ng Alameda sa 510.967.5161 kathiebarkow@earthlink.net
Ang Programang Judicial Administration Fellowship Program ay pinapangasiwaan ng Center for California Studies sa California State University, Sacramento at kasamang sino-sponsor ng Konseho ng Hukuman. Ang programa ng fellowship ay parehong akademiko at propesyonal. Kasama sa mga full-time na propesyonal na placement ang mga hukuman para sa paglilitis at appellate court sa buong California at Pampangasiwaang Tanggapan ng Mga Hukuman; ipinagmamalaki ng Superior Court sa County ng Alameda na mag-alok ng dynamic at makabuluhang karanasan para sa bawat fellow nagtatrabaho sa aming Hukuman. Sa oras na matanggap sa programa, mag-e-enroll ang mga fellow bilang mga graduate student sa Public Policy and Administration sa Sacramento State, at pupunta sila sa mga akademikong seminar. Kada taon, sampung fellow ang tinatanggap sa sampung buwang programa, na nagsisimula sa Setyembre ng bawat taon.
Ang programang JusticeCorps sa Bay Area ay isang makabagong pamamaraan sa paglutas sa isa sa pinakamatitinding isyu na kinakaharan ng mga hukuman sa buong bansa sa ngayon: ang pagbibigay ng patas na access sa katarungan. Ang Superior Court ng Alameda ang nagsisilbing pangunahing hukuman sa partnership sa JusticeCorps sa Bay Area, at kasama rin dito ang Superior Court ng San Mateo, San Francisco, at Santa Clara. Bawat taon, sa pamamagitan ng pondong ibinibigay ng AmeriCorps at Pampangasiwaang Tanggapan ng Mga Hukuman sa California, ang programa ay nagre-recruit at nagsasanay ng diverse na grupo na binubuo ng 70 mag-aaral sa unibersidad at anim na kaka-graduate lang para matulungan ang mga staff ng hukuman at staff sa legal na tulong na marami nang ginagawa at tumutulong sa mga litigant na kumakatawan ng kanilang sarili sa mga self-help na programa sa hukuman. Ang bawat isa sa masisipag at mahuhusay na miyembrong ito ay nagbibigay ng hindi bababa sa 300 oras na mabusisi at naka-personalize na serbisyo sa mga litigant na kumakatawan ng kanilang sarili. Nag-aalok ang programa ng mahuhusay na oportunidad sa mga mag-aaral na matuto tungkol sa batas at magbigay ng lubos na kinakailangang serbisyo sa kanilang komunidad.
Naka-enroll dapat ang mga kalahok sa isa sa aming mga partner na campus: UC Berkeley, Cal State East Bay, San Francisco State, Stanford, at San Jose State. Makakakita ng karagdagang impormasyon at aplikasyon sa website ng programa.
Iniimbitahan ng Hukuman ang lahat ng interesadong mag-aaral sa high school, guro, team sa mock na paglilitis, at grupo sa komunidad para sa kabataan na sumali sa aming taunang pagdiriwang ng Araw ng Batas. Kadalasan, ipinagdiriwang ang Araw ng Batas sa County ng Alameda sa ikatlong linggo ng Mayo para hindi matapat sa iskedyul ng pagsusulit ng mga mag-aaral. Ang Araw ng Batas, na isang araw na ipinagdiriwang sa buong bansa ay itinakda ni Presidente Dwight D. Eisenhower para ipagdiwang ang batas at ang kontribusyon ng batas at legal na proseso sa kalayaan ng bawat Amerikano. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Araw ng Batas, bisitahin ang www.lawday.org.
Ang Philip A. Harley Memorial Mock Trial Competition ay isang pambuong county na kumpetisyon sa high school para sa pangkrimeng paglilitis na idinisenyo para mas maunawaan ang aming sistema ng hukuman at ang mga prosesong kinakailangan para makapagsulong ng patas na lipunan. Ang mga team ng mag-aaral na binubuo ng sampu hanggang dalawampung mag-aaral ay may inaaral na hypothetical na kaso, nagsasagawa ng legal na pananaliksik, at nakakatanggap ng indibidwal na coaching mula sa mga boluntaryong abugado sa paghahanda sa paglilitis, protocol at procedure sa courtroom, legal at analytical na kasanayan, pati sa pasalita at nakasulat na komunikasyon. Ang paghahanda ay nagsisimula sa taglagas at nagtatapos sa matitinding round ng elimination sa loob ng apat na linggo ng kumpetisyon sa Pebrero. Ikakatawan ng mananalong team ang County ng Alameda sa kumpetisyon sa estado sa Marso. Para makibahagi o magboluntaryo, mag-click dito.