Skip to main content
Skip to main content.

Trabaho

Human Resources

  • Mga Bagong Oportunidad sa Trabaho

    Student Assistant (Kinatawan sa Campus) – Binigyan ng Pondo

    Tagapayo na Nagrerekomenda ng Kustodiya sa Bata (Batas para sa Pamilya)

    Self-Help at Tagasuri ng Facilitator ng Batas para sa Pamilya

    Manager ng Mga Serbisyong Pang-emergency

    - Courtroom Clerk I

    Para sa kumpletong listahan ng lahat ng bakanteng posisyon sa Hukuman, bisitahin ang page ng Mga Oportunidad sa Trabaho.

Pangkalahatang-ideya

Ang Superior Court ng California ng County ng Alameda ay may humigit-kumulang 700 empleyado sa 10 lokasyon at nagseserbisyo ng 1.6 milyong residente sa lahat ng usapin sa hukuman ng paglilitis kasama ang pangkrimen at sibil na kaso, kaso sa juvenile dependency at delinquency, batas para sa pamilya, probate, guardianship, conservatorship, kalusugan ng pag-iisip, at kaso sa trapiko.

Ang mga sumusunod ang 10 lokasyon ng hukuman:

Nangangako kaming pahusayin ang aming mga staff at tiyaking naibibigay nila ang pinakamataas na antas ng serbisyo sa publiko.

Mga Benepisyo ng Empleyado

Bukod sa magandang sahod, makakatanggap ang mga empleyado ng magandang package ng mga benepisyo na may:

  • Mga Sulit na Medikal na Plano at Plano sa Ngipin
  • Paningin
  • Basic at Karagdagang Life Insurance
  • Programa ng Tulong sa Empleyado
  • Plano sa Pensyon – (ACERA)
  • Plano sa Na-defer na Pagbabayad (457 Plan o Roth Plan)
  • 14 na Bayad na Holiday at 3 Floating na Holiday
  • Accrual ng Vacation at Sick Leave
  • Programa ng Mga Benepisyo sa Commuter

Oportunidad sa Patas na Trabaho

Nagbibigay ang Mga Hukuman ng mga oportunidad sa patas na trabaho sa lahat ng empleyado at aplikante para sa trabaho nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, pinagmulang bansa, kasarian, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian at expression ng kasarian, kapansanan, genetic na impormasyon, status sa militar, edad, status sa pag-aasawa, affiliation sa pulitika, o iba pang status na pinoprotektahan sa ilalim ng batas ng pederal, estado, at/o lokal.

Mga Madalas Itanong

Bisitahin ang page ng Mga Oportunidad sa Trabaho para sa kumpletong listahan ng aming mga kasalukuyang oportunidad sa trabaho.

Para sa mga tanong, makipag-ugnayan sa aming recruitment team sa recruitment@alameda.courts.ca.gov.

Kapag nakapagsumite ka na ng aplikasyon sa trabaho para sa isang posisyon, hindi ka na ulit makakapag-apply sa posisyong iyon o makakagawa ng mga pagbabago sa iyong aplikasyon. Kung nagre-recruit pa rin at gusto mong mag-attach ng dokumento, gaya ng resume o cover letter, mag-email sa aming recruitment unit sa recruitment@alameda.courts.ca.gov.

Iba ang bawat trabaho at proseso ng pag-hire pero kadalasan, napupunan namin ang isang bakanteng posisyon sa loob ng humigit-kumulang dalawa hanggang tatlong buwan. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang page ng Proseso ng Pag-hire.

Oo. Tiyaking susuriin mo nang mabuti ang mga kwalipikasyon para sa bawat posisyon bago ka mag-apply.

Sa oras na gumawa ka ng Workday account, mananatili itong aktibo sa walang limitasyong tagal ng panahon. Tandaan ang iyong email address at password na nauugnay sa account na ginawa mo para makapag-log in ka ulit sa hinaharap. Kung makakalimutan mo ang iyong password, puwede mo itong i-reset sa page sa pag-sign in ng Workday.

Mag-email sa recruitment unit sa recruitment@alameda.courts.ca.gov.

Bisitahin ang aming page ng Mga Oportunidad sa Trabaho.

Dapat isumite ang lahat ng aplikasyon sa pamamagitan ng page na Mga Oportunidad sa Trabaho ng Hukuman.

  1.  Bisitahin ang page na Mga Oportunidad sa Trabaho.
  2. Kung isa kang external na aplikante, i-click ang Mga Trabaho para sa Mga External na Aplikante. Kung isa kang internal na empleyado, i-click ang Mga Trabaho para sa Mga Kasalukuyang Empleyado.
  3. I-click ang posisyong gusto mo.
  4. I-click ang asul na button na Mag-apply sa kaliwang bahagi sa itaas ng page.
  5. Gumawa ng account sa Workday o mag-sign in sa isang dati nang Workday account.
  6. Gagabayan ka ng mga tagubilin online sa bawat hakbang sa buong aplikasyon. Sa dulo, hihilingin sa iyong i-certify at isumite ang iyong aplikasyon. Kapag na-click mo na ang button na Tangagpin, makakatanggap ka ng kumpirmasyon bilang patunay na matagumpay na na-file ang iyong aplikasyon.

Tandaang kapag nakagawa ka na ng sarili mong account at na-file mo na ang unang aplikasyon, ise-save ang iyong impormasyon sa Workday at hindi mo na kailangang ilagay ang iyong impormasyon sa tuwing mag-a-apply ka para sa isang posisyon sa Hukuman.

Tiyaking babasahin mo nang mabuti ang anunsyo sa trabaho at form para sa aplikasyon. Tiyaking pupunan mo ang bawat seksyong nalalapat sa iyo. Puwede kang mag-attach ng resume pero kailangan mo pa ring sagutan ang buong aplikasyon. Madidiskwalipika ka kung hindi kumpleto o partial lang ang aplikasyon o karagdagang questionnaire. Ang mga form para sa aplikasyon at Karagdagang Questionnaire (kung naaangkop) ay dapat maisumite bago ang deadline na nakasaad sa anunsyo.

Sa Page lang na Mga Oportunidad sa Trabaho ng Superior Court ng California, County ng Alameda puwedeng mag-file ng mga aplikasyon. Online lang makakapagsumite ng aplikasyon sa Hukuman.

Hindi. Puwede kang mag-attach ng resume, pero kailangan mo pa ring sagutan ang buong aplikasyon. Susuriin muna ang iyong aplikasyon para matiyak na nakakatugon ang iyong karanasan sa trabaho at background sa pag-aaral sa mga minimum na kinakailangan para sa posisyon. Tiyaking kumpleto at tama ang impormasyong ibibigay mo tungkol sa iyong kasaysayan sa pagtatrabaho. Madidiskwalipika ka kung hindi kumpleto ang impormasyon sa aplikasyon o sa mga karagdagang tanong.

Oo, dapat mong hiwalay na ilista ang lahat ng karanasan para sa bawat pamagat ng klasipikasyon (trabaho). Dapat ay kumpleto ang isagot sa mga aplikasyon at malinaw ang mga ito para komprehensibo itong masuri at matasa.

TANDAAN: Hindi isasaalang-alang ang anumang karanasang hindi isinama sa aplikasyon.

Hindi. Nakasaad sa anunsyo sa trabaho na kinakailangan ang karagdagang questionnaire, hindi isasaalang-alang ang iyong aplikasyon kung hindi mo sasagutan ang bawat tanong sa questionnaire. Bukod sa regular na aplikasyon, gagamitin ang questionnaire sa proseso ng screening para matukoy ang mga pinakakwalipikadong kandidato sa mga aplikante na nakakatugon sa mga minimum na kinakailangan na magpapatuloy sa proseso ng eksaminasyon.

Hindi. Ang "Mga Oportunidad para sa Promosyon" at “Mga Oportunidad para sa Transfer” na nasa website ay para lang sa mga empleyado ng Superior Court ng County ng Alameda. Sa Mga Bukas na Oportunidad lang sa page na Mga Oportunidad sa Trabaho puwedeng mag-apply ang lahat ng iba pang tao.

Hinihiling sa mga taong may mga kapansanan na makipag-ugnayan sa Dibisyon ng Human Resource kung kinakailangan ng mga accommodation sa proseso ng eksaminasyon.

Bagama't hindi nag-aalok ang Hukuman ng mga halimbawang item para sa mga eksaminasyon, may ilang booklet para sa paghahanda sa pagsusulit na may mga gabay sa pangkalahatang pagkuha ng pagsusulit. Available ang mga ito sa karamihan ng mga aklatan at/o bookstore.

Ang layunin ng pasalitang interview ay tasahin pa ang iyong kaalaman at kakayahan pati ang iyong edukasyon, karanasan, mga nakamit, layunin sa trabaho, at iba pang salik na nauugnay sa trabaho na may kinalaman sa iyong mga kwalipikasyon para sa trabaho sa posisyong gusto mong makuha. Kasama sa mga itatanong ang iba't ibang aspeto ng trabaho, kaya dapat ay handa ka pagdating mo sa interview. Iniaalok namin ang mga sumusunod na suhestyon sa paghahanda ng iyong sarili para sa interview: Dapat mong basahin nang mabuti ang anunsyo sa eksaminasyon para maunawaan mo nang mabuti ang posisyon. Maghandang sabihin sa interviewer kung bakit sa palagay mo ay kwalipikado ka sa posisyon. Ikaw ang bahalang ganap na ipresenta ang iyong mga kwalipikasyon sa oras na ibibigay sa iyo. Maliban na lang kung hihilingin, hindi kailangang magpakita ng mga liham ng rekomendasyon o iba pang dokumento na nauugnay sa iyong proficiency o character.

Puwedeng i-update ang address sa Portal ng Mga Oportunidad sa Trabaho ng Hukuman. I-click ang button na Mag-sign In sa kanang bahagi sa itaas ng page para i-access ang iyong profile.

Was this helpful?

This question is for testing whether or not you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.