Waiting Room para sa Mga Bata
Ang Waiting Room para sa Mga Bata ay isang libreng serbisyo para sa mga magulang at tagapangalaga na may gagawin sa hukuman sa Hayward Hall of Justice. Ang waiting room ay isang ligtas na lugar kung saan puwedeng manatili ang iyong mga anak habang ikaw ay nasa Hukuman. Tingnan ang impormasyon sa ibaba para sa mga detalye tungkol sa mga serbisyong ibinibigay ng Waiting Room para sa Mga Bata.
Tungkol sa Waiting Room para sa Mga Bata at Staff
May mga laro, laruan, at proyektong naaangkop sa edad para sa mga bata. Mayroon ding meryenda. May karanasan sa pag-aalaga ng bata ang mga staff at nagsanay sila sa CPR at basic na first aid. Pakitandaang panandalian lang ang pangangalaga sa waiting room, habang nasa gusali ng hukuman ang mga magulang. Dapat maglaan ang mga magulang at tagapangalaga ng hindi bababa sa sampung minuto para kumpletuhin ang kinakailangang papeles.
Paano Gamitin ang Waiting Room para sa Mga Bata
Kumpletuhin ang form para sa pagrerehistro pagdating mo sa Waiting Room para sa Mga Bata. Magbibigay ng magkatugmang wristband sa magulang na nagpaparehistro at sa kanyang anak. Ang taong nagparehistro sa Waiting Room para sa Mga Bata ang dapat bumalik para kunin ang bata. Ipaalam sa mga staff ng Waiting Room para sa Mga Bata kung saan sa gusali ng hukuman ka pupunta, at makumpiyansang magagawa mo ang dapat mong gawin habang naglalaro ang iyong anak sa isang ligtas at magandang lugar.
Kung hindi makukuha ng nagparehistrong magulang o tagapangalaga ang bata sa Waiting Room para sa Mga Bata, ang emergency na contact lang na inilista sa panahon ng pagpaparehistro ang puwedeng kumuha sa kanya nang may naaangkop na pagkakakilanlan.
Sino ang Puwedeng Gumamit sa Waiting Room para sa Mga Bata
Sinumang magulang o tagapangalaga na may gagawin sa pasilidad ng hukuman kung nasaan ang Waiting Room para sa Mga Bata, kasama ang: mga defendant, saksi, litigant, mga may appearance sa hukom, indibidwal na naghahain ng mga papeles, o ang mga gumagamit ng mga serbisyo ng Hukuman para sa Pamilya o ng Tanggapan ng Mga Facilitator ng Batas para sa Pamilya. Puwede sa Waiting Room para sa Mga Bata ang mga batang may edad na 15 taon pababa, kasama ang mga sanggol.