Skip to main content
Skip to main content.

Mga Living Trust

Pinansyal at Medikal na Pagpapasya

Impormasyon at Mga Madalas Itanong

Tinatalakay ng seksyong ito ang Mga Living Trust. Para sa impormasyon tungkol sa iba pang uri ng Mga Trust, tingnan ang Mga Trust sa ibang seksyon ng website na ito.

Ang Living Trust ay isang legal na instrumento para sa pinansyal na pagpaplano na nagbibigay-daan sa isang tao (Katiwala) na i-hold ang prorperty ng isang tao (Settlor) para sa kapakinabangan ng ibang tao (Benepisyaryo). Hindi tulad sa isang testamentary trust, nagkakabisa ang Living Trust habang nabubuhay ang settlor. Kadalasan, iisang tao lang ang settlor, katiwala, at benepisyaryo (hanggang sa pumanaw o maging incompetent ang taong iyon). Sa ibang salita, kung gagawa ka ng Living Trust, puwedeng ikaw ang settlor, katiwala, at benepisyaryo ng trust. Mananatili sa iyo ang buong kontrol sa property at may karapatan kang gamitin at gastusin ang property na iyon na para bang hindi ito inilagay sa trust.

Ang mga pinakakaraniwang dahilan ng paggawa ng mga tao ng Living Trust ay:

Para maiwasan ang Probate Kung nasa trust ang lahat ng iyong property kapag namatay (o naging incompetent ka), wala kang magiging pag-aari na nakapangalan sa iyo sa ilalim ng batas. Ibig sabihin, kung papanaw ka, hindi kinakailangan ng probate para maipasa ang iyong property sa iyong mga tagapagmana.

O kung magiging incompetent ka, hindi kinakailangan ng conservatorship para mapamahalaan ang iyong property. Sa anumang sitwasyon, ang taong nasa iyong trust bilang successor na katiwala ang mamamahala.

Kung papanaw ka, puwedeng ipamahagi ng successor na katiwala ang property sa trust alinsunod sa mga kahilingan mo nang hindi kinakailangang pumunta sa hukuman para sa probate para pahintulutan ang pamamahagi.

Kung magiging incompetent ka, puwedeng pamahalaan ng successor na katiwala ang property para sa iyong kapakinabangan nang hindi kinakailangang pumunta sa hukuman para sa conservatorship at nang walang tuliy-tuloy na pagsubaybay ng hukuman.

Pagpaplano ng Buwis Makakatulong ang Living Trust na maiwasan o mabawasan ang mga buwis sa estado, buwis sa regalo, at buwis sa kita. Puwede kang makatipid nang libu-libong dolyar o higit pa sa buwis. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang nasa ibaba: Makakatulong ba ang Living Trust na makatipid sa o mabawasan ang mga buwis sa estado?
Kontrol Gaya ng Will at testamentary trust, nagbibigay-daan sa iyo ang Living Trust na magpasya, sa partikular, kung anong mangyayari sa iyong property kapag pumanaw ka. Puwede ka ring gumamit ng trust para makontrol kung paano puwedeng gastusin ng iyong mga tagapagmana ang kanilang mana (para mapaliit ang posibilidad na "lustayin nila ito" sa mga mamahaling bakasyon, sasakyan, sugal, atbp.).
Proteksyon mula sa Mga Creditor Kung minsan, puwedeng magbigay ang mga trust ng mga asset sa mga benepisyaryo at protektahan ang mga asset na iyon mula sa mga creditor ng mga benepisyaryo.

Pero hindi pinoprotektahan ng Living Trust ang settlor mula sa mga creditor. May parehong karapatan ang isang creditor ng settlor na habulin ang property sa trust na para bang pag-aari pa rin ng at nakapangalan sa settlor ang mga nasabing asset.

Privacy Ang trust ay hindi isang pampublikong talaan. Kaya walang karapatan ang pangkalahatang publiko o ang sinumang hindi benepisyaryo na malaman ang tungkol sa mga asset sa iyong trust.

Ang pagbubukod lang ay isang bagong batas na nagsasabing dapat ibigay ng successor na katiwala sa lahat ng iyong tagapagmana sa ilalim ng batas (mga kamag-anak na may karapatang magmana mula sa iyo kung pumanaw ka nang walang Will) ang karapatang humingi at makatanggap ng kopya ng trust.

 

Makipag-meeting sa isang abugadong may espesyalisasyon sa pagpaplano ng estate. Susuriin ninyo, nang magkasama, ang iyong mga asset at layunin at opsyon sa pagpaplano ng estate.

Kung mapagpapasyahan mong gumawa ng Living Trust, isusulat ng abugado ang dokumento ng trust at susuriin ninyo ito nang magkasama.

Pagkatapos itong lagdaan, popondohan mo ang trust sa pamamagitan ng paglilipat sa titulo sa lahat (o karamihan) ng iyong property sa trust. Matutulungan ka ng iyong abugado rito.

Kadalasan, oo. Puwede mong kanselahin o baguhin ang trust anumang oras. Kikilos ka bilang katiwala at papamahalaan mo ang property hangga't may kakayahan ka. At, kung gusto mo, puwede mong ipabalik sa iyo ang lahat ng property sa trust.

Kadalasan, hindi lang mababawi ang trust kapag pumanaw o naging incompetent ka.

Pero, kung minsan, puwedeng gawing hindi nababawi ng mga settlor ang kanilang Mga Living Trust sa simula pa lang. (Kapag sinabing hindi nababawi, ibig sabihin, hindi puwedeng baguhin o kanselahin ang trust.) Kadalasan, ginagawa ito para sa pagpaplano ng buwis o para protektahan ang mga asset mula sa mga creditor.

Oo. May ilang uri ng Mga Living Trust na magagamit mo para maiwasan, mabawasan, o maipagpaliban ang mga buwis sa estate ng pederal. Makipag-ugnayan sa isang abugado para matalakay ang iyong mga opsyon.

Ang buwis sa estate ng pederal ay batay sa gross na value ng property na pag-aari o kinokontrol mo sa panahon ng iyong pagkamatay, na mahigit sa isang partikular na halaga.

Kasama sa nabubuwisang property ang property sa isang trust, property na nakapangalan sa iyo, mga pondo mula sa mga IRA, benepisyo sa pagreretiro, o life insurance at property na nasa joint tenancy.

Nakadepende ang rate ng buwis sa taon ng iyong pagkamatay:
Taon ng Pagkamatay Exempted na Halaga Pinakamataas na Rate ng Buwis
2002 $1 milyon 50%
2003 $1 milyon 49%
2004 $1.5 milyon 48%
2005 $1.5 milyon 47%
2006 $2 milyon 46%
2007 $2 milyon 45%
2008 $2 milyon 45%
2009 $3.5 milyon 45%
2010 Mga Na-repeal na Buwis 35%*

* (katumbas ng pinakamataas na indibidwal na rate ng buwis sa kita)

Kasama sa hindi nabubuwisang property ang:

  • Property na iniwan sa charity na exempted sa buwis
  • Property na iniwan nang direkta o ipinagkatiwala para sa kapakinabangan ng asawa, kung mamamayan ng U.S. ang asawa. Kung hindi mamamayan ng U.S. ang buhay na asawa, posibleng may iba ka pang alternatibo. Makipag-usap sa isang abugado kung ganito ang sitwasyon mo.
  • Posibleng makakuha ang mga kwalipikadong negosyo at farm na pag-aari ng pamilya ng $1.3 milyong exclusion mula sa buwis sa estate. 

Sa karamihan ng mga Living Trust, may ibang tao, gaya ng pinagkakatiwalaang kaibigan, kamag-anak, o propesyonal na katiwalang magte-take over bilang katiwala kapag pumanaw o naging incompetent ka.

Sa puntong iyon, may ilang partikular na tungkulin ang katiwala, kasama ang:

  • pamahalaan at i-invest ang iyong property
  • gastusin ang mga asset sa trust para sa iyong kapakinabangan (kung nabubuhay pa), at
  • kapag pumanaw ka, bayaran ang lahat ng iyong utang at ipamahagi o pamahalaan ang lahat ng asset sa trust alinsunod sa mga tagubilin mo.

Kung minsan, hindi ipinapamahagi kaagad ng katiwala ang mga asset. Ang mga benepisyaryo ay posibleng mga bata o itinuturing na masyadong bata para pamahalaan ang kanilang mana. O kaya, posibleng magpatuloy sa trust ang mga asset pagkamatay ng settlor para sa mga layunin sa buwis o para protektahan ang mga kahuli-hulihang benepisyaryo mula sa mga creditor.

Hindi kailangan ng successor na katiwala na hilingin sa hukuman na mangialam. Dokumento ng trust at sertipiko ng kamatayan lang ang posibleng kailanganin niya.

Oo. Dapat kang lumagda sa isang "Pourover Will" kasama ng iyong Living Trust. Ang Pourover Will ay isang back-up para sa anumang property na hindi ita-transfer sa Living Trust.

Kung walang Pourover Will, ang anumang property na maa-acquire pagkatapos mong gawin ang iyong Living Trust na hindi sinasadyang nakalista sa iyong pangalan sa halip na sa pangalan ng iyong host ay ipapasa ayon sa mga tuntunin ng iyong Will, hindi ng iyong Living Trust.

Pero kung mayroon kang Pourover Will, ipapamahagi ang property ayon sa mga tuntunin ng iyong trust.

Kung mayroon kang mga bata pang anak, puwede mong gamitin ang iyong Will para mag-nominate ng guardian para sa iyong anak kung ikaw at ang isa pang magulang ay papanaw o mawawalan ng kakayahang alagaan ang iyong mga menor de edad na anak.

Ang California State Bar ay may 3 pamphlet na may higit pang impormasyon tungkol sa Pagpaplano ng Estate, Mga Trust, at Will.

Para basahin ang mga ito, mag-click ng link sa ibaba:

O kaya, ipadala ang iyong kahilingan, at magpadala ng may stamp na sobreng may address mo sa:

Estate Planning, Trust and Probate Law Section
The State Bar of California
180 Howard Street
San Francisco, CA 94105-1639

Was this helpful?

This question is for testing whether or not you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.