Skip to main content
Skip to main content.

Mga Pinasimpleng Procedure ng Probate

Paglipat ng Ari-arian sa Pagkamatay at Kung Paano Magplano para sa Iyong Pagtanda

Impormasyon at Mga Madalas Itanong

Ang California ay may "mga pinasimpleng procedure" para sa paglipat ng ari-arian kapag wala pa sa isang partikular na halaga ang estate (mula $20,000 hanggang $150,000 depende sa sitwasyon at uri ng ari-arian.

Ano ang joint tenancy?

Ang joint tenancy ay isang paraan para magmay-ari ang dalawa o higit pang tao ng ari-arian nang may pantay na share, para kapag pumanaw ang isa sa mga joint tenant, maipapasa ang ari-arian sa naiwang joint tenant nang hindi kinakailangang dumaan sa hukuman para sa probate.

Mayroon bang mga implikasyon sa buwis ang joint tenancy?

Mayroon. Kapag pumanaw ang isang joint tenant, isasama ang property sa kanyang estate na napapatawan ng buwis. Makipag-usap sa isang abugado bago ilagay sa joint tenancy ang isang ari-arian o bago tapusin ang isang joint tenancy.

Paano ako gagawa ng joint tenancy?

Dapat ay mayroon kang nakasulat na dokumento, gaya ng deed sa real property o titulo sa isag sasakyan, na nagsasabing nasa joint tenancy ang ari-arian at may mga pangalan ng mga joint tenant.

Anong mga uri ng ari-arian ang inilalagay ng mga tao sa joint tenancy?

Ang mga pinakakaraniwang asset na joint na pag-aari ay real property (lupain o mga gusali), mga bank account, stock at bond, at automobile.

Paano ko mapapalitan ang titulo sa real property pagpanaw ng isang tenant?

Hindi mo kailangang pumunta sa hukuman. Pero, kailangan mo ng:

  • Sertipikadong kopya ng sertipiko ng kamatayan ng pumanaw na joint tenant
  • Affidavit na nilagdaan ng "sinumang may kaalaman sa mga detalye"

Puwede mong baguhin ang tile gamit ang form na tinatawag na “Affidavit ng Kamatayan ng Joint Tenant.” [Tingnan ang Halimbawang Affidavit sa ibaba.]

Posibleng may mga kahihinatnan sa buwis. Kaya makipag-usap sa isang abugado bago mo itala ang Affidavit.

Paano ako maghahanda ng Affidavit?

Puwede mong gamitin ang Halimbawang Form na ito. Hindi ito opisyal na form, pero magagamit mo ito sa karamihan ng mga kaso. 

(Halimbawang Form)

AFFIDAVIT NG KAMATAYAN NG JOINT TENANT
ESTADO NG CALIFORNIA
COUNTY NG ALAMEDA

Ako, si [pangalan ng affiant], ay nanunumpang:

Ako ay may edad na 18 taon pataas. Ang decedent na inilalarawan sa nakalakip na sertipikadong kopya ng Sertipiko ng Kamatayan ay [pangalan ng taong pumanaw rito] rin, na pinangalanan bilang isa sa mga panig sa deed na may petsang [petsa], na ipinatupad ni [pangalan ng grantor] kay [pangalan ng decedent] at [pangalan ng naiwang joint tenant], bilang mga joint tenant, na itinala noong [petsa], sa [hal., Aklat __, pahina __] ng Mga Opisyal na Talaan ng County ng Alameda, California, na sumasaklaw sa ari-ariang nasa [lungsod], County ng Alameda, California, na inilalarawan sa sumusunod na paraan:

[Magbigay ng legal na paglalarawan]

Petsa: _________[Lagda]____

____[Naka-type na pangalan]______

Affiant

Nag-subscribe at sinumpaan sa harap ko noong [petsa]

___[Lagda]___

___[Naka-type na pangalan]__ [Selyo] Notary Public para sa Estado ng California

Para magbasa pa tungkol sa batas sa paksang ito, tingnan ang Seksyon 210-212 ng Kodigo sa Probate.

Paano ako magtatala ng Affidavit?

Magdala ng sertipikadong kopya ng sertipiko ng kamatayan ng pumanaw na joint tenant at dalhin ang iyong affidavit sa tanggapan ng tagapagtala sa county kung nasaan ang real property. Paano ko papamahalaan ang mga bank account na nasa joint tenancy?
Kadalasan, puwede mong alisin ang pangalan ng pumanaw na tao sa mga account sa pamamagitan ng pagdadala ng mga dokumentong ito sa bangko:

  • Sertipikadong kopya ng sertipiko ng kamatayan ng pumanaw na joint tenant, at
  • Tseke para sa balance ng checking account, o
  • Passbook ng savings account.
Paano ko papangasiwaan ang mga sasakyang nasa joint tenancy?

Tutulungan ka ng National Automobile Club of California at California State Automobile Association (AA) na kunin ang sertipiko ng pagmamay-ari at ipaisyu ulit ang card ng pagpaparehistro.

Dalhin ang mga dokumentong nakalista sa ibaba sa opisina ng club na pinakamalapit sa iyo. Makikita mo ang address sa iyong phone book. Bibigyan ka nila ng sertipiko ng pansamantalang pagmamay-ari at ipapadala nila ang iyong mga dokumento sa Departamento ng Mga Sasakyang De Motor (Department of Motor Vehicles, DMV) para sa muling pag-isyu.

  • Sertipiko ng pagmamay-ari na nilagdaan ng naiwang may-ari,
  • Card ng pagpaparehistro,
  • Sertipiko ng pagsunod sa batas sa pagkontrol ng polusyong dulot ng smog (kung ang pumanaw na joint tenant ay hindi ang lolo o lola, magulang, kapatid, anak, apo, o asawa ng naiwang joint tenant.) Tingnan ang Seksyon 4000 ng Kodigo sa Sasakyan.1(d) (2), at
  • Sertipikadong kopya ng sertipiko ng kamatayan para sa pumanaw na joint tenant.
Paano ko papangasiwaan ang mga security na nasa joint tenancy? Dalhin o ipadala sa pamamagitan ng koreo ang mga sumusunod na dokumento sa ahente sa paglilipat sa institusyon ng pananalapi:
  • Sertipikadong kopya ng sertipiko ng kamatayan ng pumanaw na joint tenant, at
  • Orihinal na sertipiko ng stock (kung may ganito ang pumanaw na joint tenant).

 Posibleng may mga kahihinatnan sa buwis. Kaya makipag-usap muna sa isang abugado.

Kung hindi hihigit sa $20,000 ang real property at personal na ari-arian ng pumanaw na indibidwal, puwedeng hilingin ng asawa o mga menor de edad na anak sa hukuman na "isantabi" ang estate. Mas madali ito kaysa sa ganap na paglilitis para sa probate.

Kung gusto mong isantabi ng hukuman ang estate, puwede kang mag-file ng Petisyon na humihiling ng kautusan na isantabi ang estate ng decedent na nakasaad sa Seksyon 6602 ng Kodigo sa Probate.

Kailangan ko bang isama ang lahat ng ari-arian para makalkula ang halaga ng estate?

Hindi mo kailangang isama ang ari-ariang nasa joint tenancy, account na may maraming panig, o account na babayaran sa pagkamatay. Pero dapat mong isama ang bahagi ng decedent sa anumang ari-arian ng komunidad.

Sino ang dapat magbayad sa mga utang ng decedent?

Kung isasantabi ng Hukuman ang estate, kailangang bayaran ng naiwang asawa o mga anak ang mga hindi pa nase-secure na utang ng decedent hanggang sa halaga ng estate, na kakaltasan ng mga lien at homestead o iba pang exempted na ari-arian.

Kung kukunin mo ang estate, magiging responsable ka para sa mga utang ng decedent sa loob ng isang taon, maliban na lang kung magfa-file ang creditor ng pagkilos sa hukuman sa taong iyon.

Posibleng may mga kahihinatnan sa buwis. Kaya makipag-usap muna sa isang abugado.

Para magbasa pa tungkol sa batas sa paksang ito, tingnan ang Seksyon 6600 ng Kodigo sa Probate.

Puwede mong kolektahin ang personal na ari-arian ng decedent at ipamahagi ito sa mga tagapagmana (o sa mga benepisyaryong pinangalanan sa Habilin) sa pamamagitan ng deklarasyon. Tinatawag ang paraang ito na Seksyon 13100 Procedure.
May ilang partikular na panuntunan ang procedure na ito:

  • Hindi mo ito puwedeng gamitin para mamahagi ng real property (lupain o mga gusali)
  • Magagamit mo ito para sa ari-ariang awtomatikong maipapasa sa isang asawa
  • Dapat kang maghintay ng 40 araw pagkatapos pumanaw ng decedent bago mo kolektahin o ipamahagi ang mga asset ng decedent
  • Dapat kang magbigay ng nakasulat na deklarasyon sa tao o ahensya na may hawak sa ari-arian o na nangangasiwa sa paglipat ng ari-arian

Para magbasa pa tungkol sa batas sa paksang ito, tingnan ang Seksyon 13100 ng Kodigo sa Probate.

Paano kung pumanaw ang indibidwal nang walang Habilin?

Kung papanaw ang decedent nang walang Habilin, ang mga tao lang na may karapatang kolektahin ang kanyang property ay ang:

  • mga tagapagmana,
  • conservator o tagapangalaga ng estate ng sinumang tagapagmana,
  • katiwala ng trust na ginawa ng decedent (inter vivos trust) para sa kapakinabangan ng isang tagapagmana, o
  • iba pang successor na pinapayagan sa ilalim ng bataas.

Kung papanaw ang decedent nang may Habilin, mga benepisyaryo lang na nasa ilalim ng Habilin ang may karapatang mangolekta.

 

Para ilipat ang real property, gamitin ang Form DE-305 ng Konseho ng Hukuman ng California, Affidavit Tungkol sa: Real Property na May Maliit na Halaga (Hindi Hihigit sa $20,000). Kapag napunan mo na ito, lagdaan ito sa harap ng isang notaryo. Hihingan ka ng form ng imbentaryo at appraisal at paglalarawan ng real property.

May ilang partikular na panuntunan para sa procedure na ito:
  • Hindi ito para sa joint tenancy. (Tingnan ang joint tenancy sa itaas.)
  • Magagamit ito ng sinumang tagapagmana o benepisyaryo.
  • Hindi mahalaga ang halaga ng personal na ari-arian ng decedent.
  • Dapat mong i-file ang iyong form sa Clerk ng Superior Court. Kakailanganin mong magbayad. (Tingnan ang bayaring nakalista para sa "Pag-file ng affidavit sa ilalim ng Kodigo sa Probate 13200" sa Iskedyul ng Bayarin sa Probate).
  • Kung may tagapangalaga o conservator ang decedent noong pumanaw siya, dapat kang magpadala sa kanya ng kopya ng nasagutan nang form.
  • Dapat ay walang kasalukuyan o nakaraang paglilitis para sa probate.

O, kung may nakabinbing paglilitis para sa probate:

  • Papahintulutan ng personal na kinatawan, sa pamamagitan ng pagsulat, ang procedure na ito.
  • Hindi bababa sa 6 na buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang decedent.
  • Nabayaran na ang lahat ng hindi naka-secure na utang ng decedent.

Kung kailangan mo ng marketable na titulo (titulong walang anumang depekto o makatuwirang alinlangan sa kung sino ang may titulo) sa ari-arian, magdala ng sertipikadong kopya ng iyong naka-file na form sa Tagapagtala ng County ng county kung nasaan ang real property.

Para magbasa pa tungkol sa batas sa paksang ito, tingnan ang Seksyon 13100 ng Kodigo sa Probate

Oo. Kung isa kang tagapagmana o benepisyaryo, puwede mong hilingin sa Hukuman na iatas na i-clear ang titulo. Puwede mo itong gawin para maglipat ng:

  • real property lang, o
  • real property at personal na ari-arian

Hindi mo ito puwedeng gawin para sa personal na ari-arian lang. Para personal na ari-arian lang ang ilipat, gamitin ang procedure ng Affidavit o deklarasyon.

Hindi mo kailangang isama ang ari-arian na nasa labas ng California, nasa joint tenancy, nasa revocable na living trust, nasa mga account na babayaran sa pagkamatay, ipapasa sa naiwang asawa sa ilalim ng Petisyon sa Ari-arian ng Asawa, o iba pang ari-arian gaya ng ipinapaliwanag sa Seksyon 13151 ng Kodigo sa Probate.

May ilang partikular na panuntunan:

  • Dapat kang samahan ng lahat ng tagapagmana o benepisyaryo sa ari-arian ng decedent sa kahilingan mo sa hukuman (sa pamamagitan ng paglagda sa petisyon).
  • Dapat ay walang kasalukuyan o nakaraang paglilitis para sa probate.

 O, kung may nakabinbing paglilitis para sa probate:

  • Dapat pahintulutan ng personal na kinatawan ang procedure na ito sa pamamagitan ng pagsulat.
  • Hindi dapat bababa sa 6 na buwan ang lumipas mula nang pumanaw ang decedent.
  • Nabayaran na dapat ang lahat ng hindi naka-secure na utang ng decedent.

Punan ang form DE-310, Petisyon para Matukoy ang Succession sa Real Property. Puwede mo ring gamitin ang form na ito para sa pag-clear ng titulo sa personal na ari-arian at real property.

Punan ang form kasama ng Clerk ng Hukuman. Magtatalaga ang Clerk ng petsa ng pagdinig. Dapat mong ipa-serve ang abiso ng pagdinig sa taong nakalista sa parirala 14 ng DE-310. Isang taong edad 18 taon pataas at walang kaugnayan sa kasong ito ang dapat mag-serve sa abiso. Gamitin ang form DE-120 para patunayang naibigay na ang abiso. I-file ang nakumpleto nang form na ito kasama ng iba pang dokumentong kinakailangan sa DE-310.

Dapat mo ring sagutan ang DE-315, Kautusang Tumutukoy ng Succession sa Real Property (Mga Estate na Hindi Hihigit sa $150,000), at ibigay ito sa tanggapan ng clerk hindi bababa sa 5 araw bago ang pagdinig.

Kung aaprubahan ng Hukuman ang Petisyon, lalagdaan ng hukom ang Kautusan, ipapa-file ito sa clerk, at ibabalik sa iyo ang iyong mga conformed na kopya.

Kung kailangan mo ng marketable na titulo (titulong walang anumang depekto o makatuwirang alinlangan sa kung sino ang may titulo) sa real property na inilipat sa iyo ng May-ari, magdala ng sertipikadong kopya ng iyong naka-file na Kautusan sa Tagapagtala ng County ng county kung nasaan ang real property.

Kung tatanggap ka ng ari-arian sa ilalim ng procedure na ito, magiging responsibilidad mong bayaran ang mga utang ng decedent, hanggang sa fair market value ng ari-ariang natanggap mo na kinalkula sa panahon ng kamatayan.

 

Ang petisyon sa Ari-arian ng Asawa ay isang paraan para maglipat o magkumpirma ng ari-arian sa isang naiwang asawa  o nakarehistrong domestic partner nang walang ganap na paglilitis para sa probate. Kadalasan ay puwede itong gawin nang may iisang pagdinig lang sa hukuman. Kung hindi kumpleto ang estate ng decedent, puwedeng ma-settle ng petisyon ang mga tanong tungkol sa titulo o pagmamay-ari ng ari-arian.

Sino ang puwedeng mag-file ng petisyon sa Ari-arian ng Asawa?
  • Naiwang asawa, o
  • Kinatawan ng estate ng naiwang asawa o nakarehistrong domestic partner (kung pumanaw na rin ang naiwang asawa), o
  • Conservator ng estate ng naiwang asawa o nakarehistrong domestic partner, o
  • Nakarehistrong domestic partner.
Paano ako magfa-file ng petisyon sa Ari-arian ng Asawa?
  • Punan at i-file ang form DE-221 na nagpapaliwanag kung bakit ang ari-arian ay pag-aari ng, o dapat legal na ipasa sa, naiwang asawa o nakarehistrong domestic partner at naglalarawan sa ari-arian.
  • Maglakip ng kopya ng Habilin ng decedent (kung may Habilin).
  • Maglakip ng kopya ng kasunduan (kung ang paglalarawan ng ari-arian bilang ari-arian ng komunidad ay batay sa nakasulat na kasunduan sa pagitan ng decedent at naiwang asawa).

 

Magkakaroon ba ng Pagdinig sa Hukuman?

Mayroon. Kapag na-file mo ang iyong mga form, sasabihin sa iyo ng clerk ang petsa ng pagdinig. Sa pagdinig, pagpapasyahan ng hukom kung ibibigay o tatanggihan ang iyong petisyon.

Mayroon ba akong kailangang gawin bago ang pagdinig?

Mayroon. Hindi bababa sa 15 araw bago ang pagdinig, dapat kang magpa-serve (magpabigay) sa mga sumusunod na tao ng Abiso ng Pagdinig (sa pamamagitan ng koreo o nang personal)):

  • Executor o tagapangasiwa ng estate (kung nagsimula ng probate ng estate sa hukuman).
  • Lahat ng benepisyaryo at benepisyaryo ng pumanaw na asaw.
  • Lahat ng taong may interes sa estate at humiling ng Espesyal na Abiso (Seksyon 1250 ng Kodigo sa Probate).
  • Attorney General ng California (kung batay ang Petisyon sa Habilin ng pumanaw na asawa at kung nauugnay ang Habilin sa isang charitable na bequest o devise kapag walang tinukoy na katiwalang residente sa California o walang tinukoy na legatee, devisee, o benepisyaryo).
Kailangan ko ba ng Kautusan para sa Petisyon sa Ari-arian ng Asawa?

Mayroon. Dapat mong punan ang DE-226, Kautusan sa Ari-arian ng Asawa at ibigay ito sa tanggapan ng clerk hindi bababa sa 5 araw bago ang pagdinig. Maglakip ng tala sa form na ito na may petsa ng iyong pagdinig.

Kung aaprubahan ng Hukuman ang Petisyon, lalagdaan ng hukom ang Kautusan, ipapa-file ito sa clerk, at ibabalik sa iyo ang iyong mga conformed na kopya.

Makipag-usap sa isang abugado para malaman kung kailangan mong bayaran ang mga utang ng decedent.

Proceeds sa life insurance

Hanapin ang lahat ng polisiya sa life insurance ng decedent, kung mayroon. Posibleng makuha mo ang mga ito sa:

  • Kumpanya o mga kumpanya ng insurance
  • Mga kumpanya ng credit card (gaya ng insurance para sa utang sa credit card)
  • Fraternal organization o mga membership sa club
  • Employer (Panggrupong life insurance)
  • Militar

Pagkatapos ay:

  • Alamin kung sino ang mga benepisyaryo ng polisiya.
  • Makipag-ugnayan sa ahente o broker sa insurance ng decedent.
  • Ipaalam sa kumpanya ng insurance ang pangalan, petsa ng kapanganakan, numero ng polisiya, at mga benepisyaryo ng decedent.
  • Magpadala sa kumpanya ng insurance ng sertipikadong kopya ng sertipiko ng kamatayan ng decedent kasama ang form ng claim.
  • Humingi sa kumpanya ng insurance ng patunay ng form ng claim.
Mga benepisyo sa pagreretiro

Alamin ang halaga ng benepisyo, mga kwalipikadong benepisyaryo, at opsyon sa payout.

Magpadala sa kumpanya ng sertipikadong kopya ng sertipiko ng kamatayan ng decedent kasama ang form ng claim.

Makipag-usap sa isang consultant sa buwis para malaman ang iyong mga opsyon at implikasyon sa buwis.

Ang ilang kumpanya ay may mga Departamento ng Human Resources na tumutulong sa mga empleyado at pamilyang maunawaan ang mga benepisyo sa pagreretiro/empleyado.

Posibleng atasan ka ng ibang kumpanya na kumonsulta sa isang katiwalang bangko o institusyon, kumpanya ng life insurance, o tagapangasiwa ng komersyonal na pension.

Was this helpful?

This question is for testing whether or not you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.