Skip to main content
Skip to main content.

Mga Trust

Paglipat ng Ari-arian sa Pagkamatay at Kung Paano Magplano para sa Iyong Pagtanda

Impormasyon at Mga Madalas Itanong

Sa seksyong ito, makakakita ka ng impormasyon at mga sagot sa mga sumusunod na tanong: 

Ang isang trust ay kapag ang isang tao (trustee) ay may titulo sa isang ari-arian para sa benepisyo ng ibang tao (ang benepisyaryo).

Isang taong tinatawag na settlor (o trustor) ang gumagawa ng trust at naglalagay sa ari-arian sa trust.

Ang settlor, trustee, at benepisyaryo ay puwedeng magkakaibang tao. Pero, puwedeng isang tao lang ang maging settlor, trustee, at benepisyaryo.

Halimbawa, isang tao ang puwedeng gumawa ng trust at ilagay ang ari-arian dito, gawing trustee ang kanyang sarili, at gamitin ang ari-arian sa kanyang sariling benepisyo. Sa ganitong kaso, siya ang magiging settlor, trustee, at benepisyaryo nang sabay-sabay.

Ang trustee ay ang tao (o ang mga taong) may legal na titulo sa ari-ariang nasa trust. Tungkulin ng trustee na pamahalaan ang ari-arian sa trust para sa benepisyo ng mga benepisyaryo sa paraang hiniling ng settlor.

Nasa trustee ang lahat ng kapangyarihang nakalista sa dokumento ng trust, maliban na lang kung sasalungat ito sa batas ng California o maliban na lang kung hindi ganito ang sinasabi ng isang kautusan ng hukuman. Puwedeng kolektahin, ipreserba, at protektahan ng trustee ang mga asset ng trust.

Para gawin ito, magagawa ng trustee na:
  • gumawa ng mga makatuwirang pagkukumpuni,
  • i-insure ang ari-arian,
  • ibenta ang mga asset,
  • gumawa ng mga maingat na investment,
  • magbayad ng mga administratibong bill at gastos, at
  • gumawa ng mga pamamahagi at pagbabayad sa mga benepisyaryo ayon sa dokumento ng trust.

Para magbasa pa tungkol sa batas sa mga kapangyarihan ng isang Trustee, basahin ang Kodigo ng Probate, Seksyon 16200 - 16203 at 16220 - 16249.

 

Ayon sa batas, ito dapat ang gawin ng trustee:

  • Gawin ang nakasaad sa dokumento ng trust hangga't legal ito;
  • Gawin lang ang mga bagay na nagbebenepisyo sa mga benepisyaryo;
  • Hindi paburan ang isang benepisyaryo kumpara sa isa pang benepisyaryo;
  • Iwasan ang mga salungatan ng interes sa mga benepisyaryo
  • Hindi kailanman gamitin ang ari-arian ng trust o mga kapangyarihan ng trustee para sa personal na benepisyo, maliban na lang papahintulutan ito ng trust;
  • Panatilihing hiwalay ang ari-arian ng trust sa ari-ariang pagmamay-ari ng ibang tao;
  • Hindi italaga sa iba ang anumang bagay na makatuwiran niyang magagawa sa kanyang sarili. Kung magtatalaga ang trustee ng ilang tungkulin, dapat niyang pangasiwaan ang ginagawa ng itinalaga niyang tao;
  • Pangasiwaan at i-invest ang mga asset ng trust nang may pag-iingat at kasanayan para maprotektahan ang trust;
  • Pag-iba-ibahin ang mga investment maliban na lang kung hindi magandang ideya na gawin ito;
  • Magpanatili ng mga detalyadong talaan at magbigay ng mga pana-panahong ulat sa mga benepisyaryo, ayon sa ipinag-aatas ng batas ng California. Tingnan ang Kodigo ng Probate Seksyon 16060 - 16064 at Seksyon 1060 -1064);
  • Ipamahagi ang kita, ayon sa ipinag-aatas ng Kodigo ng Probate Seksyon 16320 -16375.

Kapag namatay ang settlor, may iba pang tungkulin ang trustee:

Abiso sa mga benepisyaryo at mga heir: Kung hindi mababawi ang trust kapag namatay ang settlor, may 60 araw ang trustee pagkatapos maging trustee o 60 araw pagkatapos ng pagkamatay ng settlor, anuman ang mahuli, para magbigay ng nakasulat na abiso sa lahat ng benepisyaryo ng trust at sa bawat heir ng decedent. Dapat isaad ng abiso ang impormasyong ito:

  • Pangalan ng settlor at ang petsa kung kailan nilagdaan ang trust;
  • Pangalan, address, at numero ng telepono ng bawat trustee ng trust;
  • Address kung saan gagawin ang pangangasiwa ng trust;
  • Anumang impormasyong hinihiling ng dokumento ng trust;
  • Puwedeng huminig ang mga benepisyaryo ng kumpletong kopya ng trust; at
  • May takdang petsa ang mga benepisyaryo na 120 araw pagkatapos matanggap ang abiso, para magsimula ng legal na pagkilos para tutulan ang trust, o 60 araw pagkatapos ipadala o i-serve ang kopya ng trust mula sa pagtanggap, anumang ang mahuhuli.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Kodigo ng Probate ng California Seksyon 16061.7.

Abiso sa tanggapan ng Assessor: Kung may kasamang real estate sa California ang ari-arian ng trust, dapat magbigay ang trustee ng nakasulat na abiso sa Tanggapan ng Assessor ng county kung saan ang bawat bahagi ng real estate.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Kodigo ng Kita at Pagbubuwis ng California Seksyon 480(b).

Imbentaryo at appraisal: Kung walang tagapagpatupad na itinalaga ang hukuman para sa estate ng namatay na settlor, sa karamihan ng kaso, dapat gumawa ang trustee ng imbentaryo at appraisal ng lahat ng asset ng settlor mula sa petsa ng pagkamatay (nasa trust man o wala ang mga asset). Ginagawa ito ng trustee para malaman kung kailangang mag-file ng mga pederal at pang-estadong tax return ng estate. Kung kailangan, mag-a-apply ang trustee sa Internal Revenue Service para sa mga bagong tax ID number para sa mga trust at tiyaking mafa-file ang mga return at anumang buwis na dapat bayaran sa loob ng 9 na buwan mula sa pagkamatay ng settlor.

Kung ang settlor ay tumatayong trustee ng kanyang sariling, lalagda rin ang bagong trustee (tinatawag na “successor trustee”) ng Pagtanggap ng Trusteeship.

Sundin ang mga tagubilin ng trust: Dapat ding gawin ng trustee ang anumang isasaad ng trust. Madalas, isasaad ng trust na pangangasiwaan ng successor trustee ang pagbabayad sa mga gastos sa pagpapalibing ng settlor, mga utang ng settlor (tulad ng mga kamakailang medikal na gastos at bill sa credit card), at pagkatapos ay ipamahagi ang natitira sa mga benepisyaryo ng trust. 

Kung minsan, may karapatan ang mga benepisyaryo na makuha ang karamihan o lahat ng kanilang mana sa pamamagitan ng trust, sa loob ng mga araw o linggo mula sa pagkamatay ng settlor. Sa ilang kaso, puwedeng ibinbin ng trustee ang pamamahagi ng ari-arian sa:

  • Pagbebenta ng ari-arian para mabayaran ang mga pinal na bill o buwis ng settlor,
  • Kalkulahin ang pamamahaging ipinag-aatas ng trust, o
  • Tukuyin kung may iba pang utang o buwis sa isang petsa sa hinaharap.

Sa ilang trust, sinasabi na hindi puwedeng ipamahagi ng trustee ang mga asset sa loob ng partikular na dami ng taon, o hanggang sa pagkamatay ng ibang tao. Sa mga kasong ito, responsable ang trustee para sa pag-invest sa mga asset ng trust, tulad ng paggawa ng mga pana-panahong pamamahagi sa mga benepisyaryo, hanggang sa maipamahagi sa mga benepisyaryo ang lahat ng asset ng trust. 

Ang isang benepisyaryo ng isang trust ay isang tao na ayon sa mga tuntunin ng trust ay may kasakukuyan o panghinaharap na karapatang tumanggap ng kabayaran mula sa trustee o iba pang ari-arian ng trust. Siya ay isa sa mga tao kung kanino itinalaga ang trust.

Maliban na lang kung puwedeng bawiin ng ibang tao ang trust (tulad ng nababawing living trust habang buhay pa ang settlor), nasa benepisyaryo ang mga sumusunod na karapatan, bukod pa sa anumang karapatang nakalista sa:

  • Karapatang tumanggap ng abiso ng pag-iral ng trust.
  • Karapatang makatanggap ng kopya ng trust.
  • Karapatang makatanggap ng mga pag-account at impormasyon ng trust tungkol sa mga interes sa trust ng benepisyaryo.
  • Ang karapatan para ipatupad ang mga tuntunin ng trust at papanagutin ang trustee para sa anumang maling pagkilos o hindi pagkilos na nakakaapekto sa mga interes ng benepisyaryo.

Maliban na lang legal itong nabawi, karaniwang natatapos lang ang isang trust kung kailan ito matatapos ayon sa dokumento ng trust. Karaniwang natatapos ang mga trust kapag namatay ang settlor o kapag namatay ang isa sa mga benepisyaryo. Pero, kung minsan ay natatapos ang isang trust pagkatapos ng isang partikular na panahon o pagkatapos mangyari ng isang partikular na pangyayari, tulad ng kapag nag-asawa ang isang benepisyaryo o naabot niya ang isang partikular na edad. Pero may iba pang dahilan para matapos ang isang trust. Narito ang ilan:

  • Nag-expire ang termino ng trust,
  • Natupad na ang layunin ng trust,
  • Naging ilegal ang layunin ng trust,
  • Imposible nang matupad ang layunin ng trust, o
  • Binawi ang trust.

Kung matatapos ang trust, patuloy na kikilos ang trustee bilang trustee hanggang sa matapos niya ang mga usapin sa trust.

Maliban na lang kung ginawa ng settlor na hindi mababawi ang trust noong ginawa niya ang trust, puwedeng kanselahin o baguhin ng settlor ang trust. Kahit hindi mababawi ang isang trust, posibleng mabago ito sa isa sa mga sumusunod na sitwasyon:

Ayon sa batas, kung papayag ang lahat ng benepisyaryo, puwede nilang ipetisyon ang Hukuman para baguhin o tapusin ang trust.

Isasaalang-alang ng Hukuman ang sumusunod:

  • kung dapat bang magpatuloy ng trust para ipagpatuloy ang layunin ng trust
  • kung ang dahilan para sa pagbabago o pagtatapos ng trust ay mas mahalaga sa interes ng pagpapatuloy ng layunin ng trust
Kung papayag settlor at lahat ng benepisyaryo

Ayon sa batas, kung papayag ang settlor at lahat ng benepisyaryo, puwede nilang baguhin o tapusin ang trust.

Kung hindi papayag ang sinumang benepisyaryo sa pagbabago o pagtatapos ng trust,

puwedeng magpetisyon sa Hukuman ang ibang benepisyaryo, nang may pahintulot ng settlor, para parsyal na baguhin o tapusin ang trust, hangga't hindi matinding maaapektuhan ang interes ng mga benepisyaryong hindi pumayag.

Kung ang trust ay may uneconomical na mababang prinsipal

Kung magpapasya ang Hukuman na mas mahal na pangasiwaan ang trust kumpara sa halaga nito, puwedeng hilingin ng benepisyaryo o trustee sa Hukuman na tapusin o baguhin angtrust, o magtalaga ng bagong trustee.

Kung ang prinsipal ay $20,000 o mas mababa, puwedeng tapusin ng trustee ang trust.

Baguhin o tapusin ang trust kung magbabago ang sitwasyon

Ayon sa batas, puwedeng baguhin ng Hukuman ang isang trust kung nagbago na ang sitwasyon at matatalo o hihina ang trust kung ipagpapatuloy ito.

 

Dapat panatilihin ng trustee na may nalalaman ang mga benepisyaryo tungkol sa trust at sa pangangasiwa nito. Kung gagawa ka ng makatuwirang kahilingan para sa impormasyon, dapat kang bigyan ng trustee ng ulat tungkol sa mga asset, pananagutan, resibo, at mga disbursement ng trust, kung ano ang ginawa ng trustee, perang ibinayad sa trustee, sinumang ahenteng kinuha ng trustee, ang kanilang ugnayan sa trustee at ang anumang natanggap na pera, at impormasyon tungkol sa iyong interes, kasama ang isang kopya ng trust.

Kung gusto mong i-waive (isuko) ang iyong karapatan sa impormasyon, puwede mong bawiian ang iyong waiver sa pamamagitan ng pagsulat at makuha ang pinakakamakailang ulat at lahat ng ulat sa hinaharap. Kung lumipas na ang 60 araw o higit pa mula sa iyong nakasulat na kahilingan para sa isang ulat, o 6 na buwan mula sa iyong unang oral na kahilingan, at hindi ka pa nabigyan ng ulat ng trustee, puwede kang mag-file ng petisyon para hilingin sa Hukuman na utusan ang trustee na mag-file ng ulat. Kahit nakasaad sa trust mismo na hindi ka kinakailangang bigyan ng kopya ng trustee, puwedeng utusan ng Hukuman ang trustee na bigyan ka ng ulat kung maipapakita mong posibleng nalabag ng trustee ang kanyang mga tungkulin.

Kung hindi na mababawi ang trust, o kung na-waive mo sa pamamagitan ng pagsulat ang iyong karapatan para sa isang ulat, o iisang tao ang trustee at benepisyaryo, hindi na kailangang magbigay ng impormasyon ng trustee maliban na lang kung nakasaad sa dokumento ng trust na dapat niyang gawin ito.

Puwedeng alisin ng Hukuman ang isang trustee at pagbayarin ang trustee sa mga benepisyaryo para sa anumang pagkalugi sa trust. Kung minsan, aalisin ng Hukuman ang trustee o sususpindihin nito ang mga kapangyarihan ng trustee habang nakabinbin ang kaso, kung may dahilan para maniwalang nasa panganib ang mga interes ng mga benepisyaryo.

Sa ilang dokumento ng trust, magkakaroon lang ng pananagutan ang trustee para sa sinasadyang maling pagkilos o ganap na pagpapabaya. Pero, mas mahigpit ang batas ng California, at puwedeng alisin ng Hukuman ang isang trustee para sa alinman sa mga sumusunod na dahilan:

  • Paglabag sa trust;
  • Mas malaki ang mga utang ng trustee kumpara sa mga asset o kung hindi naman ay hindi siya nararapat na kumilos bilang isang trustee;
  • Hindi mapatupad ang trust dahil sa kaguluhan o kawalan ng kooperasyon sa pagitan ng mga co-trustee;
  • Ayaw maging trustee ng trustee;
  • Labis ang bayad ng trustee;
  • Ayon sa batas, dapat idiskwalipika ang ilang tao sa pagtayo bilang sole trustee.

May 3 taon ang benepisyaryo mula sa petsa ng pagtanggap sa ulat ng trustee na hilingin sa Hukuman na alisin ang trustee. 

Oo. Kung gustong mag-resign ng isang trustee, puwede niyang gawin:

  • Gaya ng inilarawan sa dokumento ng trust;
  • Kung hindi babawi ang trust, sa pamamagitan ng paghiling na pumayag ang taong may kapangyarihang bawiin ang trust;
  • Kung hindi mababawi ang trust, sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga adult na benepisyaryo; o kaya
  • Sa pamamagitan ng pagkuha ng kautusan ng Hukuman pagkatapos mag-file ng petisyong humihiling sa Hukuman para sa pahintulot sa pag-resign.

Maliban na lang kung sasabihin ng mga benepisyaryo na ayaw nila nito, dapat mag-file ang trustee ng pag-account ng lahat ng transaksyon ng trust habang tumatayo siyang trustee.

Kung mamamatay o magre-resign ang isang trustee, na-conserve o nadeklarang “incompetent” ng hukuman, o magfa-file sila para sa bankruptcy, hindi na puwedeng tumayo ang trustee bilang trustee at dapat siyang mapalitan.

Ang ilang trust ay may 2 o higit pang co-trustee at puwedeng isaad ng trust na ang natitirang co-trustee ay magiging sole trustee, o puwede nitong sabihin kung paano magtatalaga ng bagong trustee.

Kung hindi mapupunan ang vacancy, puwedeng sumang-ayon ang isang kumpanya ng trust na magsilbing trustee, kung sasang-ayon ang lahat ng nasa hustong gulang na benepisyaryo. Kung hindi ito magagawa, ang sinumang taong may pinansyal na kakayahan sa trust o sinumang taong pinangalanan bilang trustee ay puwedeng mag-file ng petisyon para magtalaga ng trustee.
Ang sinumang benepisyaryo na 14 na taong gulang pataas ay puwedeng mag-nominate ng trustee, kahit ang isang menor de edad na wala pang 18 taong gulang ay hindi kwalipikadong tumayo bilang trustee.

Ang tagapag-alaga ng publiko ay hindi puwedeng italaga bilang trustee ng anumang trust maliban kung mapagpapasyahan ng Hukuman na walang sinumang kwalipikadong tao ang handang tumayo bilang trustee.

Kung mayroon kang legal na access sa mga file at papeles ng isang tao, tingnan ang mga ito para malaman kung may anumang dokumento ng trust, o anumang sanggunian sa isang trust. Maghanap ng mga kopya ng mga deed, bank o securities account statement na nagpapangalan sa isang trust bilang may-ari, o isang Habilin na tumutukoy sa isang trust. Maghanap din ng mga papeles na nagpapangalan sa isang abugado, at tawagan ang abugado para malaman kung may talaan siya para sa anumang trust.

Puwede mo ring bisitahin ang Tanggapan ng Tagatala ng County o puwede ka ring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Assessor ng County para makita ang titulo sa real estate na pagmamay-ari ng taong iyon, para malaman kung pagmamay-ari ito sa ilalim ng pangalan ng isang trust. Mag-click dito para sa website ng Tanggapan ng Assessor: www.acgov.org/assessor/index.htm.

Para malaman kung ang bahay ng isang tao o ang iba pang real property ay nasa isang trust, pumunta sa tanggapan ng Tagatala ng County o makipag-ugnayan sa Public Service Unit ng Tanggapan ng Assessor ng County sa (510) 272-3787.

Hindi madaling tuntunin ang pagmamay-ari ng mga bank account, brokerage account, at personal na ari-arian. Ang may-ari lang ang may karapatang kumuha ng mga kopya ng mga statement mula sa isang bangko o iba pang institusyon.

Kung inilista ng isang settlor ang isang ari-arian sa iskedyul noong ginawa niya ang trust (nagpapakita ng kanyang layunin na ilagay ang ari-arian sa trust), pero namatay siya nang hindi nababago ang titulo sa ari-arian, puwedeng ipetisyon ng trustee ang Hukuman para isama ang ari-arian bilang bahagi ng trust.

Para sa higit pang impormasyon, basahin ang Kodigo ng Probate Seksyon 17200

Oo. Pero, basahin muna nang maigi ang trust at makipag-usap sa isang may karanasang abugado tungkol sa mga trust. Kung hahamunin mo ang isang trust at kung matatalo ka, puwedeng mawala sa iyo ang karapatang matanggap ang ari-arian mula sa trust na iyon.

Narito ang mga karaniwang dahilan para hamunin ang isang trust:
  • Naniniwala kang ginipit ang settlor sa paggawa o paglagda ng trust.
  • Naniniwala kang hindi mabuti ang kalagayan ng settlor noong nilagdaan niya ang trust.
  • Makikinabang sa trust ang tao (maliban sa settler) na tumulong sa pag-set up ng trust.

Kung isinasaad sa dokumento ng trust na ang bahagi ng isang benepisyaryo sa kita o prinsipal ng trust ay hindi puwedeng ilipat (isang spendthrift na probisyon), hindi mo puwedeng kolektahin ang perang utang sa iyo hanggang sa aktuwal na mabayaran sa benepisyaryo ang kita o prinsipal. Pero, puwede kang magpetisyon sa Hukuman na utusan ang trustee na bayaran ka mula sa mga assest ng trust na dapat bayaran na benepisyaryo.

Tingnan ang Kodigo ng Probate Seksyon 15300, et seq.

Kung may utang na pera sa iyo ang settlor at may kapangyarihan ang settlor na bawiin ang sa kabuuan o bahagi nito, puwede kang mag-claim laban sa ari-arian habang buhay pa ang settlor.

Sa ilang kaso, puwede kang gumawa ng claim laban sa settlor para sa maximum na halagang available sa settlor sa ilalim ng mga tuntunin ng trust, hanggang sa lahat ng ari-ariang ibinigay ng settlor sa trust.

Tingnan ang Kodigo ng Probate Seksyon 18200.

Kung ang namatay na settlor ng isang nababawing trust ay may utang na pera sa iyo, at walang sapat na pera sa probate na estate para bayaran ang mga claim mo, puwede kang mag-claim laban sa probate na estate.

Kung mananalo ka, babayaran ang iyong claim mula sa aria-arian sa trust.

Kung walang na-file na probate na petisyon sa Hukuman, at hindi pa nag-file ang trustee ng Abiso sa Mga Creditor sa hukuman at na-publish ito, puwede kang mag-file ng sarili mong petisyon para buksan ang isang probate na estate at i-file ang claim mo sa Hukuman ng Probate.

Kung nag-file at nag-publish ang trustee ng Abiso sa Mga Creditor, at nagpadala siya ng kopya ng Abiso sa mga creditor na kilala ng trustee o dapat niyang malaman, dapat mong i-file ang iyong claim sa hukuman sa loob ng 4 na buwan pagkatapos ng pag-publish sa Abiso, o sa loob ng 30 araw pagkatapos maipadala o personal na maihatid ang Abiso sa iyo, anuman ang mas mahuli.

Gayunpaman, magpadala ng kopya ng iyong claim sa trustee. Kung tatanggihan ng trustee ang iyong claim, kakailanganin mong mag-file ng demanda laban sa trustee para makuha ang iyong pera. May mga limitasyon para sa iyong pag-file. Tingnan ang Kodigo ng Probate Seksyon 19255.

May karapatan ang trustee na payagan o tanggihan ang iyong claim. Kapag natapos ang panahon ng pag-file ng claim, puwedeng mag-file ng petisyon ang trustee para hilingin sa Hukuman na payagan ang isang kompromiso, mag-areglo ng mga claim na hindi pa tinanggihan, o ilaan ang mga claim kung dalawa o higit pang trust ang puwedeng magkaroon ng pananagutan sa claim.

Kung hindi ka magfa-file ng claim sa panahon ng pag-file ng claim, o kung hindi ka magfa-file ng pagtanggi sa petisyon ng trustee para aprubahan ang iyong mga claim, hindi ka papayagang gumawa ng anumang higit pang pagkilos para kolektahin ang utang. Ang kautusan ng Hukuman ay magkakaroon ng bisa sa lahat ng claimant at benepisyaryo na naabisuhan tungkol sa petisyon.

 

Ayon sa batas, maliban na lang kung mababawi ang trust, puwedeng magpetisyon ang isang trustee o benepisyaryo sa Hukuman tungkol sa mga panloob na ugnayan ng trust o para tanungin kung mayroon ngang trust.

Kumplikado ang pagpetisyon sa Hukuman. Makipag-usap sa isang kwalipikadong abugado bago mag-file ng petisyon.

Sa iyong petisyon, marami kang puwedeng hilingin sa Hukuman, kasama ang:

  • Pagtukoy sa bisa ng mga tuntunin ng trust.
  • Tukuyin ang mga benepisyaryo at alamin kung sino ang makakakuha sa ari-arian, at kung kailan nila ito makukuha, kung hindi tinutukoy ng trust ang impormasyong iyon.
  • Ayusin ang mga pag-account at suriin ang mga pagkilos ng trustee.
  • Sabihin sa trustee na gumawa ng pagkilos, tulad ng mag-ulat tungkol sa trust o mag-account sa benepisyaryo.
  • Magbigay ng mga kapangyarihan sa trustee.
  • Tukuyin o suriin ang bayad ng trustee.
  • Magtalaga o mag-alis ng trustee o tanggapin ang pag-resign ng trustee.
  • Pagbayarin ang trustee para sa anumang pagkalugi sa trust o sa isang benepisyaryo na dahil sa pagkakamali ng trustee.
  • Mag-apruba o magdirekta ng pagbabago sa trust, o tapusin ang trust.
  • Mag-apruba o direktang magsama o maghati ng mga trust.
  • Baguhin ang trust para maging kwalipikado ang estate ng decedent para sa bawas sa kawanggawang buwis sa estate, alinsunod sa pederal na batas.
  • Pahintulutan ang paglipat ng trust o ari-arian ng trust sa o mula sa ibang bansa.
  • Direktang paglipat sa isang testamentary trust mula sa isang bansa papunta sa isa pa.
  • Aprubahan ang pag-alis ng isang testamentary mula sa pangangasiwa ng hukuman.
  • Tukuyin ang pagiging makatarungan ng pagbabayad para sa mga legal na serbisyo.

 

Puwede mo ring ipetisyon ang Hukuman para sa ba pang dahilan. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang Kodigo ng Probate ng California Seksyon 17200.

Ayon sa batas, ang trustee o sinumang mau interes na tao ay puwedeng mag-file ng petisyon kung:

  • Nasa trustee o pinanghahawakan ng trustee ang titulo sa real o personal na ari-arian, at gumawa ang isa pang tao ng claim laban sa lahat o ilang bahagi ng ari-ariang iyon.
  • Nasa ibang tao o pinanghahawakan ng ibang tao ang titulo sa real o personal na ari-arian, at gumawa ang trustee ng claim laban sa lahat o ilang bahagi ng ari-ariang iyon.
  • Gumawa ng claim laban sa trust ang isang creditor ng settlor ng trust.

Tingnan ang Probate ng California Seksyon 17200.1 at Seksyon 850.

 

Was this helpful?

This question is for testing whether or not you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.