Pagsasara at Pagpapamahagi sa Estate
Paglipat ng Ari-arian sa Pagkamatay at Kung Paano Magplano para sa Iyong Pagtanda
Impormasyon at Mga Madalas Itanong
Sa seksyong ito, makakakita ka ng impormasyon at mga sagot sa mga sumusunod na tanong:
Isang pinal na pag-account at petisyon para sa pamamahagi ang puwedeng i-file ng Personal na Kinatawan kapag may sapat na pondong available para bayaran ang lahat ng utang at buwis, nag-expire na ang panahon para sa pag-file ng mga claim ng creditor, at nasa kundisyong dapat isara ang estate.
Inaatasan ang Personal na Kinatawan na mag-file ng petisyon para sa pinal na pamamahagi o mag-file ng beripikadong ulat sa status ng estate sa loob ng isang taon pagkatapos mag-isyu ng Mga Liham (o 18 buwan kung kinakailangan ang isang pederal na tax return ng estate).
Ang Personal na Kinatawan ay dapat mag-file ng pinal na pag-account, ulat, at petisyon para sa pinal na pamamahagi, magtakda ng pagdinig para sa petisyon, mag-abiso tungkol sa pagdinig para sa mga taong may interes, at kumuha ng kautusan ng hukuman na nag-aapruba ng pinal na pamamahagi.
Kung ang Personal na Kinatawan ay gustong makatanggap ng bayad para sa kanyang mga serbisyo, dapat ding magsama ng petisyon para sa mga bayarin sa petisyon para sa pinal na pamamahagi.
Hindi kailangang mag-file ng pinal na pag-account kung ang lahat ng taong may karapatan sa pamamahagi ng estate ay lalagda sa isang nakasulat na waiver ng pag-account o nakasulat na pagkilala ng pagtanggap ng kanilang bahagi sa estate.
Kung hindi maisasara ang estate sa loob ng isang taon pagkatapos ng pag-isyu ng Mga Liham (o 18 buwan kung kinakailangang mag-file ng estate ng pederal na tax return), dapat mag-file ang Personal na Kinatawan ng isang beripikadong ulat tungkol sa status ng estate.
Dapat ipakita sa ulat sa status ang kundisyon ng estate, ang mga dahilan kung bakit hindi ito puwedeng isara at ipamahagi (halimbawa, may kasalukuyang litigasyon, o isang pag-audit sa buwis ng estate, o real property na dapat ibenta para magbayad ng mga utang o cash gift), at ang tinatantyang kailangang panahon para isara ang estate.
Nakatakdang dinggin ang ulat sa status sa parehong paraan gaya ng anumang iba pang probate na petisyon. Ang isang Abiso ng Pagdinig (Form DE-120, Hudisyal na Konseho) ang dapat ipadala sa mga taong may interes sa estate nang kahit man lang 15 araw bago ang pagdinig.
Dapat kasama sa Abiso ng Pagdinig ang sumusunod na pahayag sa hindi bababa sa 10-point boldface type sa ganitong mga sumusunod na pagkakalahad:
May karapatan kang magpetisyon para sa isang pag-account sa ilalim ng Seksyon 10950 ng Kodigo sa Probate ng California.
Sa pagdinig, posibleng iutos ng hukuman na manatiling bukas ang estate sa loob ng partikular na panahon at ayon sa mga kundisyon, ayon sa makikitang makatuwiran ng hukuman, kung ito ay nasa pinakamabuting interes ng estate at mga benepisyaryo, o puwedeng utusan ng hukuman ang kinatawan na mag-file ng petisyon para sa pinal na pamamahagi.
Kung hindi magfa-file ang kinatawan ng ulat sa status, magagawa ng sinumang may interes sa estate na magpetisyon sa hukuman para makakuha ng ulat sa status, o puwedeng iutos ng hukuman ang petisyon, sa sarili nitong mosyon, at ipatawag sa hukuman ang Personal na Kinatawan para sumunod dito.
Kapag hindi nagawa ng Personal na Kinatawan na sumunod sa kautusan, batayan ito para mawalan ng bisa ang kanyang mga liham, at puwede ring bawasan ng hukuman ang kabayaran kung lalampas ang oras sa pangangasiwa nang isang taon (o 18 buwan kung kinakailangan ang federal na tax return ng estate).
Pinapahintulutan ng California ang Personal na Kinatawan at abugado para sa Personal na Kinatawan na humingi ng bayad (tinatawag na naaayon sa batas na kabayaran o statutory fee) para sa mga ordinaryong serbisyo, na kinakalkula bilang porsyento ng na-appraise na halaga ng ari-arian ng estate. Ang formula para sa pagkalkula ng bayarin ay ayon sa sumusunod, mula sa Seksyon ng Kodigo ng Probate 10810:
4% ng unang isang daang libong dolyar ($100,000), dagdag pa ang
3% ng susunod na isang daang libong dolyar ($100,000), dagdag pa ang
2% ng susunod na walong daang libong dolyar ($800,000), dagdag pa ang
1% ng susunod na siyam na daang libong dolyar ($9,000,000), dagdag pa ang
½ ng 1% ng susunod na labinlimang milyong dolyar ($15,000,000).
Para sa lahat ng halaga sa itaas, dalawampu't limang milyong dolyar ($25,000,000), isang makatuwirang halaga na tutukuyin ng hukuman.
Kapag may pag-account na na-file, isasama rin sa batayang bayaring ginamit sa naaayon sa batas na bayarin ang natanggap na kita sa pangangasiwa, dagdag pa ang mga kinita sa na-appraise na halaga sa mga ibinentang asset sa pangangasiwa, na babawasan ng anumang nalugi mula sa na-appraise na halaga sa mga ibinentang asset sa pangangasiwa.
Hindi isinasaalang-alang ang mga mortgage o iba pang obligasyon sa utang sa pagkalkula ng batayang bayarin.
Hindi isinsasaalang-alang sa pagkakalkula ang mga pamamahagi para sa mga utang o gastos; pati na rin ang mga hindi pa nakukuhang kita o nalugi (gaya ng para sa mga security na tumaas o bumaba ang halaga simula sa petsa ng pagkamatay), pero kung ibinenta lang ang ari-arian.
Ang mga naaayon sa batas na bayarin ay itinatakda ng batas, at kung hinihiling, walang pagpapasya ang Hukuman para bawasan ang halaga ng mga bayarin, maliban na lang kung hindi makatuwirang nabinbin ng Personal na Kinatawan ang pagsasari ng estate o puwedeng magkaroon ng surcharge (multa) para sa iba pang maling pamamahala sa estate. Gayunpaman, ang anumang bayaring ibinayad sa isang Personal na Kinatawan ay dapat iulat sa kanyang personal na income tax return bilang ordinaryong kita, kaya makakapili ang Personal na Kinatawan na hindi kumuha ng bayarin kung tatanggap siya ng ari-arian mula sa estate bilang mana (na hindi binibilang na kita sa benepisyaryo).
Gayundin, bagama't ang Personal na Kinatawan at abugado para sa estate ay may karapatan sa naaayon sa batas na porsyento bilang bayarin, puwedeng humiling ang Personal na Kinatawan ng halagang mas mababa sa naaayon sa batas na porsyento, at puwede ring makipagkasundo sa abugado para sa mas mababang bayarin, partikular na kung hindi kumplikado ang estate at mayroon lang ilang asset na may mataas na halaga (gaya ng isang bahay).
Gayunpaman, walang bisa ang anumang kasunduan sa pagitan ng Personal na Kinatawan at abugado para sa mas mataas na kabayaran. Ang isang abugado na kumikilos bilang Personal na Kinatawan at bilang abugado ay puwede lang tumanggap ng isang bayarin, maliban na lang kung aaprubahan ng hukuman ang dobleng pagbabayad nang maaga. Nalalapat din ito sa mga associate o partner ng abugado. Dapat hatiin ng mga taong tumatayo na co-executor ang bayarin sa kanilang mga sarili.
Kailangan ng kautusan ng hukuman bago bayaran ang anumang bayarin sa Personal na Kinatawan o abugado. Ang reimbursement para sa mga gastos na kinuha nang maaga ng Personal na Kinatawan o abugado, gaya ng mga bayarin sa pag-file, sertipikadong kopya, o gastos sa publikasyon, ay puwedeng gawin nang walang kautusan ng hukuman.
Posible ring magbayad ng mga karagdagang kabayaran, na tinatawag na extraordinary na bayarin, sa Personal na Kinatawan at/o sa abugado para sa Personal na Kinatawan para sa mga extraordinary na serbisyo sa halagang tutukuyin ng hukumang makatarungan at makatuwiran.
Ang ilang halimbawa ng mga uri ng mga serbisyo na itinuturing na extraordinary at puwedeng mabigyan ng extraordinary na kabayaran ay:
- Pagbabayad ng real property, litigasyon ng mga claim laban sa estate,
- Litigasyong nauugnay sa ari-arian ng estate, paghahanda ng kita at/o
- Mga tax return ng estate at pagkakatawan sa mga awtoridad sa pagbubuwis sa mga pag-audit na nauugnay sa mga return, at mga pagtututol sa habilin. Hindi katulad ng mga naaayon sa batas na bayarin, hindi nagagarantiya ang pagbabayad ng mga extraordinary na bayarin, at hindi magpapasya ang Hukuman
- kung papayagan o hindi ang karagdagang kabayaran, kahit nagbigay ng mga serbisyo na extraordinary.
Halimbawa, puwedeng ituring ng Hukuman na makatuwirang kabayaran na ang naaayon sa batas na bayarin na kinalkula sa isang estate, kung saan ang tanging asset ay personal na tirahan ng decedent na ibinenta sa halagang $1 milyon (magiging $21,150 ang naaayon sa batas na bayad), kahit itinuturing ang pagbebenta ng real property na uri ng serbisyo kung saan puwedeng magbigay ng extraordinary na kabayaran.
Ang Personal na Kinatawan ay inaatasang mag-file ng accounting ng mga pinansyal na transaksyong nangyari sa pangangasiwa ng estate, maliban na lang kung lumagda ang lahat ng taong may karapatan sa pamamahagi ng estate ng isang nakasulat na waiver ng account o isang nakasulat na pagkilala na natanggap ng tao ang kanyang bahagi sa estate (hal., isang resibo sa isang pangunahing pamamahagi).
Kung iwe-waive ng lahat ng tatanggap ang pag-account, dapat pa ring mag-file ang Personal na Kinatawan ng ulat, kasama ang halaga ng kabayarang hinihiling ng Personal na Kinatawan at/o abugado, na magtatakda sa batayan sa pagkalkula ng mga bayarin.
Ang lahat ng pag-account na na-file sa hukuman ay dapat may pinansyal na pahayag at ulat ng pangangasiwa ayon sa mga partikular na alituntuning nasa Kodigo ng Probate seksyon 1060-1064 at 10900. Dapat nakasaad sa account ang panahong sinasaklaw nito at dapat ay may buod ito, na sinusuportahan ng detalyadong mga iskedyul, na nagpapakita ng mga sumusunod:
- On hand na ari-arian sa simula ng panahon ng pag-account (ibig sabihin, ang imbentaryo ng lahat ng asset),
- ang halaga ng mga natanggap na asset sa panahon ng pag-account, hindi kasama ang ari-ariang nakalista sa isang imbentaryo,
- mga resibo ng kita, hindi kasama ang mga resibo mula sa isang trade o negosyo,
- kabuuang kita mula sa trade o negosyo,
- mga kinita sa mga benta,
- mga disbursement, hindi kasama ang mga disbursement para sa isang trade o negosyo at hindi kasama ang pamamahagi sa mga benepisyaryo,
- mga nalugi sa mga benta,
- kabuang nalugi mula sa isang trade o negosyo,
- mga pamamahagi sa mga benepisyaryo, at
- on hand na ari-arian sa pagtatapos ng panahon ng pag-account, kung saan nakalista ang bawat asset at ang na-appraise na halaga nito, ayon sa ipinapakita sa imbentaryo at appraisal.
Isang sample ng form ng Buod ng Pag-account ang kasama sa website na ito.
Puwedeng kasama rin sa pinansyal na pahayag ang mga karagdagang iskedyul na kinakailangan para sa mga layunin ng impormasyon sa Kodigo ng Probate seksyon 1061 at 1062, kung naaangkop, gaya ng:
- Isang iskedyul na nagpapakita sa tinatantyang halaga sa market ng mga on hand na asset, sa pagtatapos ng panahon ng pag-account,
- Isang iskedyul na nagpapakita ng mga pagbili o iba pang pagbabago sa form ng mga asset sa panahon ng pag-account (maliban sa mga pag-transfer ng cash sa pagitan ng mga account sa mga pinansyal na institusyon o mutual fund sa money market),
- Isang iskedyul na nagtatalaga ng mga resibo at disbursement sa pagitan ng prinsipal at kita, kung ang estate ay ipapamahagi sa isang benepisyaryo sa kita,
- Isang iskedyul kung saan nakalista ang kita, mga disbursement, at mga pinatunguhan ng benta na naiuugnay sa partikular na pinag-uusapang ari-arian,
- Isang iskedyul na nagpapakita sa kalkulasyon ng interes na babayaran sa mga partikular na cash gift sa isang benepisyaryo, kung ipinag-aatas sa ilalim ng Kodigo ng Probate 12003, 12004, 12005.
- Isang iskedyul na nagpapakita ng iminumungkahing pamamahagi ng mga asset ng estate sa mga benepisyaryo, kasama ang isang alokasyon sa pagitan ng mga testamentary trust na itinalaga sa Habilin ng decedent o mga subtrust na ginawa sa ilalim ng isang hindi mababawi na living trust na itinalaga ng decedent sa kanayang buhay, at
- Isang iskedyul kung saan nakalista ang lahat ng pananagutan, kasama ang mga loan ng mga asset ng estate, obligasyon para sa mga buwis na dapat bayaran pero hindi pa nababayaran, note na dapat bayaran ng estate, pagpapasya kung saan may pananagutan ng estate, o anumang iba pang mahalagang pananagutan (pero hindi ang mga pananagutan na umuulit na gastos gaya ng mga bayad sa renta o utility).
Ang dalawang pinakamahalagang iskedyul na dapat ilakip sa Buod ng Pag-account ay ang Iskedyul ng Mga Resibo at ang Iskedyul ng Mga Disbursement.
Dapat ipakita ng Iskedyul ng Mga Resibo ang mga sumusunod:
- Uri at layunin ng bawat item;
- Ang pinagmulan ng resibo (dividend ng stock, interes, atbp.); at
- Petsa ng resibo.
Puwedeng ilista ang mga resibo nang sunod-sunod ayon sa panahon o ayon sa kategorya. Dapat kang maging maingat sa paglista ng mga resibo ng kita lang o ihiwalay ang mga resibo ng kita at prinsipal na interes sa hiwalay na mga column (o ilista ang mga ito sa mga hiwalay na iskedyul).
Kasama sa mga prinsipal na resibo ang mga item gaya ng mga tseke sa refund, hindi na-cash na tseke sa pagkamatay ng decedent, at pangkalahatang binubuo ng mga asset na pagmamay-ari ng decedent o karapatan nitong matanggap sa petsa ng pagkamatay, kahit hindi natanggap hanggang sa pagkatapos ng petsa ng pagkamatay (gaya ng mga refund), habang kinakatawan ng mga resibo sa kita ang pera na kinita ng estate pagkatapos ng petsa ng pagkamatay sa mga asset na pagmamay-ari ng estate. Ang mga prinsipal na asset ay dapat ilista sa isang imbentaryo at appraisal. Ang kabuuang ng lahat ng Resibo sa kita ay dapat ilista sa mga bahagi ng mga pagsingil ng Buod ng Pag-account.
Ang kinita o nalugi ay ang kulang sa pagitan ng presyo ng kabuuang benta at na-appraise na halaga ng asset, ayon sa ipinapakita sa imbentaryo at appraisal. Ang benta ng mga asset ng estate ay dapat nakalista sa isang iskedyul para sa Mga Kita sa Benta, kung ibinenta ang asset nang higit sa na-appraise na halaga nito, o sa isang iskedyul para sa Mga Nalugi sa Benta, kung ibinenta ang asset nang mas mababa sa na-appraise na halaga nito.
Dapat ilista ng iskedyul ang kabuuang presyo ng benta at halaga sa pag-appraise, at ipakita ang kalkulasyon para makuha ang kabuuang kita o nalugi. Ang kabuuang pagkakaiba (ang halagang kinita sa benta o nalugi sa benta), o ang kabuuan ng lahat ng kinita at lahat ng nalugi, kung maraming asset ang ibinenta, ay dapat isama sa Buod ng Pag-account. Inililista rin sa iskedyul ng Mga Nalugi sa Benta ang pag-aari na kasama sa imbentaryo na wala na sa pangangalaga ng kinatawan at hindi kasama sa na-account. Posibleng kasama rito ang nasirang ari-arian dahil sa sunog o iba pang pagkasira na hindi ganap na nasasaklawan ng insurance, o nawalang ari-arian sa pamamagitan ng litigasyon.
Ang kabuuan ng lahat ng Kinita sa Benta ay dapat nakalista sa bahagi ng mga pagsingil ng Buod ng Pag-account. Ang kabuuang ng lahat ng Nalugi sa Benta ay dapat nakalista sa bahagi ng mga credit ng Buod ng Pag-account.
Nakakalito ang pagbebenta ng real property dahil madalas na nakakatanggap ang kinatawan ng tseke sa kabuuang halaga ng pagbebenta, pero hindi itinuturing na kita ang natanggap na pera, pero isang benta ng prinsipal na asset. Ang pagkakaiba ng na-appraise na halaga ng real property at ang kabuuang halaga ng presyo ng pagbenta ay dapat ipakita sa isang iskedyul ng Kita sa Benta.
Kung ang anumang gastos sa benta ay ibinawas sa presyo ng benta sa pagsasara ng escrow (gaya ng pagbabayad ng buwis ng ari-arian, mga komisyon ng broker, mga bayarin sa pagtatala, mga bayarin sa paghahanda ng dokumento, atbp.), dapat ilista ang mga item na iyon sa iskedyul ng Mga Disbursement.
Gaya sa mga resibo, puwedeng ilista ang Iskedyul ng Mga Disbursement nang sunod-sunod ayon sa petsa o nakakategorya ayon sa uri ng disbursement. Karaniwang pinipili ang sunod-sunod ayon sa petsa na ayos dahil mas madaling makita ang status ng estate at kung ano ang binayaran ng kinatawan sa anumang partikular na petsa.
Dapat ipakita ng Iskedyul ng Mga Disbursement ang mga sumusunod:
- Ang petsa ng disbursement;
- Ang payee (kung kanino ibinigay ang bayad);
- Ang layunin ng disbursement (insurance, buwis sa real property, mga bayarin sa pag-file, atbp.); at
- Ang halaga ng disbursement.
Ang kabuuan ng lahat ng Disbursement ay dapat isama sa bahagi ng mga credit ng Buod ng Pag-account.
Kasama dapat sa Iskedyul ng Mga Pamamahagi ang lahat ng cash o ari-ariang ipinamahagi sa isang heir o devisee ng estate sa pamamagitan ng isang paunang pamamahagi. Dapat kasama sa iskedyul ang petsa at halaga ng ipinamahaging asset at ang na-appraise na halaga nito.
Dapat ding lagdaan ng taong tumanggap sa ari-arian ang isang Resibo sa Pamamahagi at dapat itong i-file sa hukuman bilang patunay na aktuwal na naipamahagi at natanggap ang ari-arian ng taong may karapatan dito.
Ang kabuuan ng lahat ng Pamamahagi ay dapat kasama sa bahagi ng mga credit ng Buod ng Pag-account.
Mahalaga ang Iskedyul ng On Hand na Ari-arian dahil kinakatawan nito ang lahat ng ari-arian ng estate na natitira sa pangangalaga ng kinatawan, na dapat ipamahagi. Dapat iberipika ng kinatawan na ang ari-ariang nakalista sa iskedyul ay aktuwal na nasa pangangalaga nila.
Dapat iberipika ang on hand na cash sa ipinakabagong bank statement sa pagtatapos ng panahon ng pag-account. Ang paglalarawan ng ibang ari-arian (hindi cash) ay dapat ilarawan gamit ang parehong paglalarawang kasama sa imbentaryo at pag-appraise (ang pagkakaiba ay puwedeng tukuyin ang real property ayon sa street address sa Iskedyul ng On Hand na Ari-arian, pero dapat kasama ang buong legal na paglalarawan sa Pagpapasya ng Pinal na Pamamahagi).
Dapat tukuyin ang ari-arian ayon sa numero ng item sa imbentaryo (at mas maganda kung nakalista sa parehong ayos sa imbentaryo at pag-appraise para sa madaling beripikasyon), at dapat ay nakalista ito sa halagang nakalista sa imbentaryo at appraisal.
Dapat suriin ng kinatawan ang imbentaryo at appraisal sa mga iskedyul ng pag-account, para maberipikang na-account ang lahat ng nakalistang assest sa imbentaryo at appraisal, sa pamamagitan man ng pagbebenta, pamamahagi, o nakalista ang asset sa Iskedyul ng On Hand na Ari-arian.
Ang kabuuan ng lahat ng On Hand na Ari-arian ay dapat kasama sa bahagi ng mga credit ng Buod ng Pag-account.
Posibleng ipag-atas din ang mga karagdagang iskedyul para sa mga layunin ng impormasyon sa Kodigo ng Probate seksyon 1061 at 1062, gaya ng nakalista sa itaas. Ang mga halaga sa dolyar ng mga iskedyul na ito ay hindi kasama sa mga kalkulasyon sa Buod ng Pag-account, bagama't dapat ilista ang mga iskedyul na ito, kung naaangkop.
Sa lahat ng kaso, ipinag-aatas ang isang karagdagang iskedyul na nagpapakita sa tinatantyang halaga sa market ng mga on hand na asset, sa pagtatapos ng panahon ng pag-account. Puwedeng isama ang halaga sa market ng mga asset sa isang hiwalay na iskedyul o puwedeng ilista ang impormasyon sa isang hiwalay na column sa Iskedyul ng On Hand na Ari-arian.
Bago isara ang estate, dapat mag-file ang kinatawan ng Petisyon para sa Pinal na Pamamahagi. Karaniwan, mayroon itong tatlong bahagi:
- Isang pag-account (maliban na lang kung may mga nilagdaang waiver ang lahat ng taong may karapatan sa pamamahagi,
- isang ulat ng pangangasiwa, na may kumpletong buod ng mga pagkilos na ginawa ng kinatawan sa pangangasiwa sa estate, sa naratibong anyo, at
- isang petisyon, na humihiling sa hukuman na aprubahan ang pag-account (kung na-file), aprubahan ang pamamahago ng mga asset ng estate, dagdag pa ang anumang karagdagang usaping nangangailangan ng pag-apruba ng hukuman (gaya ng pagbibigay ng mga bayarin sa kinatawan o abugado).
Ang petisyon ay inihahanda sa legal na pleading format, nang may titulong naglalarawan sa mga nilalaman ng dokumento, halimbawa, Una at Pinal na Pag-account at Ulat ng Pagpapatupad, Petisyon para sa Pagbibigay ng Mga Naaayon sa Batas na Bayarin at para sa Pinal na Pamamahagi.
Isa pang halimbawa, kung may mga na-file na waiver ng pag-account at walang kahilingan para sa kabayaran, ang dokumento ay puwedeng bigyan ng titulo na Waiver ng Pag-account at Ulat ng Personal na Kinatawan, at Petisyon para sa Pinal na Pamamahagi.
Ang petisyon ay talagang kumprehensibo, at dapat maging maingat ang kinatawan sa pagsasama ng lahat ng nauugnay na impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng estate, sa mga isinasagawang pagkilos sa pangangasiwa, sa natitirang on hand na ari-arian na dapat ipamahagi, at sa mga pangalan, address, at ugnayan ng mga benepisyaryo na tatanggap sa ari-arian. Sa lahat ng kaso, kapag ipinapamahagi ang ari-arian sa isang menor de edad, dapat isaad ang petsa ng kapanganakan ng menor de edad.
Kahit na-waive ang buong pag-account para sa lahat ng resibo at pamamahagi, dapat pa ring isama sa petisyon ang isang listahan ng natitirang on hand na ari-arian para sa pamamahagi (na dapat detalyadong ilarawan, kasama ang mga legal na paglalarawan ng real property). Dapat ay may kasama ring beripikasyon ang petisyon.
Ang sumusunod ay listahan ng ilan sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa sa paghahanda sa pinal na pag-account, ulat, at petisyon para sa pinal na pamamahagi:
- Hindi pagbibigay ng mga abiso, ayon sa ipinag-aatas ng batas.
- Hindi paglalagay sa pag-account sa wastong form.
- Hindi kasama ang buod ng pag-account sa format na ipinag-aatas ng mga lokal na panuntunan.
- Paggamit ng maling figure sa pagsisimula.
- Hindi inisa-isa ang natanggap na kita at hindi ipinapakita ang pinagmulan ng kita.
- Hindi inisa-isa ang mga disbursement, hindi ipinapakita ang petsa ng pagbabayad, kung kanino, kung nabayaran, at para sa kung anong layunin.
- Pag-claim ng mga hindi wastong credit.
- Hindi paglalarawan ng katangian ng mga on hand na asset para sa pamamahagi, ibig sabihin, hiwalay, komunidad, o quasi-community na ari-arian.
- Hindi paglilista o paglalarawan ng lahat ng on hand na asset para sa pamamahagi, sa nilalaman ng petisyon o sa isang kasamang iskedyul o kalakip, na-waive man o hindi ang isang pag-account.
- Magbigay ng mga legal na paglalarawan at mga parcel number ng assessor para sa lahat ng real property.
- Hindi sapat ang sanggunian sa ari-ariang inilalarawan sa Habilin o ang imbentaryo at appraisal.
- Hindi partikular na paglalahad sa paraan kung paano ipapamahagi ang estate.
- Magtalaga ng mga intestate heir at ipakita ang mga ugnayan.
- Maglahat ng mga detalye patungkol sa anumang disclaimer at ang epetko ng mga ito.
- Magsumite ng mga pagtatalaga, kung mayroon man, sa hukuman para sa pagsusuri.
- Ilarawan ang mga paunang pamamahagi at petsa ng pag-file ng mga kautusan.
- Kung ang Habilin ay tumutukoy sa fractional o porsyentong bahagi para sa dalawa o higit pang benepisyaryo, ipakita ang mga kalkulasyon at mga halagang ipapamahagi sa bawat benepisyaryo.
- Subaybayan ang mga tuntunin ng Habilin tungkol sa disposisyon ng mga asset; ipaliwanag ang mga abatement, ademption, o iba pang karaniwang sitwasyon.
- Hindi paglalarawan ng aktibidad sa pag-claim ng mga creditor at paglista ng disposisyon ng lahat ng claim.
- Sa mga insolvent na estate, hindi inisa-isa ang lahat ng claim ng creditor, na nagpapakita ng klase kung saan nabibilang ang bawat isa, at ang wastong pag-prorate sa mga natitirang asset sa creditor, o pagbabayad ng mga utang kung saan walang na-file na claim.
- Hindi pagsasama ng kalkulasyon ng naaayon sa batas na kabayaran ng kinatawan at abugado, na-waive man o hindi ang isang pag-account.
- Ilahad ang mga bayad na pinayagan sa pag-account ng kabayaran.
- Kung na-waive ang pag-account, tingnan ang Panuntunan ng Hukuman ng California 7.550 hinggil sa ia-account na estate sa pagtukoy ng batayan ng bayad.
- Kung maraming kinatawan o abugado ang nauugnay sa pangangasiwa ng estate, kailangan ng abiso sa dating kinatawan o abugado ng pagdinig sa pinal na pamamahagi, o ang pag-file ng isang kasuduan, tungkol sa paghahati ng mga bayarin.
- Hindi pagsasama sa caption at kahilingan ng petisyon at sa abiso ng pagdinig ang mga sanggunian sa aplikasyon kapag humiling ng mga extraordinary na bayarin.
- Kapag ginawa ang pamamahagi sa isang testamentary trust, hindi pagsasama sa mga tuntunin ng trust sa pagkakaayos ng pamamahagi sa paraang magkakaroon ng bisa sa mga kundisyong umiiral sa panahong iniutos ang pamamahagi. Hindi paglalahad ng mahahalagang probisyon sa pangkasalukuyan panahon at sa ikatlong tao, sa halip ng pagsipi nang eksakto sa Habilin. Ang nakasulat na pahintulot ng trustee para kumilos ay dapat na-file bago ang pagdinig.
- Hindi pagkuha ng Certificate of Franchise Tax Board Clearance kung lalampas ang halaga ng estate sa $1,000,000 at nagpapamahagi ng mga asset na hindi bababa sa $250,000 sa mga hindi residente.
- Hindi paglalahad kung ang kinatawan ay kumikilos sa ilalim ng Independent Administration of Estates Act, at hindi partikular na paglalahad sa mga transaksyong ginawa alinsunod sa IAEA.
- Hindi naitakda ang disposisyon ng mga asset kung mamatay ang isang heir, devisee, o legatee bago ang pamamahagi ng estate.
- Hindi pagsunod sa mga probisyon ng Kodigo ng Probate seksyon 11900-11904 sa escheat o pamamahagi sa nawawalang heir, devisee, o legatee.
- Hindi pagsusumite ng deklarasyon sa ilalim ng Kodigo ng Probate seksyon 13100-13115 para sa pag-file bago ang pagdinig sa petisyon, kung gagawin ang pamamahagi alinsunod sa mga seksyong iyon sa kodigo.
- Hindi pagsunod sa mga lokal na panuntunan sa pamamahagi sa mga menor de edad.
- I-file ang mga deklarasyon sa Kodigo ng Probate seksyon 3401 o 3413 bago ang pagdinig.
- Kung kailangan ang isang guardianship ng estate, isaad ang pangalan ng guardian at ang case number ng pagkilos sa guardianship. Puwedeng ipag-atas din ang kopya ng mga liham sa guardianship
- Kung ang mga pondo ay ilalagay sa isang naka-block na account ng isang custodian, isaad ang pangalan at ugnayan ng custodian, at pangalan at lokasyon ng depository.
- Hindi paghiling ng pagtatakda ng isang naaangkop na reserba sa pagsasara para sa hindi pa bayad o contingent na pananagutan sa buwis, mga claim ng mga creditor, o mga gastos sa pagsasara (halimbawa, sertipikasyon at pagtatala ng pinal na pagpapasya).
- Hindi pagsasama ng omnibus clause para sa mga after-discovered na ari-arian.
- Hindi pagsusumite ng iminumungkahing Pagpapasya ng Pinal na Pamamahagi sa hukuman.
Kapag natapos at nalagdaan, kakailanganin mong kumuha ng kopya ng petsa ng pagdinig mula sa Clerk ng Kalendaryo ng Probate at i-file ang Petisyon sa hukuman.
Hakbang 1
Sagutan ang harap na bahagi at kalahati sa itaas ng likurang bahagi ng mga sumusunod na form:
- Abiso ng Pagdinig (Probate) (Form DE-120, Hudisyal na Konseho)
Hakbang 2
Magpadala o personal na dalhin ang form ng Abiso ng Pagdinig sa bawat taong may karapatang makatanggap ng abiso nang hindi bababa sa15 araw bago ang petsa ng pagdinig. Abiso ng Pagdinig lang ang dapat ipadala (maliban kung para sa mga taong nag-file ng Kahilingan para sa Espesyal na Abiso – dapat din silang mabigyan ng kopya ng petisyon), pero talagang inirerekomenda na magpadala rin ng kopya ng petisyon sa lahat ng nakatanggap ng Abiso ng Pagdinig. Tandaan: Kung hindi mo maipapadala o maihahatid ang mga papeles nang personal -- hilingin sa ibang tao na gawin ang pagpapadala o paghahatid para sa iyo. Ang Abiso ay dapat ibigay sa:
- Sinumang hindi nagpepetisyon na Personal na Kinatawan;
- Lahat ng taong humiling ng espesyal na abiso;
- Lahat ng kilalang heir o devisee na apektado ng petisyon;
- Ang Pangkalahatang Abugado, kung mae-escheat ang anumang bahagi ng estate sa estado ng California, at maaapektuhan ng petisyon ang interes nito; at
- Ang bawat creditor na ang claim ay pinapayagan o naaprubahan, pero hindi pa nabayaran, kung insolvent ang estate.
Hakbang 3
Palagdain ang taong nagpadala ng Abiso sa Pagdinig ang Patunay ng Pag-serve sa pamamagitan ng Koreo sa likurang bahagi ng form. I-file ang orihinal na Abiso ng Pagdinig kasama ang nasagutang Patunay ng Pag-serve sa pamamagitan ng Koreo sa Clerk sa Pag-file ng Probate.
Ang iminumungkahing Pagpapasya ng Pinal na Pamamahagi ay dapat isumite sa hukuman nang hindi bababa sa 10 araw bago ang pagdinig (pero mas maganda kung sa oras kung kailan na-file ang Petisyon para sa Pinal na Pamamahagi). Dapat sundin ng Pagpapasya ang mga nilalaman ng Petisyon para sa Pinal na Pamamahagi at dapat itong maging partikular sa mga heir at benepisyaryong tatanggap ng ari-arian mula sa estate at ang porsyento o partikular na interes ng mga ito sa bawat item. Ang bawat asset ay dapat ilista nang detalyado sa Imbentaryo at Appraisal. Pagkatapos maaprubahan at lagdaan ng hukom ang Pagpapasya, dapat kumuha ng kahit man lang isang sertipikadong kopya, para sa mga talaan at para sa pagtatala ng Personal na Kinatawan, kung may kasamang real property ang estate.
Dapat kumuha ang Personal na Kinatawan ng resibo ng mga taong tatanggap sa ari-arian mula sa estate. Sa usapin ng real property, dapat magtala ang Personal na Kinatawan ng sertipikadong kopya ng Pagpapasya ng PInal na Pamamahagi sa county kung saan matatagpuan ang ari-arian. Ang pagtatala ng kautusan ay itinuturing na Resibo mula sa Distributee para sa ari-arian. Dapat ipag-atas ang isang Resibo mula sa Distribute mula sa bawat distributee sa panahong ipinamahagi ang ari-arian sa kanya alinsunod sa kautusan para sa pinal na pamamahagi. Ang bawat resibo ay dapat i-file sa hukuman bago ang pag-file ng petisyon para sa pinal na discharge.
Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga asset ng estate alinsunod sa kautusan ng hukuman, nagkakaroon ng karapatan ang Personal na Kinatawan sa isang ganap na pag-discharge pagdating sa ari-ariang kasama sa kautusan. Pinoprotektahan ng kasulatan ng pag-discharge ang Personal na Kinatawan mula sa kasunod na reklamo dahil sa ipinaparatang na maling pagkilos sa panahon ng pangangasiwa.
Hangga't hindi nagkakaroon ng pagpasok ng kautusan na nagdi-discharge sa Personal na Kinatawan, hindi pa nakukumpleto ang pangangasiwa sa estate, at magpapatuloy ang hukuman na magkaroon ng kapangyarihan sa Personal na Kinatawan para sa layunin ng pagsunod sa pagpapatupad ng mga kautusan nito.
Kapag sumunod na ang Personal na Kinatawan sa mga tuntunin ng Pagpapasya ng Pinal na Pamamahagi at nag-file na siya ng mga naaangkop na resibo, magfa-file ang Personal na Kinatawan, sa ex parte na petisyon, ng Pagpapatunay sa Pinal na Pag-discharge. Pagkatapos ng pag-discharge, dapat abisuhan ng Personal na Kinatawan ang Serbisyo sa Internal na Kita at Lupon sa Buwis ng Prangkisa na hindi na siya kumakatawan bilang katiwala para sa estate.