Etiquette sa Courtroom
Paano Kumilos sa Hukuman
Ang tunay na courtroom ay HINDI tulad sa isang courtroom sa TV. Sa pangangasiwa sa sarili mong kaso, inaasahang propesyonal at magalang mong patutunguhan ang hukom, jury, iba pang panig, at kanilang mga abugado. Maghanda, at ipresenta ang iyong kaso ayon sa mga panuntunan.
- Kung nag-oobserba ka sa mga paglilitis sa hukuman o hinihintay mong matawag ang iyong kaso, maupo nang tahimik at igalang ang mga paglilitis sa hukuman.
- Mabilis at tahimik na pumasok at lumabas sa courtroom. Hindi puwedeng kumain, uminom, at magbasa habang nasa session ang hukuman.
- Dapat i-off at panatiling naka-silent ang mga cell phone habang nasa courtroom.
- Kung mayroon kang mga tanong, hintaying mag-recess ang courtroom bago magtanonog sa bailiff, attendant ng hukuman, o clerk ng hukuman.