Skip to main content
Skip to main content.

Mga Madalas Itanong para sa Self-Help sa Batas para sa Pamilya

Impormasyon Tungkol sa Dibisyon ng Batas para sa Pamilya at Mga Madalas Itanong para sa Self-Help

I-click ang mga madalas itanong sa ibaba para sa higit pang impormasyon.

Kung gusto mong makakita ng impormasyon tungkol sa isang partikular na kaso o kung gusto mong matuto pa tungkol sa isang petsa ng pagdinig, mag-click dito para bisitahin ang aming pampublikong DOMAIN website. Gayunpaman, hindi mo magagawang maghanap ng impormasyon tungkol sa ilang partikular na kumpidensyal na kaso, gaya ng mga kasong nauugnay sa pag-ampon, isyu sa kalusugan ng pag-iisip, at petisyon sa kustodiya para sa mga hindi kasal na magulang.

1. Paano mag-file para sa diborsyo

Puwedeng maging kumplikado ang diborsyo. Hinihikayat ka naming makipag-usap sa isang abugado ng batas para sa pamilya para malaman mo ang iyong mga legal na karapatan at ang mga legal na isyu sa iyong kaso. Makakakita sa seksyong ito ng impormasyon tungkol sa:

  • Mga opsyon sa pangangasiwa ng iyong kaso sa diborsyo
  • Mga resource ng referral
  • Mga Form
  • Mga bayarin
Mga opsyon sa pangangasiwa ng iyong kaso sa diborsyo
  • Humingi ng tulong sa isang abugado
    Puwede kang maghanap ng abugado sa phone book o tumawag sa Serbisyo sa Pag-refer ng Abugado ng Bar Association ng County ng Alameda. Maraming abugadong may makatuwirang bayarin para sa una mong konsultasyon. (Tingnan ang Mga Resource ng Referral sa ibaba.)
  • Gawin ito nang mag-isa
    Puwede kang bumili ng mga self-help na aklat tungkol sa diborsyo at legal na form sa mga book store, stationery store, o printing company. Nasa karamihan ng mga aklat ang lahat ng form na kailangan mo. Tandaan: Madalas magbago ang mga form. Ang mga pinakabagong form ang dapat mong gamitin.
  • Mag-download ng mga form mula sa internet.
  • I-download ang Mga Lokal na Panuntunan para sa Pamilya ng Superior Court ng County ng Alameda 
  • Kumuha ng self-help na aklat sa pakikipagdiborsyo
  • I-download ang Kodigo ng Pamilya ng California.
  • Suriin ang seksyon sa Diborsyo ng Self-Help Center ng Mga Hukuman ng California
  • Bisitahin ang Self-Help Center sa isa sa mga courthouse sa County ng Alameda
  • Makipag-ugnayan sa Facilitator ng Batas para sa Pamilya
  • Mag-hire ng Tagapaghanda ng Legal na Dokumento na kukumpleto ng mga dokumento para sa iyo

 

2. Mga Resource ng Referral

Hindi kami makakapagrekomenda ng serbisyo ng abugado o tagapaghanda ng legal na dokumento pero narito ang mga resource na makakatulong sa iyong makahanap ng abugado o tagapaghanda ng legal na dokumento para sa iyong kaso:

Mga Form
Puwedeng maging kumplikadong proseso ang pakikipagdiborsyo. Ang mga form na kailangan mo ay nakadepende sa kung sumasang-ayon ba kayo ng asawa mo na magdiborsyo o hindi. Narito ang mga link sa mga form na posibleng kailanganin mo:

Available ang lahat ng form ng Estado sa web site ng Konseho ng Hukuman. Piliin ang opsyong "Batas para sa Pamilya - Dissolution/Legal na Paghihiwalay/Annulment" sa page na iyon mula sa dropdown na kahon.

Mga Bayarin
Posibleng may mga pabayaran sa iyo sa paghahain ng iyong mga form sa Tanggapan ng Clerk ng hukuman. Mag-click dito para makita ang iskedyul ng bayarin. Posibleng magkwalipika ka para sa isang waiver sa bayarin kung masyadong mababa ang iyong kita. 

3. Pamamagitan

Kung may napagkasunduan kayo ng iyong asawa o kung sa palagay mo ay puwede ninyong pag-usapan ang ilan sa o ang lahat ng isyu sa iyong kaso, pag-isipang gumamit ng pamamagitan.

Boluntaryo ang pamamagitan. May neutral na tao (na tinatawag na tagapamagitan) na tutulong sa mga panig na pagkasunduan ang mga isyu sa iyong kaso.

  • Kokontrolin ninyo ng asawa mo ang bilis ng proseso
  • Pananatilihing kumpidensyal ang iyong kaso
  • Malamang ay kompromiso ang kahinatnan ng inyong kasunduan
  • Puwedeng tugunan ng inyong kasunduan ang inyong mga partikular na kinakailangan at alalahanin
  • Kaunti lang ang magiging papel ng hukuman
  • Mas malaki ang posibilidad ng mga tao na sumunod sa isang kasunduang may tagapamagitan kaysa sa isang kautusan ng hukuman.
  • Para mapag-usapan ang mga isyu sa kustodiya at pagbisita, puwede kang makipagtulungan sa isang tagapagamitan mula sa tanggapan ng Pamamagitan sa Kustodiya ng hukuman kapag nabigyan ka na ng petsa sa hukuman.

Puwede ka ring kumuha ng pribadong tagapamagitan. May bayad ang pribadong pamamagitan. Hanapin ang "Mga Abugado-Pamamagitan" sa Internet o sa yellow pages ng iyong telephone book.

Para sa impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa pamamagitan ng Hukuman, makipag-ugnayan sa tanggapan ng Mga Serbisyo sa Pamamagitan para sa Kustodiya ng Bata sa pamamagitan ng listahan ng impormasyon

 

4. Mga anak at pakikipagdiborsyo

Ayon sa pananaliksik, mas maganda ang kinahihinatnan ng mga anak ng mga hiwalay o diborsyadong magulang kung parehong nananatiling aktibo ang mga magulang sa buhay ng kanilang mga anak.

Tandaan: Hindi maganda ang salungatan para sa iyong mga anak. Nakakaapekto sa kanila ang pagkilos ninyo ng isa pang magulang. Kung mas maayos ang magiging pakikitungo ninyo sa isa't isa nang walang salungatan, mas makakatulong sa iyong mga anak.

Narito ang ilang suhestyon para mapadali ang transition para sa iyong mga anak:
  • Magkasamang sabihin sa inyong mga anak ang tungkol sa paghihiwalay, kung posible.
  • Matapat na sagutin ang mga tanong ng inyong mga anak, pero iwasang sabihin ang mga bagay na hindi nila kailangang malaman.
  • Siguruhin sa inyong mga anak na hindi sila ang dahilan ng hiwalayan.
  • Sabihin sa kanilang mahal na mahal at aalagaan mo sila at ng isa pang magulang.
  • Isama ang isa pang magulang sa mga aktibidad sa paaralan at iba pang aktibidad.
  • Bumuo ng ugnayan sa pagitan ng mga bata at isa pang magulang.
  • Maging consistent sa pagkuha at pagbabalik sa mga bata.
  • Gumawa ng plano sa pagiging magulang na nagbibigay sa mga bata ng oras at access sa parehong magulang.
  • Subukang hindi kailanman magkansela ng mga plano sa iyong mga anak.
  • Gumawa ng dalawang tahanan para sa inyong mga anak na may dalawang magulang na aktibo sa kanilang buhay.
  • Hikayatin ang mga bata na bumuo ng magandang ugnayan na puno ng pagmamahal sa parehong magulang.
Huwag gawin ang mga sumusunod:
  • Humingi sa iyong mga anak ng impormasyon tungkol sa isa pang magulang.
  • Subukang kontrolin ang isa pang magulang.
  • Gamitin ang inyong mga anak sa pagpapalitan ng mensahe.
  • Mag-away sa harap ng mga bata.
  • Talakayin ang mga isyu sa sustento sa anak sa kapag nariyan ang mga bata.
  • Magsabi ng hindi maganda tungkol sa isa pang magulang.
  • Papiliin ng kakampihan ang inyong mga anak.
  • Gamitin ang mga bata para sa saktan ang isa pang magulang.

5. Paano tapusin ang iyong diborsyo, legal na hiwalayan, o annulment

Mga Paghahayag ng Disclosure

Iniaatas ng batas na ipaalam mo sa iyong asawa ang tungkol sa iyong kita, mga gastusin, pag-aari, at pagkakautang (kahit wala kang pag-aari o pagkakautang). Tinatawag itong "disclosure."

Ang unang disclosure na gagawin mo ay tinatawag na "Paunang Paghahayag ng Disclosure." Kailangan mo itong gawin bago matapos ang iyong diborsyo, legal na hiwalayan, o annulment. Kung minsan, kailangan mo ring gumawa ng pangalawang pinal na disclosure.

Dapat mong kumpletuhin at i-file ang mga kinakailangang form ng hukuman para makuha ang pasya sa iyong diborsyo. Hindi ito awtomatikong nangyayari.

Iba ang mga batas tungkol sa Legal na Hiwalayan at Annulment sa mga batas sa diborsyo. Makipag-usap sa isang abugado o makipag-ugnayan sa Facilitator ng Batas para sa Pamilya para sa tulong.

Makakakuha ka ng pasya:

  • Nang default (kapag hindi tumugon ang kabilang panig),
  • Sa pamamagitan ng nakasulat na kasunduan o
  • Sa pamamagitan ng paglilitis

Tandaan: Hindi ka madidiborsyo sa pamamagitan lang ng pag-file ng motion.

 

Nasa isa sa mga kategoryang ito ang karamihan ng mga kaso ng diborsyo:

Default

Kung hindi tutugon ang kabilang panig sa mga papel ng hukuman ("default"), puwede kang makakuha ng default na pasya sa pamamagitan ng:

  • Pakikipag-usap sa isang abugado o
  • Pagbabasa ng self-help na aklat tungkol sa susunod na dapat mong gawin, o
  • Pag-hire ng tagapaghanda ng legal na dokumento, o puwede kang
  • Pumunta sa Self-Help Center ng hukuman

 

Nakasulat na kasunduan

Kung may napagkasunduan na kayo ng iyong asawa tungkol sa lahat ng isyu sa iyong diborsyo ("uncontested"), puwede mong isulat at i-file ang inyong kasunduan sa pamamagitan ng:

  • Pag-hire ng abugado na susulat nito para sa iyo, o
  • Pagbabasa ng self-help na aklat, o
  • Pag-hire ng tagapaghanda ng legal na dokumento

Paglilitis (contested na diborsyo, legal na hiwalayan, o annulment)

Kung minsan, hindi posibleng magkaroon ng kasunduan sa iyong asawa. Posibleng may mga isyung hindi ninyo napagkakasunduan o ayaw ng iyong asawa na isapinal ang diborsyo. Kung hindi kayo magkasundo sa labas ng hukuman, pagpapasyahan ng isang hukom ang mga isyu sa iyong kaso sa isang paglilitis.

Kung ganito ang iyong sitwasyon,  makipag-usap sa isang abugado. Magagawa ng isang abugado sa batas para sa pamilya na ipaalam sa iyo ang tungkol sa mahahalagang legal na karapatan at ikatawan ka sa isang paglilitis, kung gusto mo. Alamin ang iyong mga karapatan bago tapusin ang iyong diborsyo o puwedeng tuluyan nang mawala sa iyo ang mga karapatang iyon.

Narito ang mga hakbang na puwede mong gawin para matapos ang iyong contested na diborsyo.
Hakbang 1: I-file ang iyong form na "Kahilingan para sa Kumperensya sa Status para Maitakda ang Kaso para sa Paglilitis" sa Hukuman (Lokal na Form ALA FL-050)

Kapag handa ka nang isapinal ang iyong diborsyo at magtakda ng pagdinig sa hukuman, at naihain mo na ang Paghahayag Kaugnay ng Serbisyo sa Paghahayag ng Disclosure at Paghahayag ng Kita at Gastusin (FL-141), puwede kang mag-file ng form na "Kahilingan para sa Kumperensya sa Status para Maitakda ang Kaso para sa Paglilitis." Kumuha ng isang taong may edad na hindi bababa sa 18 taon at walang kinalaman sa iyong kaso na magpapadala ng kopya ng form sa iyong asawa o sa kanyang abugado. Dapat lagdaan ng taong magpapadala sa form ang Patunay ng Pag-serve sa likod ng form at ipadala ito sa iyo.

Hakbang 2: Magtakda ng petsa ng pagdinig para sa Kumperensya sa Status

Kapag natanggap na ng Hukuman ang iyong form na "Kahilingan para sa Kumperensya sa Status para Maitakda ang Kaso para sa Paglilitis," may ipapadala sa iyo at sa iyong asawa na abiso tungkol sa iskedyul ng petsa at oras ng pagdinig para sa Kumperensya sa Status . Dapat ay pumunta ka at ang iyong asawa sa hukuman para sa pagdinig para sa Kumperensya sa Status at kung hindi mase-settle ang inyong kaso, dapat kang pumunta sa hukuman para sa isang Kumperensya sa Settlement. Kung hindi mase-settle ang iyong kaso sa Kumperensya sa Settlement, dapat kang bumalik sa hukuman para sa isang paglilitis.

Bago ka pumunta sa hukuman para sa Kumperensya sa Status, maghanda ng "Questionnaire para sa Kumperensya sa Status" (Lokal na Form ALA FL-041). (Lokal na Panuntunan 5.45) Bago pumunta sa hukuman para sa Kumperensya sa Settlement, maghanda ng "Pahayag ng Kumperensya sa Settlement." Makakakita sa Pahayag ng Kumperensya sa Settlement ng detalyado at nakadokumentong paliwanag ng iyong (mga) isyu. Ililista mo rin ang mga isyung pinagkakasunduan at hindi ninyo pinagkakasunduan.

Dapat mong dalhin ang mga orihinal na dokumento, at dapat kang magdala ng dalawang (2) kopya ng Kumperensya sa Status sa Tanggapan ng Clerk hindi bababa sa apat (4) na araw bago ang pagdinig para ma-file ang mga ito. Dapat ka ring mag-serve sa iyong asawa hindi bababa sa apat (4) na araw bago ang pagdinig para sa Kumperensya sa Status at dapat mong i-file ang patunay ng pag-serve na nagpapakitang nagawa na ang pag-serve.

Hakbang 3: Ang Iyong Kumperensya sa Status

Sa Kumperensya sa Status, susuriin ng hukom ang status ng iyong kaso, ang iyong mga plano sa discovery, ang iyong pag-usad tungo sa settlement, at anumang hindi pa nalulutas na isyu. Puwedeng maglabas ang hukom ng mga kautusan para sa anumang pagkilos na pinapahintulutan ng batas na makakapagsulong ng patas at mahusay na disposition ng kaso.

Hakbang 4: Ang Iyong  Kumperensya sa Settlement

Ang Kumperensya sa Settlement ay isang pagkakataon para sabihin sa hukom ang mga isyung naayos na ninyo at ang mga isyung hindi pa ninyo napagkakasunduan. Kung may napagkasunduan na kayo ng inyong asawa sa lahat ng isyu sa Kumperensya sa Settlement, puwede nang i-grant ng hukom ang inyong diborsyo sa pagdinig na ito at hindi na kayo pabalikin sa hukom para sa paglilitis.

Hakbang 5: Ang Iyong Paglilitis

Kung magpapatuloy sa paglilitis ang iyong kaso,  sasabihin sa iyo ng hukom sa Kumperensya sa Settlement ang mga isyung didinigin sa paglilitis, kung gaano katagal ang ibibigay sa iyo para maipresenta ang iyong kaso, at ang mga papayagang saksi. Dapat mong sundin ang mga patakaran sa paglilitis ng departamento kung saan nakaiskedyul ang iyong paglilitis.

Hakbang 6: Ang Iyong Pasya

May mapagkasunduan man kayo sa labas ng hukuman, sa isa sa mga paglilitis sa hukuman, o kung dinigin at pagpapasyahan man ng isang hukom ang iyong kaso, dapat mong ihanda ang mga sumusunod na dokumento:

  •  Pasya (Form FL-180)
  • Mga Attachment sa Pasya (sa mga form ng hukuman o pleading paper na nagsasaad sa mga kautusan para sa kustodiya at pagbisita, sustento sa anak, sustento sa asawa, dibisyon ng ari-arian, at bayarin sa mga abugado, kung mayroon)
  • Abiso sa Entry ng Pasya (Form FL-190)
  • Dalawang (2) naka-address na may tatak na sobre na may return address ng hukuman. May address mo ang isa, habang may address naman ng asawa mo ang isa.

Para sa tulong sa mga form na ito, pumunta sa website ng Konseho ng Lungsod (www.courts.ca.gov), o bisitahin ang Tanggapan ng Clerk ng Batas para sa Pamilya, o bisitahin ang  Self-Help Center ng hukuman.

Kapag naihanda mo na ang iyong mga dokumento, gumawa ng mga kopya para may magamit kang sanggunian at i-file ang mga ito sa Clerk ng County.

6. Paano makakuha ng mga kopya ng iyong decree sa dibosyo (pasya)

Posibleng dumating ang panahon na kailanganin mo, ilang taon matapos ang iyong diborsyo, ng kopya ng mga papeles ng diborsyo.

Para makakuha ng mga kopya ng mga dokumento ng diborsyo, pumunta sa courthouse at humingi ng kopya o magpadala ng kahilingan sa pamamagitan ng koreo.

Para bumisita sa courthouse o magpadala ng kahilingan sa pamamagitan ng koreo, tingnan ang mga direksyon, address, at oras ng negosyo sa (Lokasyon-Mga Oras-Mga Direksyon ng Hukuman para sa Pamilya)

Para humingi ng kopya sa pamamagitan ng koreo, ipadala sa amin ang:

  • Iyong nakasasulat na kahilingan,
  • Tsekeng nakapangalan sa Superior Court, at
  • Self-addressed na may tatak na legal-sized na sobre.

Para sa halagang dapat bayaran para sa pagkopya at pagpapadala ng mga dokumento ng hukuman at tamang padadalhang address, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng County ng Batas para sa Pamilya. May dagdag na bayad ang na-certify na kopya. Kung hindi mo alam ang numero ng kaso ng diborsyo, may maliit na bayad para hanapin ito.  Pakidetalye ang impormasyon sa iyong kahilingan. Makakatulong ito sa clerk na gumawa ng masusing paghahanap at maibigay sa iyo ang impormasyong kailangan mo. 

    1. Ano ang kaso ng parentage at kailan dapat mag-file ng Pagkilos para Itakda ang Parentage?

    Kung mayroon kang mga anak at hindi ka kasal sa isa pang amgulang, dapat kang mag-file ng kaso para itakda ang parentage. Ibig sabihin, hinihiling mo sa Hukuman na tukuyin ang mga magulang ng mga abta.

    Puwede ka ring humiling ng sustento sa anak, kustodiya, at kautusan sa pagbisita nang sabay-sabay. Magagawa ng ina, ama, anak, o Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Anak ng County ng Alameda (Alameda County Department of Child Support Services, ACDCSS) na i-file ang ganitong uri ng kaso.

    Dahil inaalam sa pagkilos sa parentage ang mga magulang ng isang bata, binibigyan nito ang bata ng karapatang tumanggap ng suporta at mga benepisyo sa Social Security, at mag-claim ng mana.

    Tandaan: humihiling ka ng pasya sa parentage, hindi lang kautusan sa kustodiya o suporta

    Mga form na kakailanganin mo

    Puwede kang kumuha ng Paternity Packet sa tanggapan ng Clerk ng Batas para sa Pamilya sa anumang courthouse sa County ng Alameda. Para makapagsimula ng pagkilos sa pagtatakda ng pagiging parentage, punan at i-file ang mga form na ito:

    • Petisyon para Patunayan ang Kaugnayan sa Magulang (Form FL-220)
    • Mga Summon (Form FL-210)
    • Paghahayag sa Ilalim ng Uniform na Batas sa Hurisdiksyon at Pagpapatupad sa Kustodiya sa Anak (UCCJEA) (Form FL-120)

    Puwede mong i-download ang lahat ng form na kailangan mo para makapag-file ng pagkilos sa Parentage nang walang bayad. Gamitin lang ang mga link sa seksyong ito. Para sa higit pang tulong, puwede ka ring pumunta sa Facilitator ng Batas para sa Pamilya.
    Sagutan nang maayos ang lahat ng iyong form gamit ang asul o itim na ballpen, o i-type ang iyong mga sagot.

    Paano punan at i-file ang iyong mga form sa parentage

    Hakbang 1: Punan ang mga form

    Punan ang mga form para sa pagsisimula sa iyong kaso. Kung kailangan mo ng tulong, puwede kang makipag-ugnayan sa Facilitator ng Batas para sa Pamilya para sa tulong at mga referral sa iba pang organisasyong posibleng makatulong sa iyo.

    Ang magulang na magsisimula sa kaso ay ang Petitioner. Ang isa pang magulang ay ang Respondent.

    Kapag nasagutan mo na ang mga form, gumawa ng 2 kopya.

    Hakbang 2: I-file ang mga form

    Dalhin ang mga nasagutan mo nang form at kopya sa tanggapan ng Clerk ng Batas para sa Pamilya sa courthouse ng County ng Alameda na pinakamalapit sa iyo, o sa kung saan didinigin ang usapin para ma-file ang mga ito. Ang lugar kung saan ka magfa-file ay posibleng hindi ang lokasyon ng hukuman kung saan didinigin ang iyong usapin. Tiyaking tama ang lokasyon ng hukuman na nakasulat sa iyong mga papeles para malaman kung saan aktwal na didinigin ang iyong usapin.

    Kung nagfa-file ka ng mga form ng parentage para simulan ang iyong kaso at humihiling ka rin ng:

    • Restraining Order para sa Karahasan sa Tahanan
    • Kautusan para Magpakita ng Dahilan (may emergency/pansamantalang kautusan man o wala)
    • Waiver sa Bayarin

    Dalhin ang mga karagdagang nasagutan nang form na ito (at magdala ng 2 kopya) sa Tanggapan ng Clerk para sa pag-file.

    Ifa-file ng clerk ang mga orihinal na form, tatatakan niya ang iyong mga kopya, at ibabalik niya ang mga kopya sa iyo. Kung humihiling ka ng pagdinig tungkol sa karahasan sa tahanan, kustodiya, pagbisita, o suporta, bibigyan ka rin ng clerk ng petsa ng pagdinig para pumunta sa hukuman.

    Sa paghahain ng iyong mga form, may papabayaran sa iyo ang clerk. Kung hindi mo ito kayang bayaran, humingi sa clerk ng packet para sa waiver sa bayarin. Punan ang form ng waiver sa bayarin at ibigay ang form sa clerk na siyang magbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng pag-apruba.  Kung magpapasya ang hukom na kailangan mong bayaran ang ilan sa o ang lahat ng bayarin, mayroon kang 10 araw para bayaran nang buo ang halagang hindi mo pa nababayaran.

    Hakbang 3: I-serve ang mga form

    Dapat ay kumuha ka ng taong personal na magse-serve sa isa pang magulang ng mga kopya ng mga form na napunan at na-file mo na. Kasama rito ang:

    • Petisyon para Patunayan ang Kaugnayan sa Magulang (Form FL-220)
    • Mga Summon (Form FL-210)
    • Paghahayag sa Ilalim ng UCCJEA (Form FL-120)
    • Anumang karagdagang form na na-file mo (Kautusan para Magpakita ng Dahilan, form ng Kita at Gastusin)

    Huwag mag-serve ng anumang aplikasyon o kautusan para sa waiver sa bayarin.

     

    Dapat mag-serve ang taong magse-serve sa isa pang magulang ng blangkong kopya ng:

    • Sagot sa Petisyon para Patunayan ang Kaugnayan sa Magulang (Form FL-220)
    • Paghahayag sa ilalim ng UCCJEA (Form FL-105)
    • Payo at Waiver sa Mga Karapatan (Form FL-235)
    • Sagot na Paghahayag (kung nag-file ka rin ng mga papeles para sa Kautusan para Magpakita ng Dahilan) (Form FL-320)
    • Paghahayag ng Kita at Gastusin (kung humihiling ng sustento sa anak) (Form FL-150)

    Tandaan: Hindi puwedeng ikaw mismo ang mag-serve sa mga papeles.

    Dapat sumagot ang taong magse-serve sa mga papeles ng "Patunay ng Pag-serve ng Mga Summon" (Form FL-115). Nakasaad dapat sa patunay ng pag-serve na naihatid na niya ang mga papeles sa magulang.

    Hakbang 4: I-file ang Patunay ng Pag-serve

    I-file ang orihinal na Patunay ng Pag-serve sa Tanggapan ng Clerk sa lalong madaling panahon at magdala ng 2 kopya na tatatakan ng clerk ng stamp na “filed” para sa iyo. Magtabi ng mga kopya para may magamit kang sanggunian at dalhin ang mga ito sa hukuman sa pagpunta mo sa iyong pagdinig.

    2. Paano makakuha ng pasya sa iyong kaso ng parentage

    1. Contested

    Contested ang kaso kung magfa-file ang kabilang panig ng Sagot sa Petisyon para Itakda ang Ugnayan sa Magulang (Form FL-220) at hihiling siya ng pagsusuri sa dugo o pupunta siya sa pagdinig at hihiling rin siya ng pagsusuri sa dugo o kung hindi siya sasang-ayon sa kautusan sa kustodiya, pagbisita, o suporta na hinihiling mo.

    Kung mayroon kang isyu sa kustodiya at/o pagbisita, hihilingin sa iyo ng hukuman na makipag-usap sa isang tagapamagitan sa tanggapan ng Serbisyo sa Paglutas ng Alitan sa Pamilya bago pagpasyahan ng hukom ang mga isyung iyon sa isang pagdinig.

    Kapag nakagawa na ang hukom ng pinal na pasya sa pagkakakilanlan ng mga magulang at nakapaglabas na siya ng kautusan tungkol sa kustodiya, pagbisita, at suporta sa anak sa isang paglilitis o pagdinig, puwede nang gumawa ng Pasya. May form para dito sa iyong Paternity Packet.

    2. Kasunduan

    Kung magkakasundo kayo ng isa pang magulang na pareho kayong magulang ng bata at magkakasundo kayo sa suporta sa bata, kustodiya, at iskedyul ng pagbisita, dapat ninyong isulat ang inyong kasunduan. Puwede itong gawin sa isang pagdinig sa hukuman o bago ang pagdinig. Makakapagbigay ang Facilitator ng Batas para sa Pamilya ng impormasyon tungkol sa kung paano isulat ang inyong kasunduan at sa mga dapat isama (dapat ay mayroon itong kasunduan tungkol sa suporta sa bata) para mapalagdaan ninyon ito sa isang hukom at ma-file ito sa hukuman.

    3. Default

    Kapag hindi nag-file ang isa pang magulang ng Sagot sa Petisyon para Itakda ang Ugnayan sa Magulang sa loob ng 30 araw pagkatapos ma-serve sa kanya ang mga papeles, puwede kang makakuha ng pasya nang "default."

    Sumagot ng Kahilingan para sa Entry ng Default (Form FL-165). Ibig sabihin, hinihiling mo sa Hukuman na sabihin kung sino ang mga magulang ng bata kahit hindi nag-file ng Sagot ang isa pang magulang. Kakailanganin mo ring sumagot ng Pahayag para sa Default o Uncontested na Pasya (Form FL-230) at iyong iminumungkahing Pasya (Form FL-250)(kasama ang lahat ng naaangkop na attachment), at Abiso sa Entry ng Pasya (Form FL-190).

    Dalhin agn mga nasagutan nang form at magdala ng 2 kopya sa tanggapan ng clerk para ma-file ang default na kahilingan at para maibigay ng clerk ang Paghahayag at iminumungkahing Pasya sa hukom para sa pagsusuri at paglagda. Bigyan ang clerk ng 3 naka-address at may tatak na sobre – 2 naka-address sa iyong sarili, at 1 naka-address sa isa pang magulang (tiyaking magbibigay ka ng sapat na postage).

    • Papadalhan ka ng Tanggapan ng Clerk ng kopya ng iyong Kahilingan para sa Entry ng Default kung ie-enter ng Hukuman ang default ng kabilang panig.
    • Magpapadala ang Tanggapan ng Clerk sa iyo at sa isa pang magulang ng Abiso sa Entry ng Pasya kapag nalagdaan na ng hukom ang pasya (tiyaking malaki ang mga ibibigay mong sobre at sapat ang postage para maibalik sa iyo ang lahat ng papeles).

    3. Sino ang puwedeng sumuri ng mga kaso ng parentage?

    Pribado ang impormasyon sa mga kaso ng parentage. Ang ina at ama lang sa kaso ang puwedeng tumingin sa file ng hukuman. Kung ikaw ang ina o ama sa kaso, at gusto mong makita ang file ng hukuman, kailangan mong:Para sa impormasyon tungkol sa Tanggapan ng Clerk ng Pamilya, mag-click dito. Para sa mga lokasyon ng dibisyon ng hukuman ng Batas para sa Pamilya sa County ng Alameda, mag-click dito.

    • Magdala ng lisensya sa pagmamaneho o card ng pagkakakilanlan sa pamahalaan
    • Pumunta sa seksyon para sa pag-file ng tanggapan ng clerk ng courthouse kung saan dinidinig ang kaso para makita ang file ng hukuman.

    1. Paano makakuha ng Kautusan para sa Suporta sa Bata

    Para makakuha ng kautusan para sa suporta sa bata, dapat ka munang mag-file ng kaso sa Hukuman. Kung wala ka pang kaso, kailangan mong mag-file nito.

    Mga Alternatibo:
    • Kung KASAL ka sa isa pang magulang, puwede kang mag-file ng pagkilos para sa diborsyo o legal na hiwalayan. Kung ayaw mong mag-file para sa diborsyo o legal na hiwalayan, puwede kang mag-file ng Petisyon para sa Kustodiya at Suporta sa Mga Menor de Edad na Anak at Summon.
    • Kung HINDI KA KASAL sa isang magulang, dapat kang mag-file ng pagkilos sa pagiging magulang. Ibig sabihin, hinihiling mo sa Hukuman na pangalanan ang isa pang magulang. Puwede kang humiling ng sustento sa anak, kustodiya, at kautusan sa pagbisita nang sabay-sabay.
    • Kung humihiling ka ng restraining order para sa Karahasan sa Tahanan, mag-click dito.
    • Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata ng County ng Alameda (ACDCSS) at posibleng makapaghain sila ng kaso ng suporta sa bata sa iyong ngalan.  Mag-click dito para sa higit pang impormasyon tungkol sa ACDCSS.
    Narito ang mga paraan ng paghiling ng kautusan sa Hukuman:
    • Humingi ng tulong sa iyong abugado.
    • Puwede kang maghanap ng abugado sa telephone book, online, o makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Pag-refer ng Abugado ng Bar Association ng County ng Alameda.
    • Makipag-ugnayan sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata (ACDCSS) sa: http://www.acgov.org/css/·
    • Gawin ito nang mag-isa:
      Puwede kang gumamit ng mga self-help na aklat tungkol sa batas para sa pamilya , mga lokal na panuntunan ng Superior Court ng County ng Alameda para sa batas para sa pamilya, at legal na form mula sa mga book store, stationery store, o kumpanya para sa pag-print. Bukod pa rito, makakakuha ng mga nada-download na form ng Batas para sa Pamilya sa website ng Konseho ng Hukuman at website ng Hukuman.
    • Makipag-ugnayan sa Self Help Center/Facilitator ng Batas para sa Pamilya ng hukuman:
      Puwede kang humingi ng tulong sa paghahanda ng mga papeles para makakuha ng pagdinig sa hukuman. Kung magkakasundo kayo ng isa pang magulang sa halaga ng ibibigay na suporta sa bata, puwedeng matulungan ka ng Facilitator ng Batas para sa Pamilya na i-file ang kasunduang iyon. Makakakita ng higit pang impormasyon tungkol sa Self-Help Center ng hukuman dito.
    • Makipag-ugnayan sa isang Tagapaghanda ng Legal na Dokumento:
      Makakakita ka ng Tagapaghanda ng Legal na Dokumento sa telephone book o online. Hindi sila abugado at hindi ka nila maikakatawan sa hukuman, gayunpaman, maihahanda nila ang iyong mga legal na dokumento.

    Paano mag-file ng Kautusan para Magpakita ng Dahilan (OSC)
    Makikita mo sa seksyong ito ang mga sumusunod:

    • Ano ang at paano gumamit ng Kautusan para Magpakita ng Dahilan (OSC)
    • Mga form na kailangan mo
    • Paano sagutan at i-file ang mga form ng OSC
    • Iba pang bagay na dapat mong malaman
    Ano ang at paano gumamit ng Kautusan para Magpakita ng Dahilan (OSC) o Abiso sa Motion

    Sa paghahain ng iyong diborsyo, legal na hiwalayan, o kaso ng parentage, puwede ka ring mag-file ng motion na tinatawag na Kautusan para Magpakita ng Dahilan (OSC) para makakuha ng mga pansamantalang kautusan para sa kustodiya, pagbisita, at suporta. Ang Kautusan para Magpakita ng Dahilan ay isang kautusan ng hukuman para pumunta ang kabilang panig sa iyong kaso sa hukuman. Puwedeng mag-file ng Abiso sa Motion kapag nasimulan na ang isang kaso.  Puwedeng i-serve ang Abiso sa Motion sa pamamagitan ng koreo.  Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Facilitator ng Batas para sa Pamilya.

    Puwede kang mag-file ng OSC sa:

    • Humiling ng mga pansamantalang kautusan para sa bata sa unang beses na i-file mo ang iyong kaso ng parentage, diborsyo, o legal na hiwalayan;
    • Humiling ng mga kautusan sa suporta sa bata sa isang dati nang kaso;
    • Humiling ng pagbabago sa iyong mga kasalukuyang kautusan; o
    • Hilinging kanselahin ("isantabi") ang isang default na pasya (pasyang ginawa nang hindi ka tumugon sa mga legal na papeles o pumunta sa hukuman) sa isang kaso ng suporta sa bata ng Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata. Kung isasantabi ng Hukuman ang pasya, pagpapasyahan ng Hukuman ang dapat mong bayaran para sa mga kasalukuyan at dating suporta sa bata ("mga arrearage").
    Mga form na kailangan mo: Kung ikaw ang taong nagfa-file sa Kautusan para Magpakita ng Dahilan ("moving na panig"), dapat mong punan ang mga form na ito:
    • Kautusan para Magpakita ng Dahilan (Form FL-300)
    • Aplikasyon para sa Kautusan at Sumusuportang Paghahayag (Form FL-310)
    • Financial Statement (Pinagsimple) o Gamitin kung suporta sa bata lang ang hinihiling mo (Form FL-155)
    • Paghahayag ng Kita at Gastusin Gamitin kung humihiling ka rin ng suporta sa asawa o bayarin sa abugado: (Form FL-150)

      Kakailanganin mo rin ang mga sumusunod na form para sa pag-serve ng mga dokumentong ito sa iyong asawa:

    • Patunay ng Personal na Pag-serve (Form FL-330)
    • Sagot na Paghahayag sa Kautusan para Magpakita ng Dahilan o Abiso sa Motion (Form FL-320)
    • Blangkong Pinasimpleng Financial Statement (Form FL-155) o
    • Blangkong Paghahayag ng Kita at Gastusin (Form FL-150)
    May dalawang paraan para sagutan ang mga sarili mong form:
    • I-print ang form sa isang printer, pagkatapos ay sagutan ito nang maayos gamit ang asul o itim na ballpen; o
    • Punan ang form online gamit ang mga link sa itaas, at i-print ang nasagutan nang form
    Paano Punan, I-file, at I-serve ang Mga Form ng OSC:

    Hakbang 1: Punan ang mga form:
    Kung mayroon kang dati nang kaso, gaano man ito kaluma, gamitin ang parehong pamagat ng kaso. Kapag nasagutan mo na ang iyong mga form, gumawa ng 3 kopya (para sa iyo, isa pang panig, at isa pa).

    Hakbang 2: I-file ang mga form:
    Dalhin ang mga nasagutan mo nang form sa Tanggapan ng Clerk ng iyong lokal na hukuman at humiling ng petsa ng pagdinig. Ifa-file nila ang iyong mga papeles. May papabayaran sa iyo para sa pag-file kung wala kang naka-file na waiver sa bayarin.

    Hakbang 3: I-serve ang mga dokumento:
    Dapat mong i-serve sa isa pang magulang ang mga naendorso nang na-file na kopya ng mga form ng hukuman hindi bababa sa 21 araw bago ang iyong pagdinig o sa lalong madaling panahon kung iaatas ng hukom. Ibang tao na may edad na hindi bababa sa 18 taon — at hindi ikaw — ang dapat mag-serve sa isa pang magulang.

    Kung nangongolekta ng suporta sa bata ang Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Batas, ibang tao na may edad na hindi bababa sa 18 taon — hindi ikaw — ang dapat mag-serve sa mga dokumento.

    Ito ang mga form na dapat mong i-serve:

    • Ang Iyong Kautusan para Magpakita ng Dahilan
    • Ang Iyong Aplikasyon para sa Kautusan at Sumusuportang Paghahayag
    • Ang Iyong Pinasimpleng Financial Statement o Paghahayag ng Kita at Gastusin
    • Blangkong Sagot na Paghahayag
    • Blangkong Pinasimpleng Financial Statement o Paghahayag ng Kita at Gastusin

    Tandaan: Hindi puwedeng ikaw mismo ang mag-serve sa mga papeles.

    Ang iyong mga papeles ay dapta i-serve ng isang nasa hustong gulang (na may edad na 18 taon pataas) na walang kinalaman sa iyong kaso. O kaya, puwede kang mag-hire ng propesyonal na process server para i-serve ang iyong mga papeles. 

    Dapat sumagot ng "Patunay ng Personal na Serbisyo" ang taong magse-serve sa mga papeles (form FL-330). Nakasaad dapat sa patunay ng pag-serve na inihatid niya ang mga papel sa kabilang panig.

    Hakbang 4: I-file ang Patunay ng Pag-serve:
    I-file ang orihinal na patunay ng serbisyo sa Tanggapan ng Clerk ng lokal na hukuman sa lalong madaling panahon. Dapat itong gawin bago ang iyong pagdinig. Magdala ng naendorsong na-file na kopya ng patunay ng pag-serve sa iyong pagdinig. Kung hindi mo mafa-file ang patunay ng pag-serve bago ang pagdinig, dalhin ang orihinal sa iyong pagdinig.

    Hakbang 5: Pumunta sa iyong pagdinig:
    Dumating nang maaga sa courthouse para may oras kang hanapin ang courtroom. Hanapin ang iyong pangalan sa kalendaryo ng hukuman, na kadalasan ay nakapaskil malapit sa pinto ng courtroom. Tiyaking nakalista ang iyong kaso sa kalendaryo. Kung hindi ito nakalista, at  tama ang petsa at oras sa iyong mga papeles, ipakita ang iyong mga papeles sa clerk sa  courtroom.

    Tandaan: Magdala ng mga kopya ng lahat ng papeles sa iyong kaso (lalo na ang mga na-file mo para maitakda ang pagdinig na ito sa hukuman), iyong kopya ng na-file na patunay ng pag-serve, at iba pang papeles na sumusuporta sa iyong kaso, gaya ng mga pay slip para sa nakalipas na tatlong buwan, tax return para sa nakaraang taon, resibo ng sustento sa anak, at iba pang sumusuporta sa impormasyon sa iyong form ng Pinasimpleng Financial Statement o Paghahayag ng Kita at Gastusin. Kung ikaw ay self-employed, dalhin ang mga papeles na nagpapakita sa kinikita ng iyong negosyo.

    Kung mayroon kang mga saksi, dapat kang gumawa ng mga arrangement para makapunta rin sila sa hukuman.

    Hakbang 6: Pagkatapos ng pagdinig:
    Responsibilidad mong maghanda ng nakasulat na kautusan na nagsasaad sa iniatas ng hukom sa pagdinig. Puwede kang pumunta sa Self-Help Center/Tanggapan ng Facilitator ng Batas para sa Pamilya ng hukuman para sa impormasyon tungkol sa kung paano ihanda ang kautusan, o puwede kang makipag-ugnayan sa isang abugado o tagapaghanda ng legal na dokumento para sa tulong.

    Iba pang bagay na dapat mong malaman

    Halaga ng Suporta sa Bata:
    Susundin ng hukom ang mga batas sa suporta sa bata ("mga alituntunin") para matukoy ang iaatas na halaga ng suporta sa bata .

    Pangangalagang Pangkalusugan:

    Kapag humiling ka ng suporta sa bata, puwedeng gumawa ang hukom ng mga kautusan tungkol sa insurance sa kalusugan ng iyong (mga) anak (kasama rito ang paningin at ngipin) at sa kung paano paghahatian ng mga magulan ang mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na hindi sinasaklaw ng insurance.

    Pag-aalaga sa Bata:

    Kapag humiling ka ng suporta sa bata, puwede mo ring hilingin sa isa pang magulang na makihati sa mga gastusin sa pag-aalaga sa bata.

    Pagbibigay ng Suporta sa Bata

    Kadalasan, kinukuha ang suporta sa bata mula sa paycheck ng magulang ("withholding"). Para magawa ito, dapat kang mag-file ng Kautuasan/Abiso sa Pag-withhold ng Kita para sa Suporta sa Bata (FL-195). Hindi puwedeng tanggalin ng mga employer ang mga empleyado dahil nanggagaling ang suporta sa bata sa kanilang paycheck.

    Karagdagang Tulong:

    Para sa tulong, puwede kang bumisita sa isang abugado, tagapaghanda ng legal na dokumento, o sa Self-Help Center/Facilitator ng Batas para sa Pamilya ng hukuman.

    3. Paano pataasin o pababain ang suporta sa bata

    Kung gusto mong hilingin sa hukom na baguhin ang suporta sa bata (dagdagan o bawasan ang halaga), kailangan ay tama ang mga i-file mong form ng hukuman sa iyong kaso sa hukuman. Ayos lang kahit luma na ang iyong kaso. Dapat mong ipakita na nagbago na ang sitwasyon mula nang ibigay ang huling kautusan.

    Para baguhin ang halaga ng suporta, magagawa mong:

    • Makipag-ugnayan sa isang abugado;
    • Makipag-ugnayan sa isang tagapaghanda ng legal na dokumento;
    • Magpatulong sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Bata ng County ng Alameda (ACDCSS);
    • Gawin ito nang mag-isa. Puwede kang gumamit ng self-help na aklat o mga legal na form at tagubilin na nagpapaliwanag sa kung paano mag-file ng Kautusan para Magpakita ng Dahilan para baguhin agn suporta sa bata. Available ang mga form na ito sa web site ng Konseho ng Hukuman at sa web site ng Hukuman.
    • Makipag-ugnayan sa Self-Help Center/Facilitator ng Batas para sa Pamilyang hukuman. Makakatulong sila sa iyo sa impormasyon at mga form tungkol sa kung paano sumulat ng kasunduan kung sa palagay ninyo ng isa pang magulang ay mapagkakasunduan ninyo ang halaga ng suporta sa bata. Hindi sila makakatulong sa isang kasunduan kung ang Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata ang nangongolekta ng suporta sa bata sa iyong ngalan.

    4. Paano ibalik ang iyong lisensya sa pagmamaneho (o iba pang propesyonal na lisensya)

    Kung hindi mo ibibigay ang suporta sa bata na iniatas ng hukuman, puwedeng suspindihin ang iyong lisensya. Para mabawi ang iyong lisensya, makipag-ugnayan sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata. Kung hindi iyon makakatulong, hilingin sa hukom na atasan ang Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata na ibalik sa iyo ang lisensya mo. Para magwa ito, mag-file ng "Abiso sa Motion para sa Pagsusuri ng Hukom sa Hindi Pagbibigay ng Lisensya" (Form FL-670). HINDI mababago ng pag-file sa form na ito ang halaga ng suporta sa bata na dapat mong ibigay. Para mabago ang iyong kautusan sa suporta, mag-file ng Kautusan para Magpakita ng Dahilan.

    Impormasyon tungkol sa kung paano i-file ang iyong Abiso sa Motion para sa Pagsusuri ng Hukom sa Hindi Pagbibigay ng Lisensya:
    • Kumpletuhin ang form na "Abiso sa Motion para sa Pagsusuri ng Hukom sa Hindi Pagbibigay ng Lisensya" (Form FL-670). Gamitin ang numero ng kaso at pamagat ng kaso na pareho sa iyong kaso ng suporta sa bata. Ikaw at ang isa pang magulang ay palaging tatawaging Petitioner o Respondent nang tulad sa mga papeles na unang inihain.
    • Gumawa ng dalawang kopya ng iyong form (isa para sa iyo, isa para sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata). Ang orihinal ay para sa file ng hukuman.
    • Pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng clerk ng hukuman at humiling ng petsa ng pagdinig. Sa pagdinig, puwede mong sabihin sa hukom kung bakit dapat ibalik sa iyo ang iyong lisensya. Maniningil ng bayarin sa pag-file maliban na lang kung mayroon kang naka-file na waiver sa bayarin sa hukuman. Puwede mong suriin ang iskedyul ng bayarin ng hukuman para malaman kung magkano ang dapat mong bayaran. Kung  wala kang sapat na pera para bayaran ang bayarin sa pag-file, at wala kang naka-file na waiver sa bayarin, humingi sa clerk ng Aplikasyon para sa isang packet sa Waiver sa Bayarin.
    • I-serve ang mga papeles - I-serve ang mga papeles sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata ng County ng Alameda (ACDCSS)
    • Maghanda para sa iyong pagdinig - Sa petsa ng iyong pagdinig, posibleng kailanganin mong hintaying matawag ang iyong kaso sa courtroom. HUWAG magsama ng mga bata sa courtroom.  Kung kailangan mo ng tulong sa pag-aalaga sa bata, mag-click  dito para sa higit pang impormasyon tungkol sa Mga Waiting Room para sa Mga Bata ng hukuman.

    5. Mga Madalas Itanong

    Isasaalang-alang ba ang kita ng aking asawa sa suporta sa bata?
    Kadalasan, ang mga kita lang ng mga magulang ang ginagamit ng Hukom sa pagkalkula sa suporta sa bata. Puwedeng magtanong ang Hukom tungkol sa kita ng iyong asawa para sa buwis o iba pang layunin.

    Paano ko mapipigilan ang aking employer na kumuha ng suporta sa bata sa aking paycheck kapag tapos na ang aking obligasyon sa suporta sa bata?
    Dapat kang mag-file ng Kautusan para Magpakita ng Dahilan para mahiling sa Hukuman na ihinto ang pagkuha ng pera sa iyong paycheck. Kung maaaprubahan ka, lalagda ang hukom ng bagong kautusan sa pag-withhold ng sahod na nagkakahalaga ng $0. Puwede mong dalhin ang nalagdaang kautusang ito sa iyong employer. Mainam na makipagtulungan ka sa isa pang magulang o tagapangalaga sa paggawa ng kasunduan.  Kapag mayroon nang kasunduan, puwede kang mag-file ng Stipulation at Kautusan na may bagong assignment sa sahod na nagsaaad ng $0.00 na obligasyon sa suporta sa bata.

    Kailangan ko pa rin bang magbigay ng suporta sa bata kung 50/50 ang kustodiya?
    Kung mas malakit ang kita mo kaysa sa isa pang magulang, posibleng kailanganin mo pa ring magbigay ng kaunting suporta sa bata.

    Isasaalang-alang ba ng Hukuman na mayroon akong iba pang anak na kailangang suportahan?
    Puwede kang bigyan ng Hukuman ng credit para sa iba pang kautusan sa suporta sa bata at para sa iba pang bata sa iyong tahanan na sinusuportahan mo. Kadalasan, hindi nagbibigay ang Hukuman ng credit para sa mga stepchild o apo.

    Mas maliit ba ang ibibigay kong suporta sa bata kung mas madalas sa akin ang (mga) bata?
    Ang tagal ng panahong nakakasama ka ng mga bata ay isang salik sa pagkalkula sa suporta sa bata.

    Gaano katagal dapat ako magbigay ng suporta sa bata?
    Magbibigay ka hanggang sa maging 18 taong gulang ang bata, kung siya ay magtatapos ng high school. Kung full-time na mag-aaral pa rin sa high school ang iyong 18 taong gulang na anak at nakatira pa rin siya sa isa pang magulang, dapat kang magbigay ng suporta sa bata hanggang sa makatapos ang iyong anak.

    Kailangan ko bang magbigay ng interes para sa mga suporta sa bata na hindi ko pa nababayaran?
    Kadalasan, hindi nababawasan o nakakansela ng Hukuman ang interes sa hindi pa nababayarang suporta sa bata. Makipag-usap sa isang abugado para sa higit pang impormasyon.

    Paano ko mapipigilan ang aking employer na kunin ang kalahati ng paycheck ko?
    Kung 50% o higit pa ang ikinakaltas ng iyong employer sa iyong paycheck, posibleng mayroon kang balanse sa arrears (hindi pa nababayarang suporta sa bata). Makipag-ugnayan muna sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata ng County ng Alameda (ACDCSS) para malaman kung puwede kang gumawa ng iba pang arrangement. Kung hindi iyon makakatulong, puwede kang mag-file ng mga form ng hukuman para mahiling sa isang hukom na magtakda ng bayad na kaya mong ibigay.

    Paano kung hindi ibigay ng kabilang panig ang suporta sa bata?
    Makipag-ugnayan sa isang abugado o bisitahin ang Self-Help Center/Facilitator ng Batas para sa Pamilya ng Hukuman. Mainam ding makipag-ugnayan ka sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata (DCSS) para sa karagdagang impormasyon.

    Was this helpful?

    This question is for testing whether or not you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.